chapter 15

10.9K 207 5
                                    

ashton's pov

Nandito ako ngayon sa pad ko habang hinihintay si kate... mabuti nalang talaga at niregaluhan ako ni dad ng pad kaya naman di na ako mamomroblema ngayon...tsaka kani kanina lang ako lumipat dito kasi alangan namang kagabi eh ang dilim na kaya!tsaka para narin pagkagising niya di niya na ako makita...
Friday rin kasi ngayon kaya ok lang...
Wala rin kaming pasok ngayon kasi... ewan ko?! Nakalimutan ko eh.. pake ko ba...

Napansin ko namang may nag doorbell kaya agad ko itong binuksan...
"Kate.... nandito kana pala"bati ko sa kanya... pinapunta ko kasi siya para naman may makasama ako...
Ewan ko ba! Siguro nagtataka kayo kung bakit imbes na boys ang tawagin ko eh si kate pa palagi ang kasama ko...
Busy kasi sina kyle sa mga mini business nila kaya naman di ko sila matawagan agad... tsaka nasanay narin akong si kate lage ang kasama...
Walang malisya ah!?
She's just my bestfriend and nasasabihan ko ng problema...

"Oh...binili ko para sayo... tsaka ano bang nangyari? Akala ko ba ok na kayo ng fiancé/ex mo? Bakit napalayas ka? "Tanong niya... alam niya rin kasi ang tungkol sa mga isyu ko sa buhay...

"Nag away kami eh... parang mahirap talaga sa part niya na kalimutan agad yung nangyari sa past... "sagot ko sa kanya...

"Hayys!kasi naman kayong mga boys eh! Akala niyo kasi kaming girls... pag nasaktan kami Todo! Hindi kami parang bata lang na pag umiyak bibigyan mo lang ng kendi eh ok na! Tsaka ikaw ang pinakaunang lalakeng pinagkatiwalaan niya para alagaan ang puso niya so anong ineexpect mo? Na wala lang yun sa kanya?? Kahit ako yung nasa sitwasyon niya ganun rin naman ang mararamdaman ko no! "Mahabang lintaya niya... Hayys..

"Naiintindihan ko naman eh pero ganito nalang ba talaga lagi? Palagi nalang ba talaga kaming mag iiwasan?"

"Edi gumawa ka ng paraan para mabalik mo yung tiwala niya sayo! Suyuin mo siya katulad ng ginawa mo dati nung hindi pa kayo...effort lang kasi ash eh!yun lang talaga ang kadalasang gamot saming mga girls"sabi niya...

"Sa tingin mo kung mag e effort ako mapapatwad niya ako?"tanong ko sa kanya...

"Oo naman! Kahit di ko pa talaga kilala yang si yannah... ramdam kong mabait siya... kaya sigurado akong mapapatwad karin niya"sagot niya...
Pero... siguro di ko muna gagawin ngayon kasi nangako ako sa kanyang di muna ako magpapakita sa kanya eh...
Baka sabihin na naman nun di ako marunong tumupad sa usapan...

"Sige pero wag muna ngayon kasi alam mo na naman diba?"sabi ko sa kanya tsaka siya napatango...

Kinain narin namin ang binili niya kasi kanina pa ako nagugutom eh...wala pa kaya akong agahan...

"Wait!I have a plan! "Napatingin naman ako sa kanya dahil sa sinabi niya... ano na namang naisip nito?

"Anong plan plan ang pinagsasabi mo diyan??"tanong ko sa kanya...

"Basta... babae rin ako kaya alam ko at malakas ang kutob ko na eepekto ito sa kanya hehe!"sagot niya ...
Napailing nalang din ako tsaka kumain ulit...
Siya bahala...

Yannah's pov

Kakagising ko lang ngayon...buti naman walang pasok...
Napansin ko namang parang tahimik kaya lumabas ako sa room ko...
Nasan kaya yung lalakeng yun? Tsk!
Baka tulog pa...

Nagluto na ako ng almusal kasi nagugutom narin ako..
It's already 9 in the morning...
Pagkatapos kong magluto ay kumain narin ako pero di parin siya lumalabas... hanggang sa natapos na akong kumain wala pa rin Tsk!
Bahala nga siya!

Hinugasan ko narin ang kinainan ko tsaka ako pumunta sa couch para manood ng movies...
Naalala ko naman yung nangyari kagabi... Hayys! Baka dahil dun kaya di pa lumalabas...

May napansin naman akong parang papel na nasa gilid ng TV kaya agad akong tumungo dun tsaka ko kinuha ang note...

sorry sa nangyari kagabi...
Umalis muna ako para mabawasan yang galit mo sakin... sa monday babalik din ako and don't worry hindi to makakarating kina mom..

-ash

Yan yung nakasulat sa note..
Oo nga pala! Nabanggit pala niya yun kagabi pero di ko naman alam na totohanin niya yun eh!
Tsaka san naman kaya yun natulog?? Dun sa bahay ng kate na yun? Tsk!
Di ako nagseselos kung yan ang iniisip nyo.. naiinis siguro... psh!

Matawagan na nga lang si sean!

Hello sean??

Yannah,I miss you...

I miss you din.... sorry sa ginawa ni ash kagabi ahh...

Yup... naiintindihan ko rin naman.. kahit ako naman ganun rin magiging reaksyon ko kung yung taong mahal ko eh may kausap na lalake sa phone..

Anong ibig mong sabihin?

It's too obvious Yannah...gusto ka parin niya...

Tsk! Pwede change topic? Ayoko ko munang pag usapan siya eh...

Ok ikaw bahala...

Hmm...pwede ba tayong mamasyal ngayon? Boring kasi dito sa bahay eh..

Sige sunduin kita diyan hintayin mo ko...

Ok bye thanks by the way..

Ok..
*end call*

Buti nalang talaga nandiyan si sean...
Pero yung tungkol sa sinabi niya... gusto parin ako ni ash?
Ha! Parang ang labo naman yata! Eh meron na kaya siyang kate Tsk!
Magsama sila! Kainis!
May pasabi sabi pa siyang back off dude kay sean kagabi... feeling niya talaga na magiging asawa niya ako!
Hayyst!

Bat ko ba siya iniisip??
Dapat si sean nalang talaga yung minahal ko eh... kung alam ko lang talaga...
Pero di naman kasi natin malalaman kung sino talagang itinadhana satin diba? Minsan nga akala natin siya na yung forever natin pero maghihiwalay rin pala...
Kahit umabot pa kayo diyan ng 5-10 years kung maghihiwalay talaga kayo at hindi talaga kayo ang itinadhana...magbebreak talaga kayo...
Kaya walang forever eh...
Sa mga masuswerteng tao lang yun nag eexist...
😒😒😒

My Ex, My Fiance (Completed)Where stories live. Discover now