Sinusubukan ko na ring buksan ngunit naka-lock ito kaya nag-isip ako para mabuksan ko ito. Wala naman akong nakita na susi sa bandang pintuan kaya naisip ko'ng kumuha ng kutsara.

Pumunta muna ako sa kusina para makakuha ng kutsara para mabuksan ko na ang pinto sa CR. Ang dulong part ng kutsara kung saan natin hinahawakan ang ipinasok ko sa doorknob pinilit ko itong mabuksan at iniko-ikot. At sa huli ay nabuksan nalang ito kaya gumaan ang pakiramdam ko.

Pag bukas ko ay nakita ko si
C-collen?! May dugo ang kan'yang mukha at tila walang malay. Bigla nalang akong napatili at humingi ng tulong sa mga kaibigan ko.

"Aaaaaahhhhh!!!!!!!!!!!!!!" Pagsigaw ko.
"Guys!!!!!!! Si Co-collen!!!!!!!" Paghingi ko ng tulong.

Agad ko namang narinig na nagsisitakbuhan na sila dito.

"Ke-kelly! Bakit ka umiiyak?! Ano nangyari ha!" Pagtataka ni Shan.

Agad namang tumakbo ang iba sa loob ng CR upang makit kung ano'ng meron. At biglang nalang silang napatulala.

"Wh-what the fucking hell!!" Pagsigaw ni James.

Tumakbo na ang iba sa loob at ako naman ay nakaupo dito sa tapat ng CR habang humahagulgol.

"Damn! Ano na naman ba'ng nangyayari!!! Ba-bakit ganito?!!" Pasigaw ding sambit ni Ade.

"C-collen!!!!! Hindi pwede!!" Pagsigaw naman ni Shan at sabay na umiyak.

"Ano ba'ng mali sa bahay na 'to!! Isa-isa na tayong nababawasan!!!" Pagalit na sambit ni James at humahagulgol na rin habang yakap-yakap si Collen.

"Fuck. What's wrong here! Bakit ba gan'to!!" Ani naman ni Steve.

Humahagulgol pa rin ako dito habang nakaupo at hawak-hawak pa rin ang kutsara na aking ipinangbukas ng pinto sa CR.

"N-nakita ko la-lang si Co-collen na gan'yan ka-kanina." Sabi ko naman.

"Ba-bakit ba puro girls?! P-paano kung ako na ang sumunod?!" Pag-iyak na sambit ni Vane.

"Wag ka ngang magsalita ng gan'yan Vane! Hindi pwede mabawasan pa tayo muli!" Ani ni Zayn.

"H-hindi naman natin si-siya na ko-kontrol 'diba?! Paano na!" Ani ni Dave.

"J-james relax la-lang." Ani ni Marlo.

"H-hindi ko man lang siya
N-nkasama kagabi! Hindi ko
na- naman alam na siya na ang susunod! Ba-bakit gano'n! Ang unfair!! B-bakit si Collen pa!!!! Pagsigaw ni James.

"Ade! Sa tingin mo ano'ng nangyari?!" Ani ni Steve.

"Kelly. Ikaw nag unang nakakita kay Collen ano'ng dahilan bakit ka pumunta dito sa CR?" Pagtatanong sa 'kin ni Adelaide.

"Na-na sa swimming pool area ako no'n pero bi-bigla akong nakaramdam na naiihi ako.
Pu-pumunta ako dito at naka-lock, kumatok ako ng da-dalawang beses at w-alang responce ni isa, K-kaya naghintay ako sa labas ng halos matagal rin ng-nguunit wala pa ring lumalabas sa CR kaya pu-pumunta akong k-kusina upang kumuha ng kutsara at ma-mabuksan ang pinto at bigla ko nalang nakita si Collen na gan'yan na siya." Pagku-kwento sa kanila at nauutal-utal pa.

"K-kung gano'n wala naman ditong bintana, Ang pinagtataka ko ay saan pumasok ang killer? Kasi ang tanging pasukan at labasan ay ang nag-iisang pinto na 'yan lamang." Ani ni Ade.

"H-hindi ko rin alam." Ani ni Lei.

Pinilit ko'ng tumayo upang malapitan si Collen na nasa bathtub.

Grabe bakit gano'n bakit sunod-sunod na kami? Baka mamaya ako na ang sumunod? Pa'no nga kung ako na? Pero wag naman sana. Hindi ko kaya.

"A-ano na ang gagawin natin ngayon?" Pagtatanong ni Steve.

"Uhm.. boys.. P-pwede bang lum-mabas muna kayo para mabihisan namin si Collen ani ko.

"A-ah ganun ba. S-sige tara na muna." Ani ni Zayn.

"Shan and Vane. Kumuha kayong dalawa ng damit ni Collen para mabihisan na rin natin siya." Pag-utos ni Ade.

"S-sige." Ani naman nilang dalawa.

Pagka-alis ng dalawa ay agad naman na lumabas na rin ang ibang boys para nga mabihisan muna namin si Collen.

Pagkadaan ng ilang minuto ay agad naman ng dumating na sila Shan at Vane na may dala-dalang mga susuotin ni Collen.

"Oh, ito na oh." Ani ni Vane.

Itinayo namin si Collen at pinunasan ang kan'yang katawan pununasan rin namin ang mga dugo sa kaniyang mukha at leeg. Siguro ay sinakal siya at sinugatan pa ang kan'yang leeg. Grabe naman sobra-sobra na 'to.

Pagkatapos no'n ay nilagay na namin ang damit ni Collen at pinapasok na rin namin ang mga boys para mabuhat siya at ilagay sa silid nila Lei kung saan ay nando'n ang bangkay ni Belle.

"G-guys ilagay niyo na si Collen sa silid kung nasaan si Belle." Ani ni Ade.

"B-bakit mo a-ako iniwan C-collen?" Umiyak nanaman si James at yakap pa rin si Collen.

"Bro. Magiging okay ka rin. I feel you." Ani ni Lei at hinahagod ang likod ni James.

"Buhatin niyo muna si Collen. Tapos samahan mo na Lei si James sa silid nila ni Collen. Ikaw naman Marlo doon kana sa silid ninyo no Shan. Okay na ba?" Ani ni Ade.

"Sige, Okay lang sa 'kin na sa kama na ni Collen matulog." Ani ni Lei.

Agad na kaming umakyat pumunta muna kami sa silid nila Lei kung saam ay nando'n ang bangkay ni Belle.

Ipinasok na ng mga boys si Collen doon at si James naman ay hindi pa rin tumitigil sa pag-iyak. Nanatili muna kami sa silid nila James upang macomfort siya at para makatulog na rin siya.

Ang tagal din bago makatulog si James kaya syempre matagal rin kami bago nakatulog pero no'ng kumalma siya ang iba ay nagpa-alam na dahil nga naantok na raw sila. Kaya pati kami ni Steve ay nagpa-alam na rin dahil gabi na.

Ang hirap matulog ng may nawala na naman sa 'min hayss. Bakit ba ganito? Sana ay maging mapayapa na ang araw bukas.

A/N: 1.5K Words 'to kaya tama na HAHAHAHAHAHAH de charot. Salamat ulit sa patuloy na pagsuporta at pagbabasa! I love you nonaaaatss!!

The Revenge of the Dead Girl Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon