NH Chapter: 32

81.1K 1.7K 57
                                    

BRAE's POV:


Matapos ang kagimbal-gimbal na pangyayaring iyon kay Venus, ay mabilis itong humingi ng tawad sa amin ni Matt. Mukha naman siyang sinsero sa paghinga niya ng kapatawaran, dahil na rin siguro nagpapasalamat ito't nabigyan pa siya ng Panginoon nang pagkakataon na mabuhay muli.


Flashback


Matapos sabihin ng Doktor na ayos na ang kalagayan ni Venus, ay agad namin itong binisita sa kanyang silid. Ilang pagkatok lamang ang ginawa ni Matt, nang tuluyang bumukas ang pinto at iniluwa roon si Pamela.

"Oh Maiden, Fafa Matt, pasok kayo... Kanina pa kayo hinihintay ni Venus." Ani Pamela saka niluwagan ang pagbukas ng pintuan.

Hawak kamay kaming pumasok sa loob at nakita namin si Venus na nakaupo sa kanyang kama habang nakasandal ang likod sa malaking unan ng higaan sa ospital. Natigil sa pagku-kwentuhan sina Charity at Girlie, nang mapansin ng mga ito ang presensya namin ni Matt.

Napansin din naman agad ito ni Venus, kaya't mabilis kami nitong binalingan.

Nagtama ang aming mga paningin. Hindi ko alam kung anong tamang ekspresyon ang dapat kong ibati sa kanya, dahil sa totoo lang ay naiilang pa rin ako sa sitwasyon naming tatlo nila Matt. Na-awkward kung tawagin nila.

Wala ni isa sa aming lahat ang gustong mangahas na magsalita sa loob ng kwarto, ngunit bago pa man lumalim ang pagiging tahimik namin ay narinig kong tuluyan nang nagsalita na Venus.

"Girls, iwan niyo muna kami." Malumanay na saad nito, na agad namang nakuha nina Cha, Pamela at Girlie, kaya't mabilis na lumabas ang mga ito.

"Girl balik na lang kami mamaya, nakaka-tense ang eksena. Kalurkey!" Maarteng saad ni Pamela na agad namang tinapik ni Girlie sa balikat upang suwayin sa katabilan nito, at dagling hinila papalabas ng kwarto.

Nang tuluyang makalabas na ang dati kong mga kasamahan, ay agad namang nagsalitang muli si Venus kaya mabilis ko itong binalingan.

"Matt, pwede mo ba kaming iwan ni Maiden?" Sambit nito bago tumingin sa akin.

Naramdaman ko na lang na humigpit ang kapit ni Matt sa aking kaliwang kamay. Kaya't tiningnan ko lang ang kanyang mga mata, na ngayon ay seryosong nakatingin sa akin. Marahan na lang akong tumango sa kanya, para sabihing pumapayag ako sa kagustuhan ni Venus.

Nakita ko na bumuntong hininga muna ito bago ako hinalikan sa labi at may ibinulong sa aking tenga, "Love nasa labas lang ako, if anything happens just scream out loud para marinig kita agad, okay?" Mahina ngunit nagbibiling usal nito na agad ko namang tinanguan. Sandali pang tiningnan ni Matt ng seryoso si Venus, bago tuluyan naring lumabas ng kwarto.

Nakatayo lang ako malayo sa hinihigaan ni Venus, at diretso lang ang tingin sa kanya. Nakita ko pa na alanganing ngumiti ito saka inginuso ang upuan sa gilid ng kanyang kama. Sa una ay nag-aalangan pa ako dahil hindi ko alam kung anong binabalak nito sa akin, kaya naman nang hindi ako sumunod sa kanyang kagustuhan ay nagsalita nang muli si Venus.

"Wag ka mag-alala, Maiden. Wala akong gagawing masama sa inyo ng magiging anak mo. Gusto ko lang humingi ng tawad." Agad ko namang nabagid ang sinseridad nang sambit niya ang mga katagang iyon, dahilan upang bahagya akong napatango at lumapit sa kanyang kama.

Naked Heart ✔️ (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon