chapter 45: carbonara

5.8K 98 2
                                    

Yannah's pov

Nandito ako ngayon sa kusina habang nagluluto ng pasta para sa carbonara...
Nandun naman sila sa sala habang nanonood ng movie at naghihintay dito sa niluluto ko... it's already 2:00 pm kaya gusto na ni ashton na magluto ako ng carbonara kasi gusto na raw niyang matikman ang luto ko...

Napapitlag naman ako nang may biglang yumakap sa likuran ko habang nireready ko yung sauce..

"Hmm...ang bango ahh"sabi niya habang nakayakap parin sakin at nasa balikat ko yung baba niya..

"Malapit na tong maluto don't worry"sabi ko sa kanya..

"Excited na kong matikman yung luto mo"sabi niya...

"Oo na, mabuti pang tulungan mo nalang akong maglagay ng pasta diyan sa pinggan tsaka natin ilalagay tong sauce"sabi ko sa kanya at naramdaman ko namang tumango siya tsaka umalis sa pagkakayakap sakin..

Kumuha rin siya ng paglalagyan ng pasta tsaka ito inilapag sa mesa at kunin yung pasta pars ilagay sa malaking pinggan na paglalagyan niya..
Tsaka ko nilagay ang sauce sa pasta at hinalo ito...
Kumuha rin siya ng plato niya tsaka kumuha ng carbonara at tinikman ito...

"Wow! Ang sarap! Pwede kana talagang maging asawa ko hehe"sabi niya kaya agad akong namula...tong lalakeng to talaga!

"Asawa ka diyan! Dalhin mo na nga yan dun sa sala tapos ako na yung magdadala ng pinggan nila para makakain na sila"sabi ko sa and sinunod naman niya ko... kumuha narin ako ng mga pinggan at tinidor...sinamahan ko narin ng mga baso...
Pagkabalik ni ash sa kusina,siya nalang din ang pinakuha ko ng maiinom namin at tumango lang din siya tsaka tumungo sa ref at ako naman pumunta na ako sa sala para makakain na sila...

"Yannah parang ang sarap nito ah!"sabi ni xander sakin habang binibigyan ko sila ng tig isang pinggan...
Kumuha narin siya at tinikman ito at napangiti nalang ako sa reaksyon niya...

"Ang sarap talaga! Pwede bang ikaw nalang ang maging chef sa restaurant ko? Ang sarap ng luto mo eh"sabi ni xander

"Di naman pagiging chef pangarap ko no! Tsaka sabi ni dad ako nalang daw ang maaasahan niya sa company namin"sagot ko sa kanya...

"I know, pero kung pwede lang naman... "sabi niya
Di nalang ako sumagot at umupo sa tabi ni ash na kasalukuyang kumakain... kumuha rin ako ng carbonara tsaka kumain...

"Kate humarap ka nga sakin"sabi ni xander kay kate kaya napatingin ako sa kanila... sinunod naman ni kate ang sinabi ni xander kaya humarap ito sa kanya..
Nagulat nalang ako dahil sa biglang paghalik ni xander kay kate pero sa gilid lang ng labi nito kung nasaan ang sauce na kumalat sa gilid ng bibig niya...

"Yan wala ng kalat, ang kalat mong kumain eh"sabi ni xander tsaka ginulo ang buhok nito at kumain ulit pero si kate, natulala parin sa ginawa nito... halatang nabigla siya sa ginawa ni xander eh...
Ano kayang totoong score ng dalawang to?

Napatingin naman ako kay sean dahil sa bigla niyang binagsak ang baso na ininuman niya at tumayo ito papuntang kusina... OK...parang alam ko na ang dahilan...
Hayys! Kawawang sean...

Sean's pov

Arrgghh! Ang sarap niyang suntukin! Yung xander na yun!
Hayys!
Kung wala lang si mina kanina siguro nasuntok ko na yung lalakeng yun!
Bigla ba namang halikan si kate?!
Di ko alam pero pagkakita ko ng ginawa niya parang nagdilim ang paningin ko at parang sumakit yung nasa dibdib ko...

Alam ko namang di tama to kasi may girlfriend na ko na napakabait at caring na si mina pero bakit ba nila ako pinapahirapan ng ganito!

Kaya nga para di ko masuntok yung lalakeng yun,pumunta nalang ako dito sa kusina tsaka nilagay sa lalabo ang pinagkainan ko at umupo sa isang upuan na nasa tabi ng mesa...

"Sean...ok ka lang ba?"tanong ni mina sakin na nandito na pala sa harapan ko...

"Ahmm...oo naman... ok lang ako.. masama lang talaga ang pakiramdam ko"sabi ko sa kanya...

"Ha?bakit may lagnat ka ba? Anong masakit sayo?"tanong niya habang kinakapa ang leeg at noo ko kung mainit...
'Yung heart ko ang masakit'
Yan yung gusto kong sabihin sa kanya pero alam ko namang hindi pwede no! Hindi pa ako baliw para saktan ang pinakamabait na babaeng nakilala ko sa japan at girlfriend ko...

"Walang masakit sakin ok? Hmm...I think I just need a hug from you right now"sabi ko sabay hapit ng bewang niya at niyakap siya...

"Hayy...kaya pala nag iinarte... chumachansing ka lang eh haha!"sabi niya pero hinahayaan parin niya kong yakapin siya...

Oo mahal ko si mina pero Di ko alam kung bakit pag nakikita ko si kate at xander parang gusto kong hilahin si kate palayo sa lalakeng yun... baliw na ba ko?
Siguro nga..

"Mahal mo naman ako diba?"tanong ko sa kanya...

"Ano bang klaseng tanong yan? Syempre naman! Mahal na mahala kita sean..."sabi niya sakin saka hinalikan ang taas ng ulo ko...nakatayo kasi siya at ako naman nakaupo kaya yung ulo ko lang ang kaya niyang abutin...

"I love you too mina"
Sagot ko sa kanya tsaka siya niyakap ng mahigpit...
Ginagawa ko naman ang lahat para pigilan tong nararamdaman ko eh...pero ewan ko ba!
Naguguluhan talaga ako...

My Ex, My Fiance (Completed)Where stories live. Discover now