chapter 58

5.4K 97 0
                                    

Yannah's pov

Pagkatapos naming bisitahin ang botique ni mom ay napagpasyahan naming mag ikot ikot muna...
Kain dito, kain doon
Bili dito, bili doon...
Ganyan lang ginagawa namin at kanina parin badtrip tong katabi ko sa dalawang nakasunod samin na nasa likod ngayon...

Sino pa nga ba? Edi yung dalawang suitors niya!
Haba talaga ng hair eh sarap putulin tsk! Haha! Jwk!

"Ano di parin kayo titigil diyan sa pag aaway ha? Ang sakit nyo sa uloo!"si kate yan... sabi ko naman sa inyo eh...

Kanina kasi nagtalo yung dalawa sa kung anong dapat bilhin ni kate dun sa store kanina...
At dahil sa nagpapagalingan na naman tong dalawa... ang resulta?
Di siya nakabili Hahaha!

Mahirap talaga kung mahaba yung buhok eh no! Buti nalang talaga nagpaputol ako ng buhok kahapon Haha!

"Kate,i think kailangan mo ng magpahinga... mukhang na stress kana dyan sa dalawa eh"sabi ko sa kanya... hapon narin kasi and kanina pa kami palakad lakad dito...

"Mabuti pa nga... sige balik na tayo dun sa botique para makuha ko yung sasakyan ko at makauwi na ako kasi naiinis na talaga ako sa dalawang yan eh!" Malakas niyang sabi at alam kong pinariringgan niya yung dalawa sa likod...

Akmang sasabat na naman yung dalawa pero agad ko silang pinigilan...di talaga makaintindi eh..

"Wag nyo muna siyang guluhin OK? Hayaan nyo muna siya kasi na iistress na sya sa inyong dalawa nakuu!" Bulong ko sa dalawa kaya nagkatinginan sila...
Pero agad rin namang nag iwas... hayy!

Nagsitanguan nalang din ang dalawa tsaka ko sila pinaunang umalis...

"Pagpasensyahan mo na yang dalawa, sadyang natamaan lang talaga sayo eh, ang haba kasi nyang buhok mo "sabi ko sa kanya and inirapan lang ako ng babaeng to psh! Pasalamat siya tinutulungan ko siya dito ss dalawang to psh!

"Sige na pumunta kana dun sa botique, di na kita sasamahan dun... malapit lang naman yan eh"sabi ko sa kanya...
Kaya tiningnan niya ako ng 'what look?'

"Di muna ako sasabay sayo... mag iikot muna ako dito tapos magcocommute nalang ako pauwi"sabi ko sa kanya..

"Ok sige ikaw bahala... ingat"sabi niya tsaka naglakad paalis...

Di ko kasi na enjoy kanina yung pag iikot ko eh dahil sa tatlong yun...
Kaya mas mabuti pang ako nalang mag isa ang mag iikot...




Mga 2 hours na akong naglilibot dito at napadpad ako sa may tulay... and may dagat dun sa hindi kalayuan... konti lang din ang tao dun kaya napagpasyahan kong pumunta dun sa may dagat...

Pagkarating ko sa may dagat ay umupo muna ako sa may buhangin...
Hindi siya yung dagat na para liguan or something....
I think para lang to sa mga taong gustong mag isip isip or couples na gustong magdate dito...

May nakita kasi ako kanina eh and ang sweet lang nila psh!

" Maghihiwalay din yannn! Walang foreverrrr!" Sabi ko sa sarili ko at napatawa nalang ako sa mga pinagsasabi ko... hayys! Ang bitter ko yata ngayon?
Hahayy!

Nang mapansin kong madilim na ang paligid ay napagpasyahan kong umuwi na... nagugutom narin ako eh..

Habang naglalakad sa may tulay ay may naramdaman akong parang may nakamasid sakin pero ipinagwalang bahala ko lang yun...
Siguro stalker ko lang Haha! Jwk...

Naalala ko naman yung box na iniwan sa unit ko...
Sino kaya talaga yun?

Naramdaman ko namang parang may kumalabit sakin kaya tumingin ako sa likod ko at bigla nalang may tumakip sa bibig ko... para akong nahihilo sa amoy ng panyo na ipinangtakip sakin... naramdaman ko nalang na para nila akong sinasakay sa sasakyan at dun na ko nawalan ng malay...

Kate's pov

Nakarating na ako sa unit ko ngayon at napansin kong madilim na sa labas...
Anong oras na pala?

7:56 pm na pala...
Kaya pala nagrereklamo na tong tyan ko eh!

Narinig ko namang may nag doorbell kaya agad akong tumungo sa may pinto para tingnan kung sino yun...

Pagkabukas ko ng pinto ay agad na bumungad sakin ang mukha ni sean...may dala siyang paperbags and base sa nabasa ko... parang galing siya sa restaurant...

"Pwede ba akong pumasok?" Tanong niya....

"Kung sabihin kong hindi pwede... hindi ka ba papasok?"tanong ko pabalik... umiling naman siya bilang sagot kaya inirapan ko siya at pumasok sa loob...

Sumunod rin siya sakin at nilapag ang pinamili niya sa mesa...

"Alam kong di ka pa kumakain kaya binilhan kita ng pagkain"sabi niya habang binubuksan anf pinamili niya...

Nakatingin lang ako sa kanya habang binubuksan ang mga dala niya...
Mukhang napansin naman niya yung titig ko kaya napatingin rin siya sakin...

"Gwapo ba ng oppa na nasa harapan mo?"tanong niya habang naka pogi sign...
Inirapan ko lang siya kaya napatawa siya habang umiiling...

"Bakit mo ba to ginagawa?"out of nowhere na tanong ko sa kanya...
Napatingin naman siya sakin dahil sa tanong ko...

"Bakit ko to ginagawa? Simple... dahil gusto kong bumawi sayo...gusto kong humingi sayo ng sorry sa lahat ng ginawa ko"sabi niya...

"Diba pinapatawad----"

"Kahit ilang beses mong sabihin na pinapatawad mo na ko but still... hindi ako naniniwala sayo... cause I don't feel it... "sabi niya habang nakatitig sa mata ko...

"Sean...diba dapat...kay mina ka maging ganyan? May girlfriend ka sean...at siguradong namimiss kana ni mina...why don't you follow her instead at lahat ng pinapakita mo sakin ngayon... ipakita mo sa kanya..."sabi ko sa kanya...

"Yun na nga kate eh! Di ko alam kung bakit sa twing kasama o kausap ko si mina... ikaw yung naaalala ko! Yes, I love her...pero nung makita kita na may kasama kang iba...
There's something strange inside me... I felt jealous..."sabi niya na parang nahihirapan siya...

"Anong ibig mong sabihin?"tanong ko sa kanya...

"Kate... alam kong alam mo na ikaw ang mahal ko bago maging kami ni mina---"

"Yes, ako ang una mong minahal bago maging kayo pero naging kayo sean! Babae si mina at babae rin ako kaya alam ko kung anong mararamdaman niya kapag nalaman niya to lahat! Yung akala niya mahal ka pa pero hindi na pala? Masakit yun sean! Para sabihin ko sayo masakit yun! At ayaw kong masaktan si mina dahil sakin... please sean... stop this... si mina nalang...
Ayaw kong masaktan ang ibang tao dahil sakin... "sabi ko sa kanya...di siya sumagot at kinabig ako para yakapin ako...

"Sorry kate... don't worry... kakausapin ko si mina...kasi kahit ako naguguluhan din sa nararamdaman ko ngayon... sorry...hush now...don't cry"sabi niya habang pinupunasan ang luha ko...
Naramdaman kong hinalikan nya ko sa noo at napapikit nalang ako sa ginawa niya...

"Sean...please clear all this mess...at kung pwede... wag mong hahayaan na may masaktan kang tao dahil lang sa isang bagay na ginawa mo... na walang kasiguraduhan..."sabi ko sa kanya pagkabitaw ko sa pagkakayap sa kanya...

"Yes... I'll try kate..."sabi niya...
Sana talaga...
Sana walang masasaktan...
Pero alam kong impossible...

My Ex, My Fiance (Completed)Where stories live. Discover now