E P I S O D E 3 4 - R E M E M B E R

Start from the beginning
                                    

Nauna na siyang maglakad kaya naman sumunod na ako sa kaniya. Paglabas namin ay sinalubong kami ng malamig at preskong hangin. Bumungad sa amin ang asul na dagat na tila iniingatan ng hangin sa malamyos nitong alon.

"Akala ko magagalit ka kay Mama" napatingin naman ako sa kaniya nang magsalita ito. Magkasabay na pala kaming naglalakad. Tirik man ang araw ay hindi naman ganoon ka-init dahil na rin sa malamig na simoy ng hangin.

"Why?" kunot-noong tanong ko naman. Binalik ko ang mata ko sa dagat habang hinihintay ang kaniyang sagot. Gusto ko sanang maglakad malapit sa tubig pero mas maganda siguro kung mamayang gabi na lamang marami-rami ring tao ang nakakasalamuha namin.

May iilang taong nakatingin lalo na sa kasama ko. Siguro ay nagtatanong kung anong ginagawa ng isang katulad ko kasama ang tagapagmana ng isla.

"Because she fell in love with Papa" simpleng sagot nito. Ramdam kong bumaling siya sakin ngunit hindi ko siya tinapunan ang tingin. Busy ang mata ko sa kagandahan ng dagat.

"And that proves that Mommy is a human. I can't blame her" sagot ko na hindi pa rin tumitingin sa kaniya. Namamangha ako sa pag-alon nito at kung paano nagagalaw ang mga taong nasa tubig. May mga nagtatakbuhang mga bata at may naglalaro rin ng volleyball.

"Mommy? Why don't you just call them Mama and Papa like I do?" reklamo niya kaya naman natuon ang atensyon ko sa kaniya. Natigilan kami sa paglalakad, I crossed my arms.

"There's nothing wrong with calling them Mommy and Daddy, what's your problem?" I explained. Naiiling itong nagsimulang maglakad muli. Nakahalukipkip akong sinundan siya nang tingin hanggang sa nagdecide na akong maglakad.

"Masyado kasing maarte at sosyal" komento niya. Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya? How dare him?!

"I have the rights to be maarte and sosyal dahil maganda ako at mayaman!" I said confidently smirking at him. Bahagya naman itong natawa habang naiiling.

"And mind you, hindi naman ikaw ang tinatawag kong Mommy at Daddy, my dear little brother" dagdag ko.

"Okay, that's annoying. You're such  brat, ipipilit mo talaga ang sayo eh nuh?" natigil kami sa paglalakad. Tinuro niya ako na parang nang-aakusa.

"Yes, of course! Tsaka ako ang nakakatanda, igalang mo ko at sundin mo nalang ako"

"Oh, God! She's annoying!" bulong nito saka umirap. Aba't nakapaarte at napakasungit talaga! Daig pa ang babae.

"Narinig kita, ipasyal mo na ako, little brother" ngisi ko. Little brother, hmm.  Natatawa ako sa itsura kapag tinatawag ko siyang ganun. It's like it's pissing him off at the same it's like he's disgusted.

"Okay, stop right there! Call me by my name" tumigil ito sa paglalakad at hinarap ako. Iminuwestra niya pa ang kamay niya sa ere signing me to stop. Mukhang nauubusan na siya ng pasensya dahil sakin

"I can call you whatever I want and you call me 'ate' only. Deal. Period. No erase. Let's go!" ako naman na ang naunang naglakad sa kaniya. Hindi ko naman talaga alam kung saan kami pupunta eh.

Naging tahimik naman na kami at siya na ang nauna sa paglalakad. Nakita kong pinagmamasdan ako ng ibang mga tao. Siguro ay dahil sa benda ko kaya naman agaw pansin ako o kaya naman ay dahil maganda lang talaga ako.

Lakad kami nang lakad hanggang sa mapadpad kami sa black and blue na may nakalagay na "Hailspher Hotel" sa itaas na kitang-kita ng kung sinong makakadaan rito. May nakaantabay na swimming pool sa bungad at may nakahilerang mga lounger sa paligid nito. Halos lahat ng staff ng hotel ay bumabati sa kaniya at panakanakang tumitingin sa akin.

"Do you want to eat something?" baling niya sa akin. Napatingin naman ako sa kaniya na may kausap pala na nakatingin na rin sa akin ngayon. Ang ganda kasi ng view ng dagat mula rito na pinapaganda pa lalo ng mga puno ng niyog.

"I just want a cold water" sagot ko naman. Narinig ko namang sinabi niya ito sa lalaking kausap niya. Binaling ko ulit ang tingin ko sa magandang view. Gusto kong tumira rito papayag kaya si Chaze?

"Diyan kana lang ba?" tanong nito. Bumaling ako sa kaniya, wala na ang kausap nito. Gusto kong maupo muna at pagmasdan ang tanawin.

"Dito nalang muna tayo" nguso ko dahil ayokong ma-iwan mag-isa. Umupo ako sa gusto kong pwesto at sumunod naman siya.

"You own this hotel?" I asked.

"Mama and Papa own this, ako lang ang namamalakad ng iba mga bagay na kaya ko na" he answered. Umupo siya sa tabi ko.
Hindi na ako nagtanong.

Lumipas ang ilang minuto ng may naramdaman akong may dumating ngunit hindi ako nag-abalang tingnan ito. Naramdaman ko na lamang ang malamig na bagay sa noo ko.

Para akong natulos sa kinalalagyan at kumabog ng malakas ang puso ko.

"Ipangako mo sa aking hindi kana babalik sa buhay ni Hailstorm at kung hindi, harap-harapan kitang papatayin kasama ang asawa mo"

Bumilis ang paghinga ako at tila nabalik ako sa nangyaring iyon. Agad na tumulo ang luha sa aking mga mata. Nanginig ang mga kamay ko nang tingnan ko si Zion na nagulat sa naging reaksyon ko.

Binaba niya ang baso na dinikit niya sa noo ko at nilagay sa gilid. "A-Ate? I'm sorry"

"I remember what happened. Hindi na tayo babalik ng Manila"

to be continued...

HE IS MY HUSBANDWhere stories live. Discover now