E P I S O D E 3 2 - S I S T E R

Start from the beginning
                                    

"Temporary lamang ang pagkawala nang iyong memorya, you'll remember it ngunit hindi ko masasabi kung kailan. You just need to rest and relax your brain lalo na't medyo maraming dugo ang nawala sayo" he explained with hand gestures like he was calming me. Nasa harapan ko silang tatlo na tila pinapanood ang bawat galaw. Hindi ko naman alam ang ikikilos ko lalo na't misteryoso ang tingin sa akin ni Zion.

"Puwede na po ba akong umuwi? Sa Manila po, I need to go home po. M-My husband, hindi niya po alam ang nangyari. I was kidnapped and he didn't know b-baka nag-aalala na po sakin ang asawa ko. Please help me" mahabang paliwanag ko. Hindi ko napansin na tila nagpapanick na ako at halos sabunutan ko na ang buhok ko. Nanginginig na rin ang kamay ko sa hindi ko malamang dahilan.

Agad namang dumalo sa akin si Ma'am Lorianne. "Calm down, Ara" pang-aalo nito habang hinahagod ang likod ko. Umiiling ako at nagsimula na naman akong umiyak. Lumapit sa akin ang asawa nito. Napasinghap ako nang may maramdaman akong karayom na tumusok sa aking braso.
Hindi ko alam kung bakit bigla akong nakaramdam ng antok. Bumigat ang talukap ko hanggang sa dumilim ang lahat.

Zion's PoV

Nakatulog siya matapos siyang turukan ni Papa. Marahan naman siyang inihiga ni Mama at inayos ang buhok nito.

"Anong sabi nila Arthur? May nakita ba sila?" si Dad na lumapit na sakin ngayon. Umiling ako at napatingin sa babae. My mother is still caressing her face. Napatingin sa amin si Mama kaya naman ibinalik ko ang tingin ko kay Papa na nakatingin din pala kay Mama.

"Wala, Pa. Nalibot na nila ang gubat pero wala paring kahina-hinala. I asked them to roam around the whole island to look for suspicious people but they got nothing. I don't think she's telling the truth" I explained. My mother gave me a look and raised her brows on me. She stopped caressing the girl and walk to us.

"How can you say that? Hindi mo ba nakita ang kalagayan niya kagabi? She had no shoe on, her head is bleeding and her clothes are almost rag! She looks hopeless. Hindi ba,  kaya mo siya tinulungan kagabi?" I rolled my eyes and walked away. Narinig ko ang pagtutol ni Mama ngunit tinuloy ko parin ang paglabas ko.

I don't wanna be rude but I'm really tired. Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi scared that someone would broke into my room to kill the lady together with me. Pagod din ako dahil kung hindi ko siya buhat-buhat ay nakabantay ako sa kaniya.

Niligtas ko lamang siya kagabi because her pleading eyes resembles my mother. I almost lose the shit out of me when she came to me out of nowhere. I was calming myself near the shore dahil pagod ako sa pagmamanage ng hotel. Dinagsa ang hotel ng mga foreigner.

Nagpasya  na lamang ako na bumalik sa hotel para magpahinga kaysa naman makipag-away pa ako kay Mama. Alam ko naman na may ilalaban parin siya kahit sabihin kong pagod ako dahil sa sinabi ko kanina. Hindi ko alam kung bakit ngayon ay hindi ako kumbinsido. Dahil sa kaniya nagugulo ang isla.

Pagpasok ko sa opisina ay pumirma lamang ako ng iilang papeles. Can you believe a 17-year-old like me is doing this things? My Dad is excited of the idea of me growing up that's why my 15-year-old self is working my ass of this hotel tuwing bakasyon until now. I should pe partying and making girlfriends, I can do that but I can't leave the island. I tried doing it but I keep coming back here. Tuwing may pasok naman ay nakafocus lamang ako sa pag-aaral, I don't want any distractions.
Kaya naman napapagkamalan akong bakla ni Mama. Hindi ko naman na nakatulog na ako.

"Sir, pinapauwi na po kayo ni Ma'am Lorianne for dinner" saad nang sekretarya ko nang magising niya ako. Dinner? Napahaba ang tulog ko. I can't blame myself, my body's tired.

Tumango na lamang ako. Napahilamos ako sa aking mukha at bumuntong hininga. For sure, sisitahin ako ni Mama pagdating ko nang mansyon but I can't miss the dinner with the family. That's Lorianne Filton's very own rule.

Umalis na ako nang hotel at nagsimula nang maglakad papuntang mansyon. Walking distance lamang ito at gusto kong gisingin ang katawan ko sa malamig na hangin while walking near the shore.

Hindi ko pinansin ang nga tao rito at tahimik lang na naglakad pauwi. Pagdating ko ay dumiretso ako sa hapag. Naroon na si Mama at Papa na mukhang kakaumpisa palang sa pagkain. Nilapitan ko si Mama at hinalikan  si  pisngi. Tumango lang sa akin si Papa. Nang makaupo ako ay nag-umpisa na silang kumain.

Tahimik ang hapag. I'm not used to it. I was about to talk when someone came. Oh right! The girl who badly needs my help.

"Oh Ara! Come here, join us. Maayos na ba ang pakiramdam mo?" my mother who quickly stood up and walk to the special guest. Natigilan rin kami ni Papa sa pagkain at tinitigan ang dalawa. They look like sisters!

Parang nahihiya pa ito ngunit dahil mapilit si Mama ay napaupo niya ito sa katabing upuan kaharap ko. Napatingin naman siya sa akin kaya naman bahagya akong nailing at kumain nalang.

"Adessa, paki-asikaso naman si Ara" hindi ko alam kung bakit nakuha pang tumawa ni Mama ngayong hindi kami magkasundo. Right, naiinggit ako. This is so gay for me to say pero Mama's boy ako!

"Uhm Shara po" she said a bit hesitant like she's afraid of correcting my mother. Napaangat naman ako nang tingin sa kaniya na nanlalaki ng mata. Ganoon din ang reaksyon ni Mama at Papa. It could be a coincidence but I felt like it something else.

Kinagat niya ang ibabang labi niya at tinignan kami isa-isa. "I'm sorry, hiija. Would you mind telling me your full name?" si Papa.

"Shara Kelly Travez-Hailstorm po...bakit po?" she answered. Nanlaki lalo ang mata ko kagaya ni Papa. Si Mama naman ay napatakip sa kaniyang bibig at nagsimula ng umiyak.

"Oh my God!" niyakap siya ng mahigpit ni Mama. Nagkatinginan kami ni Papa at nakita ko ang pagluha ng mata niya saka tumango sa akin. She's my sister?!

to be continued...

HE IS MY HUSBANDWhere stories live. Discover now