NH Chapter: 35

82.2K 1.5K 92
                                    

Kinabukasan, maagang nagising si Brae dahil sa pamilyar na amoy ng kanyang paboritong pabango ni Matt. "Hmmm..." Tanging nasambit niya habang patuloy sa pagsinghot ng halimuyak nito, na para sa kanya'y talagang nakakaakit dahil sa masculine scent nito na talagang humahalina sa kanyang pang-amoy.

Nang tiyempong tumagilid siya paharap sa kaliwang bahagi ng kama, ay naramdaman ni Brae na wala ang binata sa pwesto nito. Kaya naman kahit inaantok pa, ay pilit niyang idinilat ang kanyang mga mata para silipin si Matt.

Nangunot ang noo ni Brae nang mapansing wala na pala siyang katabi sa kama, kaya naman mabilis pa sa alas kwarto niyang hinagilap ang kanyang kasintahan. At nakita niya ito na nakaupo sa paanang bahagi ng kama, na ngayon ay abalang nagsusuot ng kanyang medyas.

Tuluyan nang umupo ang dalaga sa kama bago ito nagtanong, "Love, saan ka pupunta? Maaga pa ha." Mumukat-mukat niyang sambit dito habang humihikab.

"Ahh... Love, I have an early m-meeting today." Usal ni Matt na hindi man lang nag-abalang lingunin ito.

Tahimik na nakatingin lang si Brae sa ginagawa ng kanyang kasintahan at parang may kakaiba siyang pakiramdam na hindi niya matukoy kung ano ng mga sandaling iyon. Napabalik na lang sa realidad ang dalaga nang muling magsalita si Matt.

"Love, I have to go. I love you." Saad nito nang makalapit sa kanya't mabilis na ginawaran ng isang halik sa noo.

Naiwang nakaawang labi na lang si Brae habang papalabas ang binata sa kanilang silid, "Matt!" Biglang tawag niya rito na dahilan para lingunin siyang muli ng binata.

"Yes Love?" Anito habang nakahawak na sa seradura ng pintuan.

"Ahh... W-wala po, ingat ka ha?" Tanging naisambit na lang ni Brae rito, bago nginitian ng alanganin ang binata.

"I will, I love you." Nakangiting usal lang ni Matt at tuluyan nang lumabas ng kanilang kwarto.

"Haaayyy..." Buntong hininga ni Brae sa hangin. "Baka pupuntahan lang niya 'yung Vanessa na 'yon. Kainis!" Inis na turan ng dalaga bago napagpasyahan na tumayo na rin sa kanilang kama.

Dumaan ang buong maghapon, ngunit walang natanggap si Brae kahit isang mensahe mula kay Matt. Nag-aalala na tuloy siya rito, dahil ni minsan ay hindi nakalimot ang kanyang kasintahan na tawagan o i-text man lang siya nito sa loob ng isang araw.

"Ano kayang nangyari kay Matt?" Kunot noo niyang saad sa hangin habang buhat-buhat ang batang si Maddie.

Nasa ganoong pag-iisip si Brae nang biglang may kumatok sa kanilang pinto. Mabilis naman niyang tinungo ang pintuan at nagulat nang mabungaran doon ang kanyang kaibigan na si Charity.

"Hello Ateng!" Masiglang saad nito bago humalik sa kanyang pisngi. "Hi! Inaanak." Saad pa nito bago binuhat ang batang si Maddie.

"O Cha— Napadaan ka?" Pagtatanong niya rito bago tuluyang pumasok ang dalawa sa loob ng unit.

"Oo 'te, magpapasama sana ako sa'yo." Dire-diretsong wika ni Charity bago naupo sa couch.

"Saan naman?"

"May party akong pupuntahan, samahan mo naman ako, please?" Pagmamakaawa ni Charity at nag-beautiful eyes pa sa kanya.

Naked Heart ✔️ (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon