NH Chapter: 7

118K 3K 51
                                    

Biyernes ng gabi, abala ang lahat ng trabahador ng Heaven's Club dahil maraming customer ang nagsipuntahan sa gabing iyon. Ilang oras pa lang ang nagdaan sa kanyang pagse-serve ng mga order, ay halos mahilo na si Brae dahil sa hindi magkanda-ugaga ang kanyang mga gawain. Isama mo pa ang dami ng mga parokyanong paroo't parito na naglalakad sa nasabing establisyamento.

Nasabi kasi ni Charity na tuwing biyernes ay ganito talaga sa Club, dahil ito ang araw na kung tawagin nila ay The Heaven's Night. Kung saan magpe-perform ang mga entertainer doon. Hindi naman maintindihan ni Brae kung anong ibig sabihin no'n. Pilit n'yang tinatanong si Charity, ngunit hindi siya sinasagot ng dalaga. Palagi lang nito sinasabi na tingnan na lang niya ang mangyayari mamaya pagpatak ng alas onse ng gabi, bago nito nginingitian si Brae nang napakatamis.

Hindi na naman nangulit pa ang dalaga at ipinagpatuloy na lang ang kanyang pagseserbisyo sa mga customer. Hanggang ngayon ay hindi pa rin sanay si Brae sa amoy ng club. Ang pinaghalong amoy ng alak, magkahalong pawis at uri ng pabango, at sa huli ay ang usok ng sigarilyo na talagang sinusukuan ng kanyang sikmura. Pinayuhan naman siya ni Charity na kumain ng candy para kahit papaano'y mabaling doon ang kanyang atensyon.

Habang dala ni Brae ang isang bucket ng beer na order ng isang customer doon, ay biglang namatay ang lahat ng ilaw sa buong paligid.

"Ahhhhh!" Sigaw niya sa gitna ng kadiliman.

Wala siyang makitang liwanag sa loob ng club, kaya't kakapa-kapa siyang lumakad upang bumalik muli sa bar counter. Ngunit nang akmang hahakbang na siya pabalik, ay biglang bumukas ang mga ilaw sa harap ng maliit na entablado. Napabaling ang kanyang atensyon doon at nakita niya na unti-unting lumiwanag ang buong entablado at pumailalang ang isang instrumental na tugtugin.



(Play the Song "Careless Whisper" Instrumental)



Napansin ng dalaga na may mga usok din na nagkalat sa harap ng stage, na parang mga ulap kung titingnan sa malayuan. Maya-maya lamang ay nakita ni Brae na may lumabas na babaeng naka-maskara sa entablