NH Chapter: 38 (Epilogue)

95.1K 1.7K 121
                                    

Makalipas ang isa't kalahating taon ay nagluwal si Brae ng isang munting anghel na lalaki at pinangalanan nila itong Brylle Matthew, na siyang isinunod sa pangalan ng kanyang Amang si Matt.

Ngayon ang araw kung saan nakatakdang binyagan ang batang si Brylle. Habang abala ang lahat sa pagku-kwentuhan dahil sa paghihintay ng iba pang bisita na siyang imbitado sa nasabing binyagan, ay hindi na magkanda-ugaga si Matt sa pagkontak sa kapatid nitong si David.

"Na-contact mo na ba si David, Love?" Pagtatanong ni Brae habang bitbit ang kanyang bunsong anak na si Brylle.

"Not yet Love, nasan na ba ang mokong na 'yon? I told him to be here before 11 am, not 11 onwards!" Iritableng usal nito habang patuloy sa pagbabaka-sakaling sagutin ni David ang kanyang tawag.

"Have you ever talked to him?" Biglang bungad naman ni Lucas na pormadong-pormado ngayon sa suot nitong white long sleeves at navy blue khaki pants, na tinernuhan ng brown top sider.

"Haven't talk to him since yesterday, Luke." Tanging sagot lang ni Matt sa kanyang kapatid.

"That stupid āss, sigurado akong may hangover 'yon ngayon. Nag-aayang uminom si David kapahon, broken-hearted ata." Napapailing na saad ni Lucas bago kinuha ang telepono sa kanyang bulsa.

Hindi na naman umimik pa si Matt at nagpatuloy na lamang sa pagtawag sa kanyang kapatid.

Makalipas ang kalahating oras ay nagulat ang lahat sa biglang pagsasalita ni Mamang Dyosa, "Thank God, he's here." Masiglang saad nito kaya't nabaling ang lahat ng atensyon ng mga tao sa bukana ng simbahan.

Nakita nina Matt, Brae at Lucas, si David na halatang kakagising lang dahil sa itsura nitong, gulo-gulo ang buhok at gusot-gusot pa ang suot na puting polo shirt. Pangisi-ngisi lang ito na lumapit sa kanilang kinatatayuan.

"What's up bro's! Nakangising saad nito sa kanyang mga kapatid bago tinanggal ang suot nitong sunglasses. "Hi Brae." Bati ni David sa dalaga saka humalik sa pisngi nito.

"Mabuti naman at nakarating ka." Ani Brae sa kanyang bayaw.

Ngumisi lang ito nang nakakaloko bago binalingan ang kanyang mga kapatid, na ngayon ay seryosong nakatingin lang ang mga ito sa kanya, kaya sumagot na lang ang binata nang, "W-what?" Natatawang usal pa nito saka nagkibit balikat na parang nagsasabing, nandito na ako look, ano pang problema?

"Tsss... Fūcktard!" Napapailing na wika ni Matt bago tinalikuran ang kanyang kapatid para lapitan ang pari, na nakatalagang magbinyag sa kanyang bunsong anak na si Brylle.

"Hey, bakit galit na naman sa akin si Matthew?" Pagtatanong nito sa kanyang nakakatandang kapatid.

"You're late, David." Walang ganang usal ni Lucas habang nakatuon ang atensyon sa babaeng kanina pa niya sinisilayan.

"It's better to be late than never show up, right?" Pangangatwiran pa ni David.

"Lame excuses," kunot noong usal ni Lucas dito bago tinapunan ng tingin ang binata. "Fix yourself, you looked and smells like shit." Mahinang turan nito nang sambitin ang huling salitang kanyang isinatinig.

Mabilis namang inamoy at tiningnan ni David ang kanyang sarili bago sinagot ang kanyang kapatid. "Tss... whatever Luca-Lucas. Alam ko naman kung bakit ka nagsusungit, e." Makahulugang sambit nito saka nakangising inakbayan na lang ang kanyang kapatid.

Naked Heart ✔️ (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon