chapter 52

5.1K 100 10
                                    

Yannah's pov

Arrgh! Ang sakit ng ulo ko! Tsk!
Bakit ba kasi ako uminom eh! May hang over tuloy ako!

Bumangon muna ako tsaka inilibot ang paningin ko sa kwarto... wait... nasan ako?
Hindi ko to unit ah?

Napatingin naman ako sa lalakeng pumasok sa kwarto...
Wait... si ashton?!

"Gising kana pala... tamang tama may niluto akong----"

"Nasaan ako? Bakit ako nandito?"malamig na tanong ko sa kanya...

"Ahmm...kasi.. nakita kasi kita kagabi and nawalan karin ng malay pagkatapos mong sumuka kaya naisipan kong dalhin ka muna dito sa pad ko" sabi niya tsaka nilapag sa lamesa ang dinala niya...

Tumayo narin ako kahit nahihilo parin ako...
Pagkatayo ko ay agad akong nakaramdam ng pagkahilo kaya agad niya akong inalalayan pero tinanggal ko rin ito...

"Nasaan ang gamit ko?"tanong ko sa kanya... mukhang wala siyang balak sabihin sakin kaya ako nalang ang naghanap...

Nakita ko ito Sa ilalim ng table kaya agad ko itong kinuha...

"Uuwi na ako... thanks sa pagpapatuloy dito sa unit mo... kailangan ko naring umuwi kasi baka mamaya makita tayo ng fiancé mo eh...sabihin pa inagaw kita sa kanya"sabi ko sa kanya tsaka sinukbit ang bag ko sa balikat ko..

"Brae let me explain----"

"No, di na kailangan...tsaka bakit ka naman mag eexplain? Ano mo ba ako?"tanong ko sa kanya... di ko narin hinintay ang sagot niya kasi agad narin akong lumabas sa unit niya tsaka sumakay ng elevator...

Oo,nasasaktan ako.. sobra...
Gusto ko na ngang umiyak sa harap niya eh pero wala namang magagawa ang luha ko diba?
Di naman niyan masosolusyunan ang problema namin eh...
Akin lang pala...
Kasi wala na siyang problema...

Tsaka walang matutulong sakin ngayon ang pagiging mahina ko... kailangan kong tatagan ang sarili ko para malampasan ko tong sakit na nararamdaman ko ngayon...
Kasi ako nalang mag isa eh...
Wala na siya... wala na akong kasama...

Pagkalabas ko sa hotel ay agad akong pumara ng taxi at nagpahatid sa unit ko...
Buti nalang talaga may pera pa ako dito sa bag ko...

Pagkarating ko sa unit ko Ay agad kong tinawagan si xander...

*kring kring--*

Hello yannah?

Hi...nakaistorbo ba ako?

Nope, kahit kailan di ka naging abala sakin... malakas ka yata sakin Haha!

Thanks...uhmm...tumawag talaga ako kasi gusto kong humingi ng favor...

Sure.. ano ba yun?

Can you book me a ticket to korea?
Please?.

Wait what? Dahil ba to sa nangyari kagabi? I can explain---

No need... Just book me a ticket...gusto ko lang talagang magbakasyon muna... and please...sana walang makaalam nito...

Hays...ok sige... may magagawa pa ba ako? Kailan ka pala aalis?

Mamayang hapon na...

Ok sige... I'll just call you kapag nabook na kita ng ticket ok?

Sige.. thanks BTW,

No problem... anything for you braeyannah...

Thanks again xander...
You're the best..

Haha sige.. welcome..
*end call*

Hayys..siguro kailangan ko munang magpakalayo layo..
Gusto ko munang takasan lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon..
Pagod na ako eh! Pagod na pagod... *sigh*

Ashton's pov

Pagkalabas ni brae sa unit ko ay napaupo nalang ako sa kama na hinigaan niya...
Bakit ba nangyayari lahat ng to?!

Ano bang kasalanan ko? Bakit kami pinapahirapan ng ganito ni brae?
Alam ko namang di talaga mawawala ang problema sa buhay namin pero sobra na naman siguro to!

"Ash, ashton? Nandyan ka ba sa loob?"
Katok ng nasa labas ng unit ko...
Sino kaya to?

Agad akong tumungo dun tsaka binuksan ang pinto..

"Blake? Anong ginagawa mo dito?"tanong ko kay blake... siya pala yung nandito sa labas...

"I just want to inform you about sa narinig ko kanina kay xander habang may kausap sa phone... and I think si yannah yun"

"Bakit?ano bang pinag usapan nila?"tanong ko sa kanya..

"I heard.. magpapabook ng ticket si yannah papuntang korea"

"What?! Kailan daw siya aalis?"

"Ewan ko rin eh... di ko kasi narinig"sabi niya sabay kamot sa batok niya

"Hayys! Sige...I think kailangan ko siyang puntahan---"

"Bukas... kasi alam mo na... baka mainit pa ulo ni yannah sayo tsk! Bakit ba kasi yun nangyari? Bakit kayo may engagement party ng ex mo? Akala ko ba mahal mo si yannah?"tanong niya sakin...

"I love her so much---"

"Eh qaqu ka pala eh! Bakit ka magpapakasal sa ex mo kung talagang mahal mo pa si yannah?"

"Wait nga lang! Di pa ko  tapos eh!
Yes,I love her so much and about dun sa engagement party namin... wala akong alam dun ok? Nagulat nalang ako nang biglang tawagin yung pangalan ko dun sa stage and in announced na engaged  na kami"paliwanag ko sa kanya..

"So..you mean you're stuck in that damn fixed marriage with your damn ex?! Come on! Akala ko naman matino yung babaeng yun baliw pala..tsk!Sayang type ko pa naman pero... turn off" Sabi niya habang pailing iling pa  kaya napatawa ako...
Baliw talaga to...

"So anong plano mo ngayon? Sa inyong dalawa ni yannah?"

"Siguro ngayon bibigyan ko muna siya ng time na makapag isip isip...pero bukas kakausapin ko na talaga siya... at tungkol sa kasal namin ni joyce... gagawan ko ng paraan yun para di matuloy"sabi ko sa kanya at tumango tango lang din siya...

"Hayys! Sige bro... goodluck nalang sa inyo ni yannah... sana maayos nyo na yan"sabi niya sabay tapik sa balikat ko..

"Ofcourse.. ayaw kong tuluyan na naman siyang mawala sakin..."sabi ko...

"Ganyan talaga... and remember this... kung kayo talaga... gagawa parin ng paraan si kupido para pagtagpuin parin kayo... sige alis muna ako... punta muna ako sa bar ni kyle... yah know Haha!"sabi niya sabay labas sa unit ko...
Siguradong mambabae na naman yun tsk!
Di na nagbago...

Hayys! Sana talaga makinig na sakin si yannah bukas...

(A/n:
Do you think maaabutan pa ni ashton si yannah bukas? hmmm...what do you think??)

My Ex, My Fiance (Completed)Where stories live. Discover now