NH Chapter: 1

241K 4.6K 247
                                    

NAKED HEART
(Montenegro Naked Series: #1)
(COMPLETED)

Started: JULY 22, 2017
Ended: DECEMBER 28, 2017


*****


Alas onse ng umaga. Nasa terminal ngayon ng bus ang pamilya Benites para ihatid ang dalagang si Brae, na ngayon ay paluwas ng Maynila. Isang oras ang ibiniyahe ng kanilang pamilya pamuhat sa kanilang tahanan, na nasa dulo pa nang kabukiran ng probinsya ng San Lorenzo.

"O paano Anak, mag-iingat ka roon sa Maynila ha?" Naluluhang sambit ni Aling Dolores.

"Opo Nay... Kayo rin po, palagi po kayong mag-iingat," Niyakap naman ito ng dalaga saka binalingan ang kanyang mga kapatid. "O Biboy, ikaw na'ng bahala kina Nanay at Tatay pati riyan sa dalawa. Ikaw muna ang tatayong panganay ngayon, habang wala ako." Bilin nito sa kanyang kapatid.

"Opo Ate Brae... H'wag ka na pong mag-alala, aalagaan ko po sina Nanay at Tatay." Saad ni Biboy.

"Oh kayo naman dalawa, Liezel at Jun. H'wag maging matigas ang ulo niyo kay Nanay. Sundin niyo si Kuya Biboy at alagaang mabuti si Tatay, nagkakaintindihan ba tayo?" Wika ni Brae sa kanyang mga nakababatang kapatid.

"Opo Ate." Sabay na sambit ng dalawa habang nangingilid ang mga luha.

Nasa ganoong sitwasyon ang mag-anak nang may biglang umentra sa kanilang usapan, "O siya Ateng, tama na ang paalamanan. Tara na't baka mahuli pa tayo sa biyahe ng bus. Sayonara na ang kadramahan na 'yan!" Maingay na saad ni Girlie habang nilalaro ang chewing gum sa kanyang bibig.

Sa puntong iyon ay nagpaalam na ang dalagang si Brae sa kanyang pamilya, kahit na mabigat sa kanyang kalooban na iwanan ang mga ito. Isinantabi muna niya ang kalungkutan, para pagtibayin ang kanyang sarili upang harapin ang bagong yugto ng kanyang magiging buhay sa Maynila.

Sumakay nang bus ang dalaga kasama si Girlie at kinawayan ang kanyang pamilya, na ngayon ay nakabungad sa tapat ng bintana na kanyang pinuwestuhan. Nang tuluyang mapuno ang nasabing sasakyan, ay agad na sumenyas ang kundoktor na aalis na ito patungong Maynila.

Habang papaandar na ang bus na sinasakyan ni Brae, ay patuloy sa pagtulo ang kanyang mga luha habang tinatanaw papalayo ang kanyang pamilya. Masakit para sa kanya na iwan ang mga ito, ngunit wala naman s'yang ibang pagpipilian dahil siya na lamang ang inaasahan ng kanyang pamilya upang itaguyod ang kanilang ikabubuhay.

Nasa ganoong pag-iisip ang dalaga nang biglang magsalita si Girlie, "Hoy bakla, tumigil ka na sa kakaiyak mo. Baka hindi ka pa kunin ng Manager ko, kapag mukha kang zombie dahil d'yan sa mugtong mga mata mo." Iritableng saad nito dahil sa patuloy na pagluha ng dalaga.

"Girlie maganda ba sa Maynila? At iyang pinagta-trabahuhan mo, malaki ba ang kita riyan?" Inosenteng tanong ni Brae rito habang pinapahid ang kanyang mga luha.

"Hay nako bakla, witchikels na 'yang question and answer portion na 'yan! Basta may trabaho ka tapos! Para sa pamilya mo naman ang lahat ng ito, kaya ka makikipagsapalaran sa Maynila, 'di ba?" Pagpapaliwanag ni Girlie habang abala na ito sa pagtipa ng kanyang telepono.

Hindi na rin naman nangulit pa si Brae at itinuon na lamang ang kanyang atensyon sa labas ng bintana, "Gagawin ko ang lahat, para gumanda ang buhay ng pamilya ko." Mahinang sambit ng dalaga sa hangin.

Nakadungaw sa bintana ng bus si Brae habang tinatanaw ang mga puno na kanilang dinaraanan. Ito ang unang pagkakataon na lilisanin niya ang Probinsya ng San Lorenzo. Wala siyang ideya ni katiting kung anong kanyang dadatnan sa pagluwas niya sa Maynila.

Sumama lamang siya kay Girlie, dahil sabi nito ay tutulungan s'yang kumita ng malaking pera para mapagamot ang kanyang Tatay na may sakit at makatulong na rin sa kanyang pamilya.

Wala sa hinagap niya kung anong uri ng trabaho ang mayroon si Girlie. Ang tanging alam lang niya'y isang dancer daw ito sa Maynila. Sumasayaw raw ito sa isang kilalang establisyamento kasama ang kanyang mga kagrupo. Hindi na naman niya inusisa pa ito, at nagpapasalamat na lamang siya dahil kahit papaano ay tutulungan siya ng kanyang kaibigan na kumita ng pera.

Makalipas ang anim na oras, ay tuluyan nang nakarating ang bus na kanilang sinasakyan sa isa sa pinakamalawak na terminal ng bus sa Maynila. Maraming tao ang hindi magkandamayaw sa paglabas-masok sa nasabing lugar at abala sa kani-kanilang mga pakay, na animo'y naging isang malaking pamilihan dahil sa hindi mahulugang karayom na rami ng taong naroroon.

"Uy Braelynn gising na, nandito na tayo sa Manila." Yugyog ni Girlie rito at tuluyan nang inayos ang kanyang mga gamit.

Unti-unti namang idinilat ni Brae ang kanyang mga mata, saka binalingan ang kanyang kaibigan.

"Tara na po sleeping beauty, at sasakay pa tayo ng taxi bakla." Maarteng saad pa ni Girlie nang makitang gising na ang dalaga.

Mabilis namang isinaayos ni Brae ang kanyang sarili sabay sabing, "Girlie salamat talaga sa pagtulong sa akin ha? Malaking bagay itong pagsama ko sayo, para sa amin ng pamilya ko." Madamdaming sambit niya rito saka hinawakan ang kamay ng kanyang kaibigan..

"Wala 'yon bakla," Saad nito bago hinawakan pabalik ang kamay ni Brae. "Ay nako, tama na ang kadramahan na 'yan... Ayusin mo na ang sarili mo para maaga tayong makarating sa clu— sa trabaho ko." Biglang tikom na usal nito at nagmamadaling tumayo na sa kanyang pagkakaupo.

Napatingin naman si Brae sa kanyang kaibigan, ngunit binaliwala na lamang niya ang narinig mula rito. Mabilis na bumaba ng bus ang dalawang dalaga, saka nag-abang ng masasakyan sa tabi ng kalsada. Ilang minuto lang ang kanilang ipinaghintay nang biglang may humintong taxi sa kanilang harapan.

Dagling dumungaw si Girlie sa bintana ng sasakyan sabay sabing, "Manong, sa Heaven's Club nga po." Anito sa taxi driver. At agad namang tumango ito sa dalaga, kaya't dali-daling sumakay sina Brae at Girlie sa loob ng nasabing sasakyan.

Makalipas ang trenta minuto, ay tuluyang nang huminto ang taxi sa tapat ng isang establisyamentong may dalawang palapag ang taas. Hindi ganoon kalaki ang nasabing gusali, ngunit hindi rin naman ito ganoon kaliit. Bumaba na ang dalawang dalaga saka tinungo ang pintuan ng nasabing lugar. Ngunit bago pa man tuluyang pumasok sa loob, ay humugot muna ng isang malalim na buntong hininga si Brae saka ito pinakawalan sa hangin.

"Kaya mo 'yan Brae, alang-alang sa pamilya mo." Pampalakas loob n'yang sambit sa kanyang sarili.



*****

Nagustuhan n'yo ba? Comment down your thoughts. Ito ang pinaka mahirap sa lahat 'yung start ng Story, dahil dito magbabase ang mga readers kung Catchy ba ito or hindi. Kaya ayon sana Havey kahit papaano.

See you next chapter mga labs ! ❤️



*****

Don't forget to tap the star ⭐️ button to vote.
Vote | Comment | Share
Facebook Page: Everjoy Condes #anaknikikodora
Facebook Group: THELABSSQUADWP
Facebook Official: Everjoy Condes WP

Naked Heart ✔️ (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon