chapter 16

10.3K 216 12
                                    

Yannah's pov

Nandito kami ngayon ni sean sa mall para bumili ng books...
Mahilig kasi akong magbasa lalo na yung mga wattpad books...
Pagpunta namin sa bookstore ay agad akong pumili ng books na gusto kong basahin...
Pinili ko ang vampire city na book tsaka ito binayaran sa counter...

"Mahilig ka pala sa vampire?"tanong ni sean sakin..

"Yup...usually na binabasa ko is vampire kasi ang cool nila eh"sagot ko sa kanya...

"Ahh...so san mo gustong pumunta?"tanong niya sakin...

"Kain muna tayo sa McDo,gutom na ako eh Haha!"sabi ko sa kanya tsaka siya ngumiti at ginulo ang buhok ko Tsk!
Hobby ba talaga ng boys yun?

Pagdating namin sa mcdo ay hindi pa naman marami ang tao kaya marami pang available na tables...
"Anong gusto mong kainin?"tanong niya sakin...

"Hmm...mcfloat tapos ikaw na bahala sa iba..."sabi ko sa kanya...
Favorite ko kasi talaga ang mcfloat kaya di talaga mawawala yun sa tuwing oorder ako...

"Sige upo ka nalang muna dun"sabi niya sabay turi ng isang table na malapit sa window...
gusto ko yung spot kasi kita mo yung labas ng mall kaya dun narin ako umupo...

After 10 mins. Dumating narin siya dala ang order namin...
Agad kong kinuha ang mcfloat tsaka ito ininom... ang sarap talaga!

"Hilig mo talaga ang mcfloat no?Haha!"sabi niya sakin... nagsmile nalang din ako sa kanya tsaka kumain narin...

"So,alam ba niya na magkasama tayo ngayon?"tanong niya sakin kaya napatingin ako sa kanya... di niya rin kasi alam na umalis si ash sa bahay...

Napatingin naman ako sa likod ni sean and... nakita ko siya....bakit siya nandito??
Blanko lang ang expression niya habang nakatingin sakin... naputol lang ang titigan namin nang tawagin siya ni kate na nasa tabi niya...
Nagdate pala sila ah... talagang dito pa? Ano to incident na naman??Tsk!

"Hey... ok ka lang?"tanong ni sean kaya napatingin ako sa kanya....

"Ahh...hindi niya alam na kasama kita tsaka wala naman siyang pakialam kung magkasama tayo eh... tsaka bakit ko naman ipapaalam sa kanya?"sagot ko sa kanya at alam kong narinig yun ni ash...
Pero wala akong pake tss...

"Ahh OK..."sabi niya tsaka kumain nalang ulit...

"Hey,diba Ex/fiancé mo yun?"tanong nung kasama ni ash... familiar siya sakin... siguro max name nun?
Alam kong narinig rin yun ni sean pero continue lang siya sa pagkain..

"No...she's not MY fiancé kasi kung fiancé ko siya diba dapat ako kasama niya?tss..." sagot niya kay Max...

"Ahh..akala ko siya yun eh.. "sabi nalang ni max pero di parin niya inaalis ang tingin niya sakin...
Kumain nalang ako ng spaghetti kasi talagang nababadtrip ako sa kanya!

"Favorite mo narin pala ang spaghetti?Hahaha! Or gutom kalang talaga "sabi niya sean sakin...

"Ha?Hmm..gutom lang talaga hehe!"sagot ko sa kanya...

"Ahh...wait wag kang gumalaw Ahh.."sabi niya tsaka pinunasan ang gilid ng labi ko gamit ang daliri niya tsaka ito tinikman... 😮

"Kaya naman pala eh! Masarap pala kaya ka ganyan kumain Haha!"sabi niya sakin...

"Kalat ko yun eh bakit mo tinikman? Tsaka dapat sinabi mo nalang na gusto mo para bigyan kita"sabi ko sa kanya.. nakakahiya naman kasi eh!

"Nope...ok lang tsaka tinikman ko lang naman he he!"sabi niya... ang sweet talaga nito!

"Oh,tikman mo masarap"sabi niya tsaka ako sinubuan ng soup tsaka kiss sa cheek ko... what the! Ang pula ko na ngayon swear!

Nagulat nalang ako nang biglang pinalo ni ash ang table nila kaya napatingin lahat ng tao sa kanilang table...
Ano na namang pakulo nito??

