NH Chapter: 25

78.6K 1.2K 36
                                    

Kinabukasan, nagising si Brae nang maramdaman niya na may brasong pumulupot sa kanyang bewang. Naamoy naman agad niya ang bagong pabango na binili ni Matt, kaya kahit nakapikit ay alam na alam ng dalaga na ang kanyang kasintahan ang nakayakap ngayon sa kanyang likuran.

"Hmmm... Love." Namamaos na sambit niya rito saka niyakap pabalik ang braso ng binata.

Naramdaman pa ni Brae na isiniksik ni Matt ang mukha nito sa kanyang leeg at saka ginagawaran nang mumunting halik ang kanyang batok papunta sa kanyang likuran.

"Love..." Ungot ni Brae ngunit mas pinili pa rin niya ang pumikit, dahil sa pagpupuyat kagabi kakabasa ng Wattpad. Ramdam niya na tumigil ang binata sa ginagawa nito at ilang segundo lang ang lumipas, nang hindi na muling kumilos pa si Matt. Naramdaman na lang ni Brae ang mainit na hininga nito, tanda na nakatulog na rin ang binata sa kanyang likuran.

Bahagya pang idinilat ng dalaga ang kanyang mga mata, upang tingnan ang orasan na nakasabit sa dingding. Nakita niya na alas sais pa lamang ng umaga, kaya humikab siya nang todo bago inayos ang pagkakahiga sa unan upang bumalik muli sa kanyang pagtulog.

Halos alas onse na nang tanghali nagising si Brae, kaya naman mabilis itong bumangon sa kanyang kama. Ginawa lahat ng dalaga ang kanyang gawain pang-araw-araw, bago napagpasyahan na lumabas na sa kanyang kwarto.

Ang buong akala niya ay maaabutan pa niya si Matt sa condo, ngunit wala na ang binata at napansin na lang niya ang isang sulat na nakapatong sa lamesa.


Love,

I have to leave early, and I didn't wake you up, dahil alam kong napuyat ka kagabi. I made you brunch, ubusin mo lahat nang 'yan and don't forget to take your vitamins, okay? I love you, Brae. Love ko kayo ni Baby.

-Matt


Napangiti si Brae nang mabasa niya iyon, saka tiningnan ang pagkain na nakahain sa lamesa. Mabilis naman n'yang nilantakan ang mga ito dala na rin ng kanyang gutom, dahil sa hindi pagkain ng almusal kaninang umaga. Simula kasi nang magbuntis siya'y napalakas na rin ang dalaga sa kanyang kinakain, kaya't ang dati nitong kurbadong pangangatawan ay biglang nadagdagan, gano'n na rin ang kanyang timbang.

Habang abala si Brae sa kanyang pagkain, ay bigla siyang nakatanggap ng isang mensahe galing kay Charity. Nagsabi ito na pupunta raw ito sa condo unit ni Matt para bumisita. Pumayag naman agad si Brae sa kagustuhan ng kanyang kaibigan, para malibang na rin kahit papaano.


*****


Mabilis na tinungo ni Brae ang pintuan upang pagbuksan ang kanyang kaibigan, "Cha!" Magiliw niyang salubong dito saka yumakap sa dalaga.

"Brae," Balik yakap naman nito. "Grabe, namiss kita, Maiden." Anito saka humiwalay sa kanilang pagkakayakap.

"Tara, pasok ka." Malugod na anyaya ni Brae rito saka umupo ang dalawang dalaga sa couch.

May kinuha si Charity sa kanyang bag at isinorpresa nito ang dala niyang pagkain para sa dalaga, "Tadaaaa!" Bungad nito at masayang ipinakita kay Brae ang pasalubong niyang pakwan.

"Wow!" Nangingislap ang mga matang wika ni Brae saka ito inabot. "Mabuti at nakabili ka nito, Cha. Hirap kasing maghanap si Matt nito, dahil hindi na raw napapanahon ang pakwan ngayon." Aniya rito saka kumuwit ng ng kapirasong prutas sa plastic.

Naked Heart ✔️ (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon