NH Chapter: 37 (The Finale) ❤️

96.9K 1.8K 232
                                    

Matapos ang halos pitong oras na biyahe sa himpapawid, ay lumapag na ang eroplanong sinasakyan ng bagong kasal na sina Matt at Brae sa bansang India. Naghintay pa ng kalahating oras ang mag-asawa sa labas ng airport para hintayin ang panibagong solong eroplano na maghahatid sa kanila patungo sa isla ng Maldives.

Hindi na rin naman nagtagal at nakasakay na rin sa maliit na eroplano sina Matt at Brae patungo sa kanilang destinasyon. Halos dalawa't kalahating oras ang itinagal ng kanilang biyahe bago lumapag ito sa nasabing isla.

"Wow!" Nagniningning ang mga matang turan ni Brae nang masilayan ang mala-paraisong ganda ng islang kanilang pinuntahan.


Photo CTTO

"Do you like it, Love?" Nakangiting usal ni Matt habang tinitingnan ang kanyang asawa na tuwang-tuwa sa kanyang nasisilayan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.




"Do you like it, Love?" Nakangiting usal ni Matt habang tinitingnan ang kanyang asawa na tuwang-tuwa sa kanyang nasisilayan.

"Hindi lang gusto Love, gustong-gusto." Masayang sambit ni Brae saka hinablot ang kamay ni Matt para sa kanilang pagpasok sa loob ng hotel.

Bumungad kay Brae ang Lankanfushi Maldives. Hindi pangkaraniwan ang nasabing hotel, dahil ito ay isa sa pinaka prestihiyosong bahay tanggapan na yari sa pinamodernong klase ng kubo. Mabilis naman silang tumungo sa lobby para alamin ang kwarto na ipinareserba ni Lucas para sa kanilang honeymoon.

"Good Afternoon," Nakangiting bungad ng isang babaeng mukhang indiyana. "Welcome to Lankanfushi Maldives Resort." Dagdag pa nito saka sinabitan ang mag-asawa ng iba't ibang klase ng bulalak sa kanilang mga leeg.

"Thank you." Sabay na bulalas nina Matt at Brae saka dumiretso sa receptionist.

"Good Afternoon, Maam Sir," Yukod ng babaeng receptionist doon. "I'm Janice, how can I help you?" Saad nito saka ngumiti sa mag-asawa.

"Good Afternoon, I have a reservation for two under the name of Lucas Montenegro."

"Okay, for a while sir." Sagot naman ng receptionist at agad na may tiningnan sa kanilang makinilya. "Your reservation is booked in room 143. Here's your keycard sir, enjoy your staying here at Lankanfushi." Yukod nito saka iniabot ang maliit na susi na korteng parihaba.

"Dhanyavaad." Pasasalamat ni Matt sa lenggwaheng Hindi/Indiyano.

Ngumiti lang ang receptionist sa kanila saka tumungo ang mag-asawa sa kanilang nakareserbang silid.

Nang makita ang kanilang kwarto, ay bumungad sa mag-asawa ang isang maganda at tahimik na silid na talagang nakakarelax tingnan dahil sa ambiance nitong napaka-inviting. Natuwa pa si Brae nang makita ang mga bulaklak na nakapalibot sa isang bagay na ikinorteng puso, na siyang nakapatong sa gagamitin nilang kama.


Naked Heart ✔️ (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon