chapter 37

5.9K 125 2
                                    

Ashton's pov

Nandito na kami ngayon sa resort namin dito sa batangas at kasalukuyan kong ginigising si brae...
Ang hirap talaga niyang gisingin...
Mukhang nagising ko na yata siya kasi umayos na siya ng upo..

"Ashton... sorry nakatulog ako... uhmm..asan pala tayo?"tanong niya habang kinukusot pa ang mata niya..ang cute!

"We're here in batangas... private resort namin to and nadala narin kita dito dati kasama yung mga pinsan ko tsaka sina kate din"sagot ko sa kanya...

"Ahh ganun ba...ang ganda nga"sabi niya habang dumudungaw sa bintana ng kotse...
Lumabas naman ako ng sasakyan tsaka tumungo sa side niya para pagbuksan siya...
Agad naman siyang nag thank  you tsaka lumabas ng sasakyan at naglakad lakad...

"Nagustuhan mo ba?"tanong ko sa kanya habang nakasunod sa kanya...

"Oo naman! Ang ganda nga eh... tsaka gustong gusto ko kapag white sand..ang sarap lakaran eh..."sabi niya at ngayon ko lang napansin na nakapaa lang pala siya... bat di ko man lang napansin na tinanggal niya yung sapatos niya?

"Ang lamig ng tubig!"sabi niya habang nilalaro ang paa niya sa tubig... napangiti nalang ako sa nakikita ko...
Sana talaga makatulong to para bumalik na ang alaala niya...

"Ash...may damit ka ba diyan na extra? Gusto ko talagang maligo eh pero tingnan mo naman tong suot ko...naka dress ako eh! Di ka naman kasi nagsabi! "Sabi niya...
Hayys! Oo nga pala! Bakit ba di ako nagdala ng damit niya?

"Tara sa loob...may t shirt ako dun and I'm sure malaki yun sayo kaya pwede mo yung ipanligo"sabi ko sa kanya kaya agad kaming tumungo sa loob ng resort para makapagbihis siya...

Agad kong binigay sa kanya ang tshirt ko at dali dali naman niyang kinuha yon tsaka pumunta ng bathroom para dun magbihis...

Agad naman akong napatanga paglabas niya kasi... what the! Bakit bagay sa kanya yung malaki kong tshirt?

"Oh baka matunaw na naman ako niyan ah!"sabi niya kaya agad akong umiwas ng tingin... ghadd ang init ng mukha ko!

"Hahaha! Ang pula mo! "Pang aasar niya sakin...

"Hays! Tara na nga! Akal ko ba excited kanang maligo?"sabi ko sa kanya...

"Oo nga tara na!"sabi niya tsaka ako hinila palabas ng kwarto...
Buti nalang talaga kaming dalawa lang dito kasi kung hindi siguradong mapapaaway talaga ako...

Pagdating namin sa dagat,bumitaw muna ako sa kamay niya kaya napatingin siya sakin...

"Ayaw mong maligo?"tanong niya at umiling naman ako... kakaligo ko lang kasi kaya ayaw kong mabasa ulit...

"Samahan mo ko please!"sabi niya..

"Mamaya na ako... kakaligo ko lang kasi eh...promise mamaya"sabi ko sa kanya and tumango nalang siya tsaka pumunta na sa may tubig...

Umupo lang ako sa may buhangin tsaka siya pinanood na naliligo...
Lumangoy rin siya kaya nawala siya sa paningin ko...
Pero parang ang tagal naman yata niyang hindi umahon?

Agad akong tumayo para tingnan siya sa tubig pero wala eh! Asan na yun?
More than 5 mins. Di parin siya umaahon kaya wala na akong choice kundi hubarin ang tshirt ko saka siya pinuntahan sa nilanguyan niya kanina...

Medyo malalim narin ang tubig kaya sumisid narin ako para hanapin siya and there... I saw her na nakalutang sa ilalim ng tubig kaya agad ko siyang pinuntahan...

Pagkalapit ko sa kanya ay agad ko siyang hinila pataas...

"Brae, brae wake up!"gising ko sa kanya kasi di parin niya minumulat ang mata niya...

Nagulat nalang ako nang bigla niya akong niyakap habang nakapikit parin...

"Ashton...akala ko di mo parin ako pupuntahan eh" sabi niya habang nakayakap sakin...

"Bakit mo naman ginawa yun? Alam mo bang pinag alala mo ako? Akala ko nalunod kana eh! "Sabi ko sa kanya...

"Pano naman mangyayari yun? Alam mo bang kaya kong tumagal sa ilalim ng tubig in 10 mins?"sabi niya...

"Kailan pa? Di ko alam to ah?"tanong ko sa kanya.. wala naman kasi siyang nababanggit na may ganun siyang skills...

"Hmm..1 year ago... nag aral ako kung paano tumagal sa ilalim ng tubig ng hindi umaahon...and 10 mins ang pinakamatagal ko"sabi niya... ahh kaya pala...

"Basta wag mo ng uulitin yun ah? Pinag alala mo ako eh"sabi ko sa kanya pero tumawa lang siya...

"Sorry... ayaw mo kasi akong samahan eh..."sabi niya...

"Pero dahil sa ginawa ko... ito ka ngayon kasama ako he he"dugtong pa niya...

Umalis naman siya sa pagkakayakap sakin pero nakalagay parin yung braso niya sa batok ko...

"Hmm...ash...diba sabi mo... ex at fiancé kita dati? So ibig bang sabihin nun... minahal mo ko?"tanong niya at napatigil naman ako dun...

"Oo naman... mahal na mahal... kaya nga kita naging fiancé eh"sagot ko sa kanya....

"Ahh...so meaning minahal din pala kita noon..."sabi niya...

"Oo... tsaka alam mo bang first bf mo ako?"sabi ko sa kanya...

"Talaga?"

"Oo..."sagot ko sa kanya...

"Ngayon... mahal mo parin ba ako?"tanong niya...

"Oo eh... mas lalo pa nga kitang minahal ngayon..."sagot ko sa kanya kaya napangiti siya...

"Kung sakali mang di na bumalik ang alaala ko...gusto ko sanang gumawa ulit ng panibagong memories... kasama ka...kung ok lang sayo?"sabi niya na ikinagulat ko... wait... di to panaginip diba?

"Oo naman! Why not? Tsaka gusto ko ngang happy memories lang eh"sagot ko sa kanya...

"Edi simulan natin ngayon..."sabi niya tsaka siya bumitaw sakin at tumakbo palayo sakin...

"O bakit nakatayo kalang diyan? Di mo ba ko hahabulin? Hmm?"tanong niya... ahh kaya pala haha!

"Hahabulin syempre... paparating na nga eh"sabi ko tsaka tumakbo papunta sa kanya...
Agad naman siyang tumakbo palayo sakin pero dahil sa mas mabilis akong tumakbo... nahabol ko siya tsaka siya niyakap sa likod...

"Huli ka! Hahaha!"sabi ko sa kanya...

Humarap naman siya Sakin at nagulat nalang ako ng bigla niya akong halikan...
Smack lang yun pero natulala talaga ako...

"This is our first happy memories...and I will treasure this"sabi niya sakin tsaka ako niyakap...

"Thank you brae... for another chance... I love you"sabi ko sa kanya tsaka siya niyakap pabalik...

"Thank you din..."sabi niya...
Tsaka kami naligo ulit...
Buti nalang talaga binigyan niya ako ulit ng chance...
At di ko yun sasayangin..

My Ex, My Fiance (Completed)Where stories live. Discover now