"Nagulat nalang ako nang bigla niyang suntukin si sean kaya agad na napaupo si sean sa sahig...
Agad ko namang nilapitan si sean..

"Ano ba ash! Wag ka ngang mag eskandalo dito! Tsaka ano bang ginawa sayo ni sean ha! "Sabi ko kay ash...
Kainis eh! Nananahimik yung tao tapos bigla niyang susuntukin si sean! What the F!

"Ha! talagang siya pa ang kinampihan mo ah! Bakit yannah!siya naba talaga ang ipinalit mo sakin? Tapos sa kanya nagpapahalik ka tapos ako na fiancé mo sobrang iwas ka sakin?! Ano sa tingin mo ang mararamdaman ko yannah!sa tingin mo natutuwa ako na makita kayong ganyan kalapit Ha!"sigaw niya sakin... wow lang ha! So ngayon siya pa ang galit?!

"Tapos ikaw! Di mo ba talaga naintindihan ang sinabi ko sayo! Binalaan na kita diba?! Ang sabi ko wag na wag mo nang lalapitan si yannah tapos ngayon? Ang lakas pa ng loob mong halikan siya! "Dagdag pa niya habang ang sama ng tingin kay sean ...

"Pwede ba ash!wag ka ngang mag eskandalo dito! Mamaya nA tayo mag usap!"sabi ko sa kanya... ayaw ko namang patulan siya dito kasi baka kung anong inisipin ng mga tao dito...

"Ash tara na...kumalma ka muna ok?!"sabi sa kanya ni kate tsaka siya hinila palabas...

"Sean ok ka lang ba? "Tanong ko kay sean..

"Yup Haha! Ang lakas pala sumuntok ng fiancé mo no?"sabi niya..

"Grave! Ikaw lang talaga ang sinuntok na tumatawa pa!"sabi ko sa kanya...

"Tsk! Kahit ako naman yannah... kung makita ko ang babaeng gusto ko na hinalikan ng iba... ganun rin naman ang magiging reaksyon ko eh...
Alam mo ba kung bakit ko ginawa yun? Kasi tinetest ko siya...kung talagang mahal ka pa niya... susugurin niya ako... and kung wala na talaga siyang pake sayo... di niya gagawin to sakin...
Siguro naman nagets mo na ang ibig kong sabihin diba?"sabi niya sakin.. pero di parin ako sumasagot....

"Alam ko ring mahal mo parin siya yannah...nakikita ko sa mata mo... alam kong siya parin ang may ari niyang puso mo...
Siguro galit ka parin sa kanya pero ginagawa niya naman ang lahat para makabawi sayo diba? Bakit di mo nalang siya bigyan ng chance? Malay mo nagsisi na talaga siya...
Alam kong alam mo kung ano ka para sa akin... mahal din kita yannah pero kaya kitang ipaubaya sa kanya para sa kasiyahan mo....ayokong maging selfish...
Pero kung sasaktan kalang niya ulit... gagawin ko ang lahat para di kana niya ulit makita yannah..."dugtong pa niya..

"Siguro nga sean...siguro natatakot lang talaga akong magtiwala ulit sa kanya kaya ganito ang nangyayari samin...don't worry kakausapin ko siya tsaka ako magdedecide kung bibigyan ko ulit siys ng chance...and thank you...kasi kahit alam mong masasaktan ka pinili mo parin ang kasiyahan ko... ang swerte talaga ng babaeng magugustuhan mo...thank you sean..."
sabi ko saka ko siya niyakap...
Ang swerte ko talaga kasi nandiyan si sean... di ko talaga alam ang gagawin ko sa oras na ito kung wala siya...

"Sige na puntahan mo na siya bago pa magbago ang isip ko Haha! Basta ba isumbong mo lang sakin kung sinaktan ka ulit ni ash ah?! "Sabi niya sakin....

"Yup promise! Thank you ulit! "Sabi ko sa kanya...

"Yannah... here's the address of ashton's pad... puntahan mo nalang siya dun para makapag usap kayo..."sabi ni max sabay abot sakin ng isang papel...

"Ok thanks max"sabi ko sa kanya...

"Tara hatid na kita?"offer ni sean sakin kaya tumango nalang ako tsaka kami lumabas ng mcdo...

Sana talaga di ako magsisisi na bigyan ulit siya ng chance... Alam ko namang nagsisi na talaga siya eh... pero di parin mawala sakin na mag alala...
😣😣😣

My Ex, My Fiance (Completed)Onde histórias criam vida. Descubra agora