chapter 12

11.1K 234 2
                                    

Yannah's pov
"Yannah umuwi kanang maaga mamaya ah.. may dinner tayo with hervilla family..."sabi ni mom... tumango nalang din ako tsaka lumabas na para pumunta sa labas...
Pagbukas ko ng gate ay agad kong nakita si sean na nakasandal sa sasakyan niya... ang gwapo niya shet!
As usual...

Agad Naman siyang nag smile tsaka ako binati ng goodmorning... binati ko rin siya pabalik tsaka ako pumasok sa sasakyan niya...

"Ok ka lang? Bat parang wala ka sa mood?"tanong niya sakin...

"May dinner kasi kami mamaya with hervilla at alam kong tungkol na naman ito sa kasal.."napansin ko namang napatahimik siya sa sinabi ko...

"Tuloy na ba talaga yung kasal niyo?di ko naba pwedeng pigilan?"sabi niya kaya napatawa ako... pero naka pout lang siya...
Sobrang sweet and caring niya... gwapo...sa isang salita... ideal boyfriend talaga siya...
Kung hindi lang talaga ako napunta kay ashton siguro kami parin hanggang ngayon...

"Don't worry... kung ipapahinto mo yung kasal namin support kita Hahaha"sabi ko sa kanya pero parang hindi siya naconvince...

"Uyy...wag kanang magtampo please? Don't worry solo mo naman ako anytime eh"sabi ko sa kanya... napangiti naman siya sa sinabi ko tsaka nagpatuloy sa pagmamaneho...

@campus
Pagdating namin sa campus ay medyo maaga pa kasi meron pa kaming 20 mins. Before magstart ang klase...

"Tara maglakad lakad muna tayo? Meron pa namang time eh"aya ko sa kanya... tumango naman siya tsaka kami umalis ng sasakyan tsaka naglakad lakad..

Every person na madaanan namin may sinasabi or tinitingnan kami...
Meron pa ngang nagsabi na bagay talaga kami...

Kumapit naman ako sa braso niya kaya napatingin siya sakin...

"Pwedeng pakapit?"tanong ko sa kanya...
"Oo naman... everything for my princess"sabi niya sakin... ang sweet talaga!

Habang naglalakad kami papuntang garden ay nakasalubong namin si ashton kasama si kate...

Ewan ko pero parang nailang ako sa tingin niya kaya umiwas nalang ako...

Tuloy tuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa nalagpasan na nila kami...
Napabuntong hininga nalang ako..
Mukhang galit talaga siya... pero pano na yan mamaya? Wag niyang sabihin na hindi siya pupunta?
Unfair naman yata yun...

"Hey...nakikinig ka ba? Kanina pa ako nagsasalita dito di ka naman pala nakikinig"tampong sabi niya sakin...

"Sorry... may iniisip lang... ano nga palang sinasabi mo?"tanong ko sa kanya pero umiling lang sya...

"Tara hatid na kita sa classroom niyo... mukhang wala ka talaga sa mood eh"aya niya sakin... tumango nalang din ako bilang pagsang ayon...

Ashton's pov
Magkasama pa talaga sila ni sean ah...tss..
Ewan ko ba kung bakit bigla akong nabadtrip nang makita ko sila...
They look like a couple... a sweet couple...
And I can't help it but to feel jealous...
Kung makalapit siya sa sean na yun parang sila talaga.. pero pag sakin kung iwasan ako para akong may nakakahawang sakit...
Asan hustisya dun?? Tsk!

Pagdating namin sa room ni kate... wala pa yung sub. Teacher namin...
Mabuti naman kasi wala talaga ako sa mood makinig sa kanya ngayon...

"Oh..anyare sayo na naman?"tanong ni kate sakin...
Wala... tsaka may nakita lang ako kanina... ang sakit sa mata eh.. "sagot ko...

"Masakit sa mata o masakit sa puso?"sabi niya ng mas pataas taas pa ng kilay...
"Wag ka nga Tsk!"sabi ko... sakto namang pumasok ang prof namin kaya tumahimik narin siya while ako? Badtrip parin Tsk!😑😑😑

My Ex, My Fiance (Completed)Where stories live. Discover now