chapter 43

5.7K 107 2
                                    

Sean's pov

Nakabalik na kami sa loob ng resort at nadatnan lang namin silang kumakain ng pizza habang nanonood ng Movie....
Napansin naman ako ni kate kaya napatingin siya sakin pero nag iwas agad ng tingin tsaka kumain ulit...

"Oh sean and mina, may pizza oh kuha kayo"sabi ni ash samin... hinila naman ako ni mina sa gilid ng sofa kung saan nakaupo sina xander at kate... bakit dito pa talaga?!

"Gusto mo?"tanong sakin ni mina habang nakaabot sakin yung isang slice ng pizza...
Kinuha ko nalang ito tsaka kumain...

Mahaba din kasi tong sofa na inuupuan namin...

Yung pwesto namin is

ashton | yannah | xander | kate |mina | ako (sean)

"Anong movie pala to?"tanong ni mina sa kanila...

"The Vampire diaries" sagot ni kate...

"Ahh all about vampires pala to...
Di ako masyadong mahilig sa vampires eh pero nanonood naman ako ng twilight and breaking dawn"sabi ni mina...

"Ahh...ako mahilig ako sa vampires eh kasi ang cool talaga nila like ang puti nila tapos may powers pa talaga tsaka ang gwapo!"sabi ni yannah kaya ngayon nakapoker face na si ashton...
Ayaw na ayaw talaga naming boys na palagi kaming nalalamangan ng mga gwapo daw na hinahangaan nila psh!
Mas gwapo naman kami diyan no!

"Oo nga! Lalo na si damon diyan sa vampire diaries ang gwapooo!"sabi ni kate...langya!
Papatayin ko na talaga yan sila eh!

"Tss...mas gwapo naman kami diyan"sabi nitong si xander...

"Hmm...oo nga naman mas gwapo nga naman si xander kasi singkit... gusto ko rin ng koreans eh hihi!"sabi ni kate...
Kaya agad namula si xander psh!

"Tama ka dyan kate, diba mas gwapo pa kami diyan?"sabi ni ashton sabay pogi pose kaya natawa si yannah...

"Oo na! Mas pogi kana! Hahaha!"sabi ni yannah kay ashton...

"At syempre papatalo ba naman tong boyfriend ko! Mas gwapo pa tong boyfriend ko no!"sabi ni mina sakin tsaka siya yumakap sa braso ko...
Napatingin naman ako sa kanya dahil sa ginawa niya tsaka siya nginitian...

"Yieee! Iba talaga pag pumapag ibig eh Hahaha!"sabi ni yannah samin...
Napailing nalang ako sa sinabi niya at ewan ko ba pero napatingin ako sa gawi ni kate na nakatingin din pala sakin pero nag iwas din siya ng tingin tsaka humarap kay xander tsaka siya sinubuan ng pizza...
Sila na ba talaga? Hayys! Ewan...
Tsaka ano namang pake ko diba? Tsk!

Kate's pov

Edi sila na sweet psh!
Pake ko ba sa kanila? Tsaka nandito naman si xander eh kaya dapat di na ko maaapektuhan sa kanila... pero wait... bakit naman ako maaapektuhan?? Di ko naman siya gusto eh! Aissh! Ewan! Ang gulo!

"Kate ok ka lang? Gusto mo pa ng pizza?"tanong sakin ni xander...

"Ahh wag na busog narin ako... uhmm..pwede hatid mo nalang ako sa room ko tsaka ikaw nalang din magpaalam sa kanila na mauuna na akong matulog..."pakiusap ko sa kanya kasi inaantok na talaga ako eh tsaka ayaw ko ng atmosphere dito...

"Ok sige...Uhmm...guys hatid ko lang si kate sa room niya kasi inaantok na siya eh tsaka... masakit din daw yung ulo niya"sabi ni xander sa kanila... wait... wala naman akong sinabing masakit ang ulo ko ah?

"Ahh sige mabuti pa... ok ka lang ba kate? Magpahinga kana...dun yung kwarto mo sa right side dun sa pinaka last" sabi ni kate sakin kaya tinanguan ko nalang din siya tsaka ako inalalayan ni xander papunta sa room ko...

"Uy! Bakit mo sinabing masakit yung ulo ko?wala naman akong sinabi na masakit ang ulo ko ah?"tanong ko sa kanya...

"Pag sinabi kong inaantok ka lang... masyado kang obvious na nagseselos ka sa dalawa...kaya sinabi ko nalang na masakit yung ulo mo para kapani paniwala naman"sabi niya...
Anong obvious? Anong nagseselos? Huh?

"Anong pinagsasabi mo? Tsaka selos? Bakit naman ako magseselos?"tanong ko sa kanya..

"Kasi nga... nagseselos ka"sabi niya...

"Di nga ako nagseselos!"sagot ko sa kanya...

"Talaga? Di ka nagseselos? Patunayan mo nga"sabi niya habang lumalapit sakin hanggang sa nacorner niya na ako sa pinto...

"A-anong...pano ko naman mapapatunayan yun?"tanong ko sa kanya...

"Kiss mo ko"sabi niya tsaka wink sakin at smirk...

"Huh?! Nababaliw kana ba?"tanong ko sa kanya...

"Bigla naman niya kong hinapit sa bewang tsaka ako hinalikan sa noo...

"Oo na... di kana nagseselos... sige na magpahinga kana"sabi niya tsaka binuksan ang pinto ng kwarto ko... di ko napansin na nandito na pala kami...

"Goodnight babe... sweet dreams"sabi niya tsaka na ako pinapasok sa room ko at sinirado yon... napatulala nalang ako sa ginawa niya...
Though...I find it sweet... Hayys! Ano bang nangyayari sakin?? *face palm*

Sean's pov

Pagkaalis nila xander at naghintay ako ng 5 mins. At nagpaalam para mag cr...
Pero sinundan ko talaga sila... ewan ko ba pero...basta! Di ko mapaliwanag eh!

May narinig naman akong nag uusap kaya nagtago ako sa gilid ng pader tsaka dahan dahang sumilip...

At saktong pagsilip ko ay nakita ko kung paano halikan ni xander si kate sa noo...
Napayukom nalang ang kamao ko sa nakita ko...
Kahit siguro sabihin kong di ako nagseselos obvious nman siguro na nagseselos ako base sa kilos ko diba?

Binuksan naman ni xander yung pinto tsaka pinapasok na si kate...
Pagkasarado niya ng pinto ay agad akong lumabas sa pagkakatago ko kaya nakita niya ako...

"Sinusundan mo ba kami?"tanong niya...

"Bakit ko naman kayo susundan?"tanong ko pabalik sa kanya...

"Because YOU'RE JEALOUS,ISN'T YOU?"sabi niya kaya mas lalo kong naiyukom ang kamao ko...

"Alam mo bro... ang payo ko sayo... kung mahal mo...iparamdam mo... hindi yung hanggang tingin ka lang... "sabi niya tsaka ako nilagpasan pero huminto ulit...

"Pero...pano mo nga pala gagawin yun kung... merong masasaktan?"pahabol niya tsaka tuluyang umalis...
Anong ibig niyang sabihin??

My Ex, My Fiance (Completed)Where stories live. Discover now