--

Nagising ako sa lamig na naramdaman ko tinatamad naman akong ioff ang aircon maganda kasi ang higa ko.

Alam kong may nagbukas ng pinto hindi ko pinansin baka si Karmie lang yun, siya lang naman ang may duplicate ng susi ng kwarto ko.

Pero bakit parang hindi si Karmie yong andito sa kwarto ko narinig ko na inoff niya yung aircon.

"Sino may sabing pumasok kayo rito kwarto ko at ioff ang aircon." mejo galit kong sabi

"S-sorry po." matipid na sagot niya, boses babae pero alam kong hindi siya si Karmie sandali nga si Zhane ba ito?

Bigla kong tinanggal ang kumot na naka talukbong sa buo kong katawan at bumangon.

Nagulat ako sa nakita ko si Kaycie? nakatayo mukang gulat na gulat siya. Tinignan ko siyang mabuti hindi ako pwedeng magkamali si Kaycie nga talaga yung nasa harap ko.

Lumapit ako sakanya at bigla ko siyang niyakap ng sobrang higpit dahil sa pagkamiss ko sakanya.

~Zhane's POV

Gulat na gulat ako nung bumangon si Drei sa kama niya at lumapit sakin iba yung pagkatitig niya.

Ito pa nagulat talaga ako nang niyakap niya ako ng sobrang higpit hindi ko maintindihan kung bakit niya ginawa yun, niyakap ko rin siya napangiti ako sa pagyakap niya sakin ang bilis ng tibok ng puso ko.

"Kaycie buti bumalik ka ang tagal kitang hinintay bakit ba bigla ka nalang umalis ng hindi nag papaalam?"

Bigla akong nakaramdam ng lungkot nung sinabi niya ang pangalang Kaycie, ganun ko ba talaga siya kahawig? Tinanggal ko ang pagkakayakap niya sakin.

Hindi ako makapagsalita kasi hindi ko naman alam ang isasagot ko sakanya kasi hindi naman ako si Kaycie.

Nilapit niya yunh mukha niya sa mukha ko at sabay sabing "Kaycie I miss you so much!" hinalikan niya yung noo ko at yung magkabilang pisngi ko pati na rin ang ilong ko.

Sa ginawa ni Drei na stock ako sa kinatatayuan ko nakatitig lang ako sakanya. Gusto ko na ngang umalis pero may pumipigil sakin.

Hahalikan na sana niya ako sa labi ko pero umatras ako.

"D-drei hindi ako si Kaycie" sabi ko sakanya

"What? wag mo nga akong niloloko alam kung ikaw yan Kaycie."

Biglang may nagbukas ng pinto.

"Oh, kuya mukang seryoso ang usapan niyo ni ate Zhane ah." sabi ni Karmie

Tinignan ko ang reaksyon ni Drei halatang gulat na gulat siya.

"Z-zhane?!? Ano ka ba Karmie hindi mo ba nakikita si Kaycie ang nasa harap ko." -Drei

"No kuya she's ate Zhane ano ka ba kuya matagal ng wala si Ate Kaycie stop waiting for her hindi na siya babalik." -Karmie

Hindi na kumibo si Drei bumalik nalang siya sa kama niya para humiga magpapahinga nalang daw ulit siya bigla daw kasing sumakit ang ulo niya.

Gusto kong malaman ang buong katotohanan kung sino ba talaga si Kaycie nahihiwagaan ako sakanya talaga bang kamuka ko siya?Ano bang relasyon nila dati ni Drei?

Inaya na ako ni Karmie lumabas ng kwarto ng kuya niya.

Pumunta kami sa kwarto niya para mag relax.

"Ate Zhane pasensiya kana kay kuya napagkamalan ka niyang si Ate Kaycie." -Karmie

"Ok lang yun Karmie pero nagulat ako sa ginawa ng kuya mo." sabi ko

Kinuwento ko sakanya yung biglaang pagyakap niya sakin at paghalik sa noo, pisngi at ilong ko.

"Talaga ate? dapat pati sa lips" may panghihinayang sa boses ni Karmie nung sinabi niya yan.

Ito talagang batang to, alam na yung mga ganyang bagay.

Naalala ko nanaman yung yakap ni Drei sakin pero hindi pala para sakin yun.

"Huy ate natulala ka jan? siguro nagugustuhan mo na si Kuya?" panunukso ni Karmie sakin

"A-ano? N-n-nagugustuhan? hindi ah ikaw talaga." sagot ko

Hindi ko naman talaga siya gusto...Hmmm...siguro paghanga mabait kasi si Drei siya lang yung lalaking naging mabait sakin sa school.

"Karmie sino ba si Kaycie?" seryosong tanong ko sakanya

"Hmmm... ate ano ba gusto mo malaman about sakanya?" -Karmie

"Kahit ano." sagot ko

"Ok sige, Si ate Kaycie ay naging girlfriend ni Kuya actually 1st girlfriend, 1 year din naging sila, naalala ko pa noon pag andito sila sa bahay ang sweet sweet nila... Akala ko nga sila na forever pero-"

"Pero?" curious na tanong ko nambibitin kasi si Karmie eh

"Pero bigla nalang siyang nawala hindi man lang siya nagpapaalam" malungkot niyang sabi

Hindi na ako nagtanong ulit kay Karmie ng tungkol kay Kaycie... Kita ko kasi ang lungkot sa mga mukha niya, ayaw kong nakikita na malungkot si Karmie para kasing kapatid ko na rin siya.

--

7:00 na ng gabi nagpaalam na ako kay Karmie mukang hinahanap na ako nila Tita eh hanggang 5 ng hapon lang ang klase ko.

Ayaw pa nga niya ako pauwiin nitong batang 'to pero napilit ko rin sa huli. Gusto pa ako ihatid pero tumanggi ako ayoko kasing makaabala lalo na't may sakit pa si Drei sinabi ko nalang sakanya na alagaan niya ang kuya niya.

~

Abangan ang next chapter :)

Free To COMMENT and VOTE

Campus Nerd StoryWhere stories live. Discover now