Chapter Twenty-Six

4.5K 144 11
                                    

CHAPTER TWENTY-SIX

Blame

Nandito ako ngayon sa building ng Engineering dahil kay Sien. Kinukulit ko siya na isama ako sa isang upcoming dance lesson na alam niya.

Yes, I'm going to dance my heart out. Ito na ang napili kong idea since gusto ko naman din itong subukan noon pa. Nakita ko na rin kasi kung paano magsayaw si Sien at ang grupo niya at na-engyanyo ako noon.

"Sige na, Sien, please?"

Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala kung bakit gusto ko raw sumali at magsayaw.

"Masama bang sumubok sa bagong bagay? Plus, hindi natin alam kung may future pala ako sa pagsasayaw." I grinned. I kept on tugging his uniform dahil naiinis ako at ayaw niya akong pagbigyan, pero ngayon ay nakangiti ako. Nagpapacute at baka sakaling gumana.

Tinanggal niya ang kamay kong nakahawak sa laylayan ng uniform niya at lumayo na para bang natatakot siya sa akin.

"Isusumbong na kita kay Drian, Natalie!"

Tumakbo siya papunta sa likuran ng isang upuan. Sinubukan kong humakbang at lumayo na naman siya hanggang sa nakarating na siya sa dulo ng room. Tumawa ako. Mabuti at mababait ang blockmates niya ngayon na nakatambay dito sa room kaya may lakas loob akong pumasok dito.

"Eh bakit ba kasi ayaw mo akong isama? Hindi naman ako nagpapalibre sa fee ah?" ngumuso ako. "Alam ko naman kasing kuripot ka."

"Ang weird mo kasi!"

Pumaywang ako, "Ah, ganon? Baka gusto mong tawagan ko si Mae para ipapingot ka?"

Nakita ko ang panghihina ng ekspresyon niya ngayon. Sinabi ko na nga ba eh. I knew something was up!

"Oy anong Mae ka dyan?" Pagmamaangan pa niya.

Tinaasan ko siya ng isang kilay at tsaka ngumisi, "Don't underestimate me, Sien. I did my research."

Kagabi, kung kailan ko naisip na mag-dance lesson sa kung saan alam ni Sien, ay naisip kong mag-search ng pwedeng pang-blackmail sa kanya. Para naman sure ball na tutulungan niya ako, ano. At ayon, nalaman ko nga na dancer din ang kanyang one true love dahil sa wallposts sa profile niya. He doesn't seem to know those kasi parang hindi naman siya nag-comment about doon o kahit isang like manlang. O, dahil na rin siguro sa fans niya na panay ang pagbisita at pag-flood ng posts sa wall niya?

Itinaas niya ang tingin niya, "So what if you did your research? As if you can do something about it, Nat." Lumapit siya kung nasaan ako at mabilis na kinuha ang bag niya, "Quit bugging me!"

"Wow wow wow. Bakit ba parang ang dami nang nagsasabi sa akin ng quit bugging me na linyang iyan ha?" Napairap ako, "Dali na kasi, Sien! PLEASE?!"

Umiling iling siya sa akin habang suot niya ang nakakainis na ekpresyon sa mukha, bwisit!

"Ayoko." bumelat pa siya. Akmang lalabas na siya sa room nang hinigit ko pabalik ang bag niya para pigilan siya, "What now, Natalie?"

Tinitigan ko siya nang matalim at pinanliitan ng mga mata, "Kung hindi mo ako isasama, sisiraan kita kay Mae."

Hinigit niya ang bag niya mula sa pagkakahawak ko, "Tsk! Whatever."

Alam kong konting pilit na lang ay mapapapayag ko na rin itong maarteng Sien na ito. "I know you are not underestimating my super powers, Sien. You know very well how capable I am of doing that."

Biro lang iyon syempre. Hindi ko naman kayang manira ng ibang tao. Siguro magsi-spill lang ako ng dirty secrets niya. Mwaha.

"Fine!" paasik niyang pag-sangayon. Ngayon ay ngiting-tuta akong tumango tango at napapa-sway pa ang dalawa kong kamay, "I'll send you a message about it, okay? Now stop bugging me."

The Exes Club (Chase Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon