chapter 38

5.6K 113 0
                                    

Ashton's pov

Nandito kami ngayon ni brae sa sala habang nanonood ng movie at kumakain ng burger and syempre cokefloats...

Nagpabili pa nga kami sa caretaker nitong resort eh kasi gusto talaga ni brae ng cokefloats haha!

"Ash..."tawag niya sakin kaya tumingin ako sa kanya...
Agad naman siyang nag pout kaya nagtaka ako...
Napatingin naman ako sa kamay niya na may hawak ng mcfloats na wala ng laman...
Ok gets ko na😑😑

"Jeballl!(please)" sabi niya sakin habang tinuturo yung mcfloat ko...

"Hayys! Pangalawa mo na yan ah!"sabi ko sa kanya sabay abot ng float ko... yes...pangalawa niya na yan...
Tatlo kasi yung binili ko kasi alam kong kukulangin siya pero parang kulang pa yata eh

"Yay! Thanks!"sabi niya sabay kiss sa cheek ko at syempre

"Uyy! Namula siya Hahaha!" Langya!
Umiling nalang ako tsaka kumuha ng fries tsaka nanood ulit...

"Ash, galit ka?" Tanong niya sakin pero umiling lang ako...

"Galit ka eh...mianhe!!"sabi niya tsaka yumakap sakin pero yung isang kamay niya lang...
Ang weird talaga niyang kumilos ngayon...
Like parang di siya nagka amnesia eh...

"Di nga ako galit ok? Tsaka bakit naman ako magagalit sayo?"tanong ko sa kanya...

"Kasi ininom ko yung float mo...meron pa naman eh,ito oh!"sagot niya tsaka inabot sakin yung float na kalahati na yung bawas...
Napasmile nalang ako sa kanya...
Uminom nalang ako ng konti sa float na hawak niya tsaka ako nag thank you...

"Brae, sigurado ka bang di pa bumabalik yung memories mo?para kasing bumalik na eh kasi the way you act...parang di ka nawalan ng memories"tanong ko sa kanya...

"Ahm..di parin eh...tsaka gusto ko lang talaga na palaging nasa tabi mo... ewan ko ba pero feeling ko safe ako sa tabi mo kahit di ko pa naaalala yung memories natin...siguro nga totoo yung sinasabi nila na ang amnesia para lang sa isip, hindi sa puso..."sabi niya...
Para naman akong nabuhayan ng loob sa sinabi niya... like parang feeling ko nandyan parin ako sa puso niya...

"Totoo naman talaga yun eh... ulo mo lang yung nauntog, hindi yung puso mo kaya syempre ang isip lang ang maaapektuhan"sagot ko sa kanya...

"Kaya nga haha!"sagot niya kaya natawa nalang kami...

"By the way, anong oras pala tayo uuwi? 3:31 na kaya"tanong niya...

"Hmm maybe mamayang 6:00 para sa mcdo nalang tayo kumain ng dinner... gusto mo yun diba?"sabi ko sa kanya at agad namang nagliwanag yung mukha niya..

"Yey! Mcdo! Thanks ash!"sabi niya tsaka ako niyakap ulit...

"Welcome haha! Ilang cokefloats ba gusto mo?"

"Hmm...I want 4 for dine in and 3 for take out hihi!"sabi niya... ok siya na favorite ang mcfloats...

"Sure haha! Hmm...san mo pala gustong matulog mamaya? I suggest dun nalang tayo sa bahay natin?"tanong ko sa kanya...

"Pwede rin...sige dun nalang siguro"sagot niya kaya napangiti ako... tsaka ginulo ang buhok niya...haha!

"Ok sige... tsaka may damit ka pa naman dun kaya ok lang kung dun ka mag stay kahit ilang days pa"sabi ko sa kanya...

"Sige tsaka nagpaalam na ako kay mom... and agree naman siya basta wag daw gawin yung alam mo na Hahaha!"sabi niya...

"Pwede rin naman"sabi ko kaya agad niya akong pinalo...

"Wag ka nga! Sige ka di na ako pupunta dun!"sabi niya..

"Joke lang naman yun no! Di ko naman gagawin yun no! Not until we've got married"sabi ko sabay wink kaya namula siya... Hahaha!

"Siguraduhin mo lang no!"sabi niya...

"Oo naman"sabi ko tsaka siya hinila para yakapin...
Hayyy! Siguro ngayon kasal na kami...
Kainis naman kasi tong amnesia eh! Sino ba gumawa niyan?Tsk!

Kate's pov

Nandito ako ngayon sa park kasama si Mikael...
Isa siya sa bestfriend ko pero naging bff lang kami 1 year ago nung naaksidente si yannah...

Pinsan kasi niya si xander and agad naman kaming naging close kasi marami kaming similarities eh like sa foods and hobbies...

Tumunog naman yung ringtone ng cp ko para sa message kaya tiningnan ko kung sino yung nag message...
Si audrey pala...

From: audrey

He's back

Yan yung nasa message niya kaya agad ko siyang tinawagan para tanungin siya kung sino yung bumalik...
Agad naman niyang sinagot yung phone niya...

Hello drey?
Sino yung bumalik na sinasabi mo?

Sino pa ba? Edi si sean... bumalik na daw siya,kanina nga lang daw dumating eh...

Ganun ba?

Ayses! Puntahan mo nalang kaya!

Bat ko naman siya pupuntahan? Tsaka pake ko ba sa kanya...

Syempre may pake ka sa kanya!
Umiyak ka pa nga nung nalaman mong umalis siya ng hindi nagpapaalam sayo eh!

Dati yun OK? Sige na... mamaya nalang tayo usap...

Ok byeerrs!
*end call*

Kung nagtataka kayo kung saan galing si sean?
Wag nyo kong tanungin kasi kahit ako di ko alam kung saang planeta siya pumunta!
Di ko nga alam kung bakit pa siya bumalik eh! Tsk!

"Sino yun?"tanong sakin ni mikael...

"Si audrey... may sinabi lang siyang hindi importante"sagot ko sa kanya...

"Di importante? Bakit naman siya mag e effort na itext ka ng walang kwentang bagay?"tanong niya...

"Ewan ko... tara kain muna tayo"sabi ko sa kanya tsaka naunang naglakad...
Parang nawalan ako ng gana eh...
Tsk!

My Ex, My Fiance (Completed)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora