chapter 34

6.1K 133 0
                                    

Yannah's pov

Nandito kami ngayon ni xander sa bahay habang nanonood ng movie kasama si alexus pero nakatulog na eh kaya binuhat na ni xander sa room ko...
Kaya kaming dalawa nalang ni xander yung nanonood dito...

"Hmm...xander,may nakilala ako kahapon and according sa kanya... fiancé ko daw siya"sabi ko sa kanya...

"Fiancé? May Fiancé ka? Bakit parang wala man lang akong nabalitaan about diyan?"tanong niya...

"Ewan ko nga rin eh... basta sabi lang niya na ex ko raw siya dati pero ipapakasal na daw dapat kami pero pumunta siya sa states for 2 years para i train siya sa paghawak ng company in the future pero nangako naman daw siya na babalik... pero yun nga lang nagka amnesia ako"sagot ko sa kanya...

"Are you sure? Natanong mo naba sa mom mo yan?"tanong niya pero umiling lang ako...

"Bakit di mo tinanong? Malay mo he just taking an advantage on you dahil sa pagkawala ng memories mo"

"Hindi naman siguro pero itatanong ko narin kay mom maybe pagbalik niya para ma sure ko...tsaka mukhang mabait naman siya eh"sagot ko sa kanya...

"Kahit na!dapat sigurado ka na mapagkakatiwalaan mo siya! Tsaka dapat pag nagkita kayo ulit isama mo ako huh?baka bigla kang kidnapin niyan"sabi niya kaya binatukan ko agad siya... loko eh!

"Wag ka nga! Tsaka... wait... nakalimutan ko yung name niya eh... ano nga ulit yun?ash...ash...ASHONG? ahh basta! Nakalimutan ko eh"

"Tingnan mo? Kinalimutan mo pa yung pangalan? Pano nalang pag nakita kayo ulit?"tanong niya...

"Basta... edi itatanong ko ulit"sagot ko...

"Psh! Basta pag nagkita ulit kayo isama mo na ako ah?magpromise ka!"sabi niya sakin habang dinuduro pa ako...

"Oo na! Oo na! Tsk!"sabi ko nalang tsaka kumain nalang ng fries na nasa gilid tsaka nanood ulit ng tv...

"Pero yannah..wala ka man lang bang nafeel nung nakita mo siya? Like diba sabi niya fiancé mo siya... so diba dapat may feelings ka sa kanya?"tanong niya...

"Di ko nga siya kilala diba so bakit ako may mararamdaman towards him?"
Tanong ko pabalik...

"Hindi kasi! Sa napapanood ko kasi... once na na amnesia ang isang tao... pagnakita niya ang taong mahal niya...kahit Nakalimutan niya ito, still may mafe feel siyang kakaiba sa puso niya kasi nga diba? Ang ulo lang niya ang nauntog at na amnesia hindi ang heart! Ang layo kaya ng utak sa puso..."sagot niya...
Napaisip naman ako sa sinabi niya... oo nga no? Kaya pala ganun yung naramdaman ko nung nakita ko siya sa store...
Nung time na nagtagpo yung mata namin...
Parang ewan ko... pero may something na strange akong naramdaman eh!

"Ahh... ganun ba yun?pero diba sa tv lang yun tsaka reality to no! Dzuh!"sagot ko sa kanya... ayaw ko rin naman ksing sabihin sa kanya na meron akong konting naramdaman nung nakita ko yung lalaking yun...

"Ahh... mabuti naman..."sagot niya...

"Anong mabuti naman?"tanong ko

"Mabuti naman kasi konti lang yung naramdaman mo... atleast may pag asa parin ako kahit totoo man yung sinasabi nung ashong ba yun?"sagot niya kaya napatawa nalang ako dahil dun sa ashong Hahaha!

"Loko ka talaga! Manood kana nga lang! Daming alam nito! "Sabi ko sa kanya and di na rin siya sumagot tsaka nanood nalang din ulit haha!

Ashton's pov

"Mom,bakit di nyo man lang sinabi sakin na nagka amnesia si yannah?!"tanong ko kay mom... inamin na kasi ni mom na alam niya talaga ang kondisyon ni yannah pero hindi niya lang talaga sinabi sakin para di raw ako mag alala...

"Don't worry, magiging maayos din ang lahat OK?tsaka diba sabi mo naman na nagkita at nagkausap na kayo so ok na?"sagot ni mom...

"Oo nga mom.. pero dapat sinabi niyo man lang! Pero mom... diba papakasalan ko pa siya?"tanong ko pero umiwas lang siya ng tingin... anong ibig sabihin nito?

"You stop the wedding?!"tanong ko kay mom...

"I'm so sorry ash pero para--"

"Mom naman! Yun na nga lang ang pinanghahawakan ko eh! Yun na nga lang ang pag asa na dinadala ko para mahalin parin ako ni yannah! Alam nyo ba kung ano ang naramdaman ko nung sinabi niya sakin na may nag aalaga sa kanyang ibang lalake? I felt so jealous mom! Pero dahil sa Fiancé ko parin siya ipinagwalang bahala ko lang yun! Pero ngayon??! Arrgh!" Nasabi ko nalang tsaka lumabas ng bahay tsaka nagmaneho... ewan ko kung san ako pupunta!
I feel so broke today! Wala na! Wala na akong pag asa!

Hininto ko nalang ang sasakyan ko sa gilid... at saka ko lang narealize kung nasaan ako ngayon... nandito ako sa bahay namin DATI...
Ang tagal ko naring di nakapunta dito...
Ang dilim ng loob ng bahay kaya obvious na wala talagang nakatira dito...
Kinuha ko naman ang wallet ko tsaka tiningnan kung nandito pa ang duplicate key ng bahay na to...
Di ko kasi talaga tinatanggal to sa wallet ko kasi akala ko may babalikan pa ako sa bahay na to...

Agad kong binuksan ang pinto tsaka binuksan ang ilaw...meron naring konting alikabok pero may naglilinis rin naman dito every week...
Umakyat ako sa room ni yannah tsaka humiga...
Habang binabalikan ko ang mga memories namin dati,namalayan ko nalang na nakatulog na ako... nakakapagod na kasi...

My Ex, My Fiance (Completed)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt