NH Chapter: 24

77.3K 1.7K 63
                                    

Dalawang linggo na ang lumipas simula nang maihatid ng pamilya Benites ang kanilang padre de pamilya na si Tatay Renato sa huling hantungan nito. Mas naging maingat naman si Matt sa pag-aalaga sa kanyang kasintahan ngayon, dahil bigla itong nag-spotting sa sobrang pagkabalisa sa pagkawala ng kanyang Ama.

"Love, let me handle this." Pagpi-prisinta ni Matt sa dalaga saka kinuha ang kutsilyong hawak nito.

"Love, hindi naman mahirap ang maghiwa ng mga gulay." Sarkastiko ngunit natatawa namang saad ni Brae sa kanyang kasintahan.

Hinalikan lang ito ni Matt sa noo sabay sabing, "Kahit na Love, remember ang bilin ni Dra. Cristobal, kung hindi naman importante you must always be in bed. You need to strengthen your body para sa inyong dalawa ni baby, okay?"

"Pwede kahit tulungan lang kita na maghiwa ng mga 'yan?" Pagtatanong pa ni Brae, saka inginuso ang mga gulay na nakapatong sa kitchen counter.

"Nope," Mabilis na saad ni Matt saka inalalayan ang dalaga papunta sa living room. "Take a rest first, tatawagin na lang kita if the lunch is ready." Nakangiting usal ng binata bago tuluyang bumalik sa kitchen.

Habang abala si Brae sa panonood ng telebisyon, ay biglang may kumatok sa pintuan ng kanilang unit. Sinilip niya si Matt sa kusina, at nakita niya na abalang-abala ito sa kanyang ginagawa. Nakita pa ng dalaga na nakaharap naman ito sa lababo, kaya't napagpasyahan niyang tumayo upang buksan ang pinto.

Nang tuluyang marating ang pintuan ay maagap naman itong binuksan ni Brae. Wala namang tao na bumungad sa kanya roon, kaya mabilis niyang sinilip ang magkabilang hallway ng 15th floor, ngunit sa ilang segundong pagmamasid ay wala naman siyang nakitang tao roon.

Paghakbang na paghakbang ng dalaga papasok sa loob, ay may bigla siyang naapakan na brown envelope. Kunot noo niyang pinulot ito, saka muling tiningnan ang paligid kung sino ang posibilidad na nag-iwan nito roon.

Sinipat niya ang kabuuan ng envelope, ngunit wala naman siyang ibang nakita roon maliban sa isang pangalan na nakasulat dito na Matthew Montenegro. Bahagya pa itong inalog ni Brae ngunit nabatid niya na parang papel lang naman ang laman nito, kaya naman napagpasyahan na niyang pumasok sa loob upang ibigay ang bagay na iyon sa binata.

"Love... Love!" Tawag ni Brae sa kanyang kasintahan nang makapasok ito sa loob ng unit.

"Oh Love, 'di ba sabi ko sa'yong mag-relax ka lang sa couch?" Punong-puno nang pag-aalalang sambit ng binata saka muling dinala si Brae sa living room.

"Eh Love, may kumatok po kasi— tiningnan ko kung sino pero wala namang tao," Walang muwang na saad ng dalaga rito. "Ito nga't may nag-iwan nito para sa'yo." Saad pa ni Brae saka iniabot ang brown envelope sa binata.

"Kanino galing 'to?" Kunot noong usal naman ni Matt saka kinuha ang envelope para buksan.

Hindi na naman nag-usisa pa si Brae saka muling itinuon ang kanyang atensyon sa telebisyon. Isinandal ng dalaga ang kanyang likuran sa couch para kahit papaano ay maka-relax ang kanyang nananakit na balakang, ngunit nang mapadako ang kanyang paningin kay Matt, ay bigla siyang nagtaka kung bakit seryoso na ang mukha nito habang nakatuon ang paningin sa hawak nitong envelope.

"Uy Love, seryoso mo riyan." Pagbibiro pa niya rito saka kinuha ang remote control para ilipat ang estasyon na kanyang papanoorin.

Naked Heart ✔️ (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon