NH Chapter: 15

92.5K 2.2K 84
                                    

Mabilis na nakarating sina Matt at Brae, sa lugar na kinatitirikan ng bahay ng dalaga. Kulang-kulang isang oras lamang ang kanilang ibiniyahe, dahil sa bilis ng pagmamaneho ng binata.

"Dito na lang sa tabi, Matt." Turo ni Brae sa isang malaking puno na kanilang natatanaw.

"Okay, saan ba ang bahay niyo?" Usal nito saka pinatay ang makina ng sasakyan.

"Yun ohh," Turo ni Brae sa isang simpleng kubo na halatang may kalumaan na. "Maputik kasi sa bakuran namin, baka hindi makaahon 'yung kotse mo," saad ni Brae at tinanggal ang kanyang seatbelt. "Tara?" nakangiti niyang saad habang mababatid ang pagkasabik sa boses nito.

"Alright." Balik ngiti ni Matt at sabay na bumaba ang dalawa ng sasakyan.

Habang naglalakad, ay hindi magkanda-ugaga si Matt sa paglingon sa kanilang mga dinaraanan, halata ang tuwa sa mukha nito dahil sa kanyang mga nakikita.

Madali naman itong napansin ni Brae, kaya tinanong niya agad ang binata, "Uy Matt, ayos ka lang? Nakangiti ka riyan."

"Uhmmm— Nothing, natutuwa lang ako dahil kasama kita. Dito, sa pinaka-importanteng lugar para sa'yo." Nakangiting usal ng binata, habang patuloy sila sa paglalakad.

Mabilis namang nag-iwas ng tingin si Brae at palihim na napangiti dahil sa pagsambit ni Matt ng mga katagang iyon. Aaminin niya na kinilig siya sa sinabi nito, na siyang may kung anong bagay ang nakapagpasaya sa kanyang puso ng mga sandaling iyon.

Napabalik na lang si Brae sa realidad nang marinig niyang nagsalitang muli ang binata, "Uy, kinikilig siya ohh."

Namilog ang mga mata ng dalaga, nang marinig ang pambubuska ni Matt kaya mabilis niya itong sinagot nang, "Kinikilig ka riyan, h-hindi kaya." Nahihiya niyang turan rito saka muling nag-iwas ng tingin para hindi nito makita ang kanyang namumulang mga pisngi.

"You're blushing..." Sabik na usal nito, at dali-daling hawakan sa braso ang dalaga para pigilan ito sa paglalakad.

Hindi alam ni Brae kung ano ang kanyang magiging reaksyon sa mga sinabi ni Matt, kaya't nagpalusot na lang siya rito, "H-hindi ahh... Mainit lang. Oo, tama, m-mainit lang ang panahon. Kita mo oh, ang tirik ng araw." Utal-utal niyang sambit at nagkunwari pang tumingin sa langit para mai-iwas ang kanyang paningin dito.

"Then, why are you stammering?" Nakangisi pang pagtatanong nito.

Sasagot na sana ang dalaga nang biglang may tumawag sa kanyang pangalan.

"Ate Brae!" Sigaw ng isang munting tinig sa 'di kalayuan.

Sabay namang napalingon ang dalawa sa batang tumatakbo papalapit sa kanilang kinatatayuan. Napangiti naman si Brae nang makita ang kanyang bunsong kapatid na si Jun.

"Bunso!" Masigla niyang sigaw pabalik sa kanyang nakababatang kapatid at lumuhod sa lupa para magpantay sila ng bata.

"Ate!" Mabilis nitong saad saka yumakap nang napakahigpit sa dalaga.

"Jun..." Yumapos na rin si Brae rito. "Nasaan sina Nanay? Bakit mag-isa ka lang dito?" Aniya nang humiwalay sa kanilang pagkakayapos.

Naked Heart ✔️ (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon