chapter 51

5.1K 92 0
                                    

Yannah's pov

Lakad takbo ang ginawa ko pababa dito sa hotel hanggang sa nakarating na ako sa parking lot

Pagkarating ko sa sasakyan ko ay agad akong pumasok dun tsaka binuhos ang lahat ng sakit na kinikimkim ko kanina pa...

Ang sakit lang! Makita ko siya kanina kasama yung ex niya at talagang engagement party pa talaga nila ngayon ah?
At talagang inimbitahan pa talaga ako! Para ano?
Para ipamukha nila sakin na ikakasal na sila?
Edi sila NA! Magsama sila! Sana maging masaya na sila sa buhay nila! Arggh!

*phone rings*

Napatingin naman ako sa phone ko...tumatawag pala si kate..pero pinatay ko nalang ito tsaka in off ang cp ko...

Kailangan kong ilabas lahat ng to... sawa na akong masaktan! Sana talaga di nalang bumalik ang alaala ko eh!
Sana di nalang ako nahulog sa kanya... huhuhu!

Ashton's pov

Pagkarating ko sa hotel kung saan gaganapin ang party ay agad nila akong binati NA may kasamang 'congratulations'
kanina pa yang congratulations na yan ah!

"Ok since mukhang nandito na naman ang lahat... let's start this engagement party!"sabi ng emcee kaya napatingin ako sa harapan...

"And let's welcome...
Ms. Joyce Garcia and....

Mr. Ashton Hervilla!" Sabi ng emcee kaya natigilan ako...anong?
Bakit ako tinawag?

"Ashton tinawag ka na oh! Punta kana du!"sabi sakin ni blake tsaka ako tinulak papuntang stage...
Nandito rin si joyce at pagkakita niya sakin ay agad siyang kumapit sa braso ko...

"Just act like we're real couple... isipin mo nalang na ginagawa mo to para sa babaeng mahal mo na nakatingin na ngayon sa atin"bulong sakin ni joyce kaya hinanap ko kung sino ang binabanggit niya...

At para akong binuhusan ng malamig na tubig nang makita ko siyang nakatingin samin at alam kong galit at nasasaktan siya sa nakikita niya ngayon..
Siya narin ang nag iwas ng tingin tsaka nagpaalam kila kate at umalis..

Akmang tatanggalin ko na ang kamay ni joyce sa braso ko para sundan siya nang bumulong na naman si joyce sakin...

"Subukan mo lang na sirain tong engagement party natin... pareho lang din kayong magdudusa"bulong niya kaya napayukom ko nalang ang kamao ko...
I hate this girl so much!

"Ano bang ginagawa mo?!bakit ba di mo matanggap na hinding hindi magiging tayo?! "matigas na bulong ko sa kanya Pero nagsmirk lang siya...

"Tingnan lang natin kung gaano ka totoo yang sinasabi mo..."sabi niya habang nakasmile parin sa camera na kumukuha samin ngayon...

Nag aalala ako ngayon kay yannah... gustong gusto ko siyang sundan at magpaliwanag pero di ko magawa!
Alam kong gagawin talaga ni joyce ang sasabihin niya at ayokong malagay sa pahamak si yannah...

Napansin kong binigay ng emcee ang microphone kay joyce at agad naman niya itong kinuha tsaka nagsalita...

"Thank you for coming in our engagement party...lalong lalo na sa mga family and friends namin na nandito para suportahan ang party na to...so... let's enjoy the party guys! Cheers!" Sabi niya sabay taas ng baso na hawak niya kanina kaya gumaya yung ibang mga guests na nandito...

Tsaka ko tinanggal ang braso niya at bumaba na ng stage para puntahan sila kate... buti nalang talaga di niya na ako pinigilan ngayon..

"Ash ano yun?! Bakit wala kaming alam na ikakasal kana pala sa Joyce na yun?!" Tanong sakin ni kate at alam kong galit rin siya sakin ngayon pero di ko naman siya masisisi eh...
Kahit nga ako walang alam dito sa engagement na ito...
Ang unfair lang...

"Sorry...wala rin akong alam dito... nagulat na nga lng ako nang biglang tinawag ang pangalan ko kanina eh"sabi ko sa kanya...

"Anong ibig mong sabihin? Pinlano lang to ni joyce para wala kana talagang kawala?"tanong niya...

"Parang ganun na nga"sagot ko tsaka napa sigh nalang...

"Hayys! Yang joyce na yannn! Kung di lang talaga kasalanan ang pagpatay knina pa yan nakabulagta diyan eh!"sabi niya at alam kong nagpipigil din siya...

"Saan pumunta si brae?"tanong ko...

"Wait lang tatawagan ko muna"sabi niya tsaka di nial ang number ni brae...

"Pinatayan ako ng phone eh"sabi niya...Hayys! Baka kung ano ng nangyari dun!

"Sa tingin mo saan siya pwedeng pumunta?"tanong ko kay kate...

"I think hindi siya uuwi ngayon sa unit niya kasi alam niyang pupuntahan natin siya... "

"I think nasa Bar siya nila kyle"sabat ni sean...
Bar nila kyle?
Ano namang?
Wait...dun niya kami nakita ni joyce dati na naging dahilan ng paghihiwalay namin...

"Ok sige pupuntahan ko siya dun...pag hinanap nila ako sabihin nyo may emergency akong pinuntahan ok?"sabi ko sa kanila at di ko na hinintay ang sagot nila kasi lumabas na agad ako para pumunta sa parking lot...
Sana naman ok lang siya!

Yannah's pov

Pagkarating ko dito sa bar nila kyle ay agad akong pumasok tsaka dumiretso sa bar counter...

Ngayon ko lang naalala na ito pala yung bar na naging dahilan kaya kami naghiwalay ni ashton...
Hayys! Ang timing naman!

"One tequila please"sabi ko sa bartender at agad niya naman akong inabutan ng order ko...
Agad ko naman itong tinungga at ramdam ko ang pagdaloy nito sa lalamunan ko papunta sa tyan ko...

Um order pa ulit ako ng tequila hanggang sa naka tatlo na ako at ramdam kong parang nahihilo na ako...
Hindi naman ako mahilig uminom...at sa tingin ko ito na ang pinakamadami kong nainom sa tanang buhay ko...

"Yannah? Bakit ka nandito? Tsaka sinong kasama mo?"napatingin naman ako sa lalakeng nagsalita sa gilid ko...
Si kyle pala...

"Oh Kyle! Samahan mo naman ako oh! Wala akong kasama ehh... sige na pleasee!"sabi ko sa kanya pero alam kong alam niya na na tinamaan na ako ng alak...

"Ghadd yannah! Bakit ka ba nagpakalasing? Tara na hatid na kita"sabi niya sakin pero umiling lang ako...

"Wag na kaya ko na ang sarili ko"sabi ko sa kanya...

"Pero---"

"Kyle ako na ang bahala sa kanya... thank you sa pagbabantay"putol ng isang lalake sa sinasabi ni kyle...
Agad ko naman itong tiningnan kung sino ito...
Ohh! Ang magaling kong ex fiancé Haha!

"Nandito pala yung ex fiancé ko eh! Bakit ka nandito ha? Baka... hinahanap kana ng fiancé mo dun lagot ka!"sabi ko sa kanya at halatang halata na talaga sa boses ko na lasing na ako pero wala kong pake! Bahala siya!

"Yannah umuwi na tayo lasing kana" sabi niya,kapal ah!

"Wag mo nga akong kausapin! Tsaka umalis kana nga! Nakakainis naman oh! Bakit kaba nandito?! "Sabi ko sa kanya...

"Lasing kana umuwi----"

"Kung gusto mo ng umuwi then gooo! Bahala ka sa buhay mo! Wala akong pake sayo! "Sabi ko sa kanya pero parang di niya ako naririnig sa halip binuhat niya ako ng parang sako tsaka ako inilabas sa bar papunta sa sasakyan niya tsaka ako pinasakay sa kotse niya...

Akmang isasarado niya na ang pintuan pero agad ko itong pinigilan tsaka sumuka...
Arrgh! Ang sakit ng ulo ko!!

Naramdaman ko naman hinagod niya lang ang likod ko...
Pagkatapos kong sumuka ay napasandal nalang ako sa upuan tsaka pinikit ang mata ko...
Naramdaman ko namang may pinatong siya sakin na jacket pero di ko nalang pinansin at natulog nalang...
Hayys!

My Ex, My Fiance (Completed)Where stories live. Discover now