NH Chapter: 14

99.2K 2.1K 39
                                    

Mabilis lumipas ang mga araw at naging pursigido sa panliligaw ang binatang si Matt kay Brae. Hangga't maaari ay gusto niya itong ihatid-sundo sa pagpasok ng dalaga sa trabaho, ngunit agad naman itong tinatanggihan ni Brae sa kadahilanang ayaw niya na makita sila ni Venus na magkasama. Dahil kung magkataon ay siguradong away na naman ang kakahantunagn no'n, sa pagitan nila ng dalaga.

Walang pasok ngayon ang dalagang si Brae sa club. Nalaman naman agad ito ni Matt dahil sa kadaldalan ni Charity.


Habang abala sa pag-aayos ng mga baso si Brae, ay bigla siyang ginulat ng binata sa pamamagitan ng paghawak nito sa kanyang bewang.

"Hey!" Mapagbirong panggugulat ni Matt sa dalaga.

Mabilis naman ang naging aksyon ni Brae sa pagkakagulat na iyon, kaya't agad niyang hinablot ang tray para ipanghampas sa taong humawak sa kanyang bewang.

Nang akmang ihahambalos na niya ito, ay maagap naman itong pinigil ni Matt, "Maiden, it's me..." Anito saka iniharang ang kanyang mga kamay para sanggain ang tray.

Dagli naman itong ibinaba ng dalaga saka nanlaki ang mga mata nang mapagtanto na si Matt pala ang taong humawak sa kanyang bewang, "M-matt?" Gulat na sambit ni Brae bago ibinaba ang tray sa lababo. "Bakit mo ginawa 'yon? Muntikan na tuloy kitang mapalo ng tray." Saad nito at mahihimigan mo ang inis dahil sa timbre ng boses ni Brae.

"I'm sorry, Maiden." Bahagyang natawa pa ang binata dahil sa itsura nito ngayon na nakabusangot. "Kanina pa ako nakatayo rito, eh hindi mo ako napapansin kasi busy ka." Ani Matt saka pinisil ang pisngi ng dalaga.

"Pwede mo naman po akong tawagin, wala nang gulatan pa 'di ba?"

"Sorry na po." Malambing na usal ni Matt habang hindi maalis ang paningin sa dalaga.

"Haayyy..." Buntong hininga ni Brae. "Anong sadya mo? Baka makita ka rito ni Venus." Nag-aalalang sambit nito, saka pasimpleng sumilip sa bukana ng pintuan para alamin kung may tao ba roon.

"Forget about her," Mabilis nitong sagot. "Gusto sana kita i-invite bukas, pasyal tayo." Masiglang usal ni Matt habang tinititigan ang dalaga, na ngayo'y aligaga sa pagmamanman ng paligid.

Nang marinig iyon ni Brae, ay agad niyang binalingan ang binata, "Hindi ako pwede bukas, Matt. Maraming tao bukas, kaya maaga kami papasok ni Charity."

"You're lying—" Biglang sagot ng binata at ang kaninang saya ay biglang napalitan ng seryosong aura.

Bigla namang kumunot ang noo ni Brae na parang nagtataka kung bakit ito nasabi ni Matt. Kaya naman mabilis itong sumagot nang, "Ano bang sinasabi mo? Hindi kita maintindihan."

"Charity already told me, na wala kang pasok bukas. Iniiwasan mo ba ako?" May himig nang pagtatampong saad nito.

Napapikit na lang nang mariin ng mga mata si Brae bago bumuntong hininga. Mabilis naman niyang hinawakan ang kamay ni Matt sabay sabing, "Hindi naman sa gano'n, ayoko lang kasi ng gulo, Matt. Kilala mo si Venus, mabilis iyong makahalata." Pagpapaliwang pa niya sa binata.

"I don't care about her, sinunod ko na nga ang gusto mo na i-table ko pa rin si Venus kahit labag sa loob ko." Nagtatampong apila naman ni Matt saka umiwas ng tingin.

Naked Heart ✔️ (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon