chapter 40

5.4K 111 3
                                    

Yannah's pov

Kakatapos lang ng party ni sean at pauwi na kami ngayon kasama sina kate,sean at si mina...
Magkasabay kasi kaming lumabas kaya syempre sabay sabay narin kaming pupunta sa parking lot...

Pagkadating namin sa parking lot ay agad nagpaalam si kate samin para sumakay na sa porche niya...

Pagkaalis na pagkaalis ni kate ay agad kaming napatingin kay sean na sumigaw

"What the! Who did this?!"sigaw niya habang nakatingin sa gulong ng sasakyan niya na flat...
Wait... parang kilala ko na kung sino may gawa niyan

*flashback*

"Yannah pwede humingi ng favor?"tanong ni kate habang kumakain kami...

"Oo naman, ano ba yung favor na hinihingi mo?"tanong ko sa kanya...

"Hmm..pwedeng patingin ng cctv ng parking lot niyo? May titingnan lang ako"sabi niya... bakit naman kaya?

"Sure, pero bakit pala?"tanong ko...

"May titingnan lang ako"sagot niya...kaya napatango nalang ako...

*end of flashback*

Maya maya ay nagpaalam siya kasi pupunta na daw siya sa office kung saan nandun ang cctv kaya  um oo nalang rin ako...

Pero ngayon alam ko na kung bakit gusto niyang tingnan ang cctv dito Hahaha!
Maybe dinelete niya yung part na binutasan niya yung gulong ng kotse ni sean hahaha!

"May alam ba kayo nito?"tanong ni sean samin kaya agad kaming umiling...
Wala naman talaga akong alam tungkol dito no!

"Fudge! Nasira na ang araw ko!"Reklamo niya...

"So ano? Pwede naman kayong sumabay samin ni yannah... tapos ipaayos mo muna yang sasakyan mo"suggest ni ashton...

"Wag na... magpapasundo nalang kami sa driver ko..."sabi niya kaya nagpaalam nalang din kami sa kanila para mauna ng umuwi...

Ang sakit na kasi ng paa ko eh kaya gusto ko na talagang umuwi...
Pagkasakay namin ni ash sa sasakyan ay agad niya itong pinaandar...

"Brae, sa tingin mo sino gumawa nun?"tanong sakin ni ash..

"Si kate"sagot ko kaya napatingin siya sakin...

"Pano mo nasabi?"tanong niya...

"Kanina kasi humingi siya ng favor sakin kung pwede daw ba niyang tingnan yung cctv footage sa parking lot"sagot ko sa kanya...

"Ahh... pero bakit naman niya ginawa yun?"tanong niya ulit...

"Malay ko...baka wala lang talaga siyang magawa or galit talaga siya kay sean"sabi ko... tumango tango nalang din siya tsaka itinuon na ang atensyon niya sa daan...

Kate's pov

Pagdating ko sa unit ko ay agad akong tumungo sa room ko tsaka humiga...
Nakakapagod tong gabing to!
Ang dami kong nakita at nalaman... pero yung tanong na nasa isip ko di ko parin nasasagot...
Hayyy!

Napatingin naman ako sa cp ko nang bigla itong umilaw...
Agad ko itong kinuha tsaka tiningnan... may nagmessage pala pero unknown number eh...

From:********

I'M HERE OUTSIDE... OPEN THE DOOR

Yan yung nakalagay sa message...
Sino naman kaya to? Capslock pa talaga ah?
Ano yun para intense? Psh!

Agad akong tumungo sa pintuan tsaka binuksan ko ito ng kaunti para silipin kung sino yung nasa labas...
Pagkasilip ko kung sino yung nasa labas ay agad kong sinirado pero dahil sa minamalas talaga ako ngayong araw na to eh napigilan niya yung pinto tsaka ito binuksan ng malaki at dire diretsong pumasok...
What the! Tresspasing lang?!

"Ano bang ginagawa mo dito ha? Tsaka sinong poncio pilato ang nagsabi sayong pwede kang pumasok dito sa unit ko?!" Tanong ko kay sean... yes! Si sean lang naman tong walang hiya na pumasok dito sa unit ko...

"Why the hell I'm here?! Tinatanong mo pa talaga?!
Akala mo ba di ko alam na ikaw ang nagbutas ng gulong ko?! Ano ako tanga?"sunod sunod niyang tanong...

"Wait lang ah? Isa isa lang pwede?
Una... kaya ako nagtatanong kung bakit ka nandito kasi obviously di ko alam kung nandito ka... di naman ako unli para itanong pa sayo ang tanong na alam ko naman ang sagot diba?

Pangalawa,di ako ang nagbutas ng gulong mo! Bakit may ibedensya kaba? Ha?

At pangatlo, tinatanong mo kung tanga ka? Oo! Tanga ka! Sobrang tanga mo!" Sagot ko sa lahat ng tanong niya... akala niya ah!

"Di ka pa talaga aamin? May nakakita sayo habang binubutasan ang gulong ng kotse ko at ang sabi ng guard na nagbabantay ng cctv,may pumunta daw na babae dun para tingnan ang cctv footage ng parking lot at....di ako tanga! "sagot niya...

"Bakit naman nila nasabing ako yun?kilala ba nila ako?"tanong ko sa kanya..

"Bakit may iba pa bang babaeng pink ang dress,may pink na mclaren porche at maganda--- wait... di yun kasali... so may iba pa ba bukod sayo? Chineck ko lahat ng kotse na nandun at ikaw lang ang may pink na mclaren porche at ikaw lang din ang babaeng naka pink na dress na may sasakyang ganun! Now, ano pang sagot mo?"sabi niya habang lumalapit sakin hanggang sa na corner niya na ako sa may dingding...

"Uhmm...bakit---"di ko na natuloy ang sasabihin ko kasi bigla niya akong hinalikan...just a smack kiss pero parang ang daming boltahe na dumaloy sa katawan ko...

"Magsinungaling ka pa... di lang yan ang aabutin mo...tsaka umamin kana kasi...di naman kita ipapakulong eh"sabi niya...

"B-bakit mo ginawa yun? May girlfriend kana ah?"tanong ko sa kanya...

"I know,pero yun lang ang tanging paraan na naisip ko para patigilin ka sa pagsisinungaling mo eh...tsaka di niya naman malalaman unless sasabihin mo sa kanya diba? And... it's just a friendly kiss"sabi niya kaya agad ko siyang nasampal... friendly kiss huh? Anong tingin niya sakin? Ganun ganun na lang?

"Ang kapal mo rin pala talaga eh no?! Papasok ka dito sa pamamahay ko ng walang paalam tapos hahalikan mo ako bigla bigla tapos sasabihin mong friendly kiss yun kasi may girlfriend kana? Anong tingin mo sakin Ha? Ganun ganun nalang yun?! Ganyan ba kababa ang tingin mo sakin? Sige, tama ka! Ako ang nagbutas ng gulong mo... pero dahilan ba yun para gawin mo yun Ha?!" Sabi ko sa kanya.... walangya pala siya eh!

"S-sorry...sorry kung nagawa ko yun... I just..."

"Ano? Anong excuse mo dun?!"tanong ko sa kanya...

"I just miss you OK?! Tsaka just consider it as my birthday gift... thanks sa gift mo and sorry ulit...sige... you may rest now"sabi niya tsaka halik sa noo ko at labas ng unit ko...
I think I need to rest na talaga...
Masyado na akong na stress ngayong araw na to!




My Ex, My Fiance (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon