chapter 30

6.6K 140 3
                                    

Yannah's pov

Kakarating lang namin ngayon ni ash sa bahay ng parents niya for dinner...
Nag aya kasi yung mom niya na dito na mag dinner kasi di rin kami nakapag usap nung nasa birthday party kami ni tito...

Pagpasok namin sa bahay ay agad kaming sinalubong ni tita...

"Good evening yannah and ash! Buti nakarating na kayo, kakatapos ko lang din mag serve eh.. tara sa dining room!"bati ni tita samin tsaka niya ko hinila papuntang dining room, tiningnan ko naman si ash sa likod and tumango lang siya sakin kaya nagpahila nalang din ako...

"Upo kana diyan kukunin ko lang yung carbonara sa kusina OK?"sabi ni tita tsaka pumasok sa kusina...
Umupo narin si ash sa tabi ko...
Dumating narin si tita dala dala ang isang bowl na may laman ng carbonara...
Di talaga nawawala tong carbonara tuwing nandito kami sa bahay ng parents niya pansin ko lang haha!

"So ano?kamusta naman kayo? I mean sa pagsasama niyo sa isang bahay?"tanong ni tita kaya nagkatinginan naman kami ni ash

"Ahh ok lang naman po kami tita tsaka tumutupad naman siya sa rules eh haha!"sagot ko kahit wala na naman talagang rules, tinanggal na kasi namin ang rules kasi alam ko namang di parin susundin yun ni ash...

"It's good to hear! Sabi ko na nga ba eh magwo work talaga yung plan namin hihi!"sabi ni tita and napasmile nalang din ako...

Marami pang tinanong si tita like kailan daw siya magkaka apo na sinagot naman agad ni ash na wala pa kaming balak like hindi pa nga kami kasal eh!

Pagkatapos naming kumain, nagligpit narin kami ng pinagkainan namin tsaka nilagay sa lababo kasi yung mga maids nalang daw ang maghuhugas ng pinggan...
Umakyat rin muna si ash sa dating room niya kasi may kukunin daw muna siya... at ako?nagpahila ulit kay tita sa garden, dun sa pinuntahan namin ni ash nung party...

"So iha... yung tungkol pala sa importanteng sasabihin ko sayo...
Sasabihin ko na Ha?and please sana maintindihan mo lahat ng sasabihin ko kasi para rin ito sa inyo ni ash"panimula ni tita pero kinabahan agad ako sa kung ano ang sasabihin niya...

"Ahmm...ano po bang mangyayari?"tanong ko

"*sigh* me and your tito decided na papuntahin si ash sa states para dun niya ipagpatuloy ang course niya at para i train narin siya sa pagmamanage ng company namin... and siya muna ang hahawak sa company namin dun...for 2 years"paliwanag ni tita... wait... processing....
.
.
.
process Complete!

"2 years po siya dun?? Pero... pano po yung kasal namin?"

"2 years parin naman bago kayo gumraduate diba? And pagkatapos nyong gumraduate tsaka kayo ikakasal..."

"Pero... final na po ba yan?wala na po ba kaming magagawa ni ash? Alam narin po b a ito ni ash?"tanong ko...

"Wala na akong magagawa tungkol dito iha and alam narin to ni ash...and wala rin siyang ibang choice kundi sumunod sa dad niya"sabi ni tita...
So ibig sabihin ako nalang ang hindi nakakaalam?

"Brae... pwede ba tayong mag usap?"tanong ni ash sakin na nasa likod ko kaya humarap ako sa kanya...

"Iwan ko muna kayo"paalam ni tita tsaka umalis...

"Brae...sana maintindihan mo... and wala narin kasi akong choice eh kundi sundin si dad... tsaka pwede parin naman nating ipagpatuloy to diba?"sabi niya... itutuloy? Ldr?

"Sige...let's say LDR tayo...
Mag cha chat tayo everyday,then every week, then every month hanggang sa maging every occasion nalang... do you think magwo work talaga tayo ash? 2 years yun ash! And sa two years na yon ang daming pwedeng mangyari!"sabi ko sa kanya...

"Anong ibig mong sabihin? Ititigil natin to? No Brae! Ayaw ko! I love you so much at ayaw kong mawala kana naman sakin for the second time! Di ko kakayanin yun Brae!"sabi niya sabay hug sakin pero tinanggal ko ito..

"It's for the both of us ash... tsaka tayo lang din ang masasaktan so let's stop this habang hindi pa masyadong masakit... I love you ash,so much! Pero ayaw ko namang maging selfish"sabi ko sa kanya and tears fall down on his face...ang sakit lang!

"Yun ba talaga ang gusto mo? Sige... let's stop this... pero pagkatapos ng two years na yun... ihanda mo na ang sarili mo kasi pagkauwing pagkauwi ko dito papakasalan agad kita... I promise that brae... "sabi niya...

"Ok deal... and I will keep that promise of yours ash...hihintayin kita...bye"sabi ko and then I Pressed my lips on him for the last time... tsaka ako tumalikod at umalis na...

Alam kong maraming mangyayari sa loob ng 2 taon pero hihintayin ko parin siya... at sana tuparin rin niya ang pangako niya sakin...

Ashton's pov

Pagkatapos akong halikan at iwan ni brae sa garden ay agad akong napaupo sa damo at umiyak nalang...ang sakit lang...
Tulad nga ng sabi niya... kailangan ko talagang pumili sa kanila... and sa ngayon... i choose the company pero soon siya na talaga ang pipiliin ko at sisiguraduhin kong hinding hindi na kami magkakahiwalay ni brae...

Nagring naman ang phone ko and tumatawag pala si Kate...
Kaya agad ko itong sinagot...

Ash kung hahanapin mo si yannah sa bahay niyo... nandito siya sa pad ko pero wag mo nalang siyang puntahan kasi ayaw ka muna niyang makita.. sana maintindihan mo...
And don't worry alam ko na ang nangyari sa inyo at makakaasa kang aalagaan ko si yannah habang wala ka... ingat pala dun sa states....

Thanks kate... alagaan mo si yannah ah pakakasalan ko pa siya pagbalik ko...

Haha! Oo nga! Basta siguraduhin mo lang... sige na...

Ok sige bye... thanks ulit...
*end call*

Don't worry braeyannah... tutuparin ko ang promise ko sayo at sana kaya mo parin akong tanggapin pagbalik ko...

My Ex, My Fiance (Completed)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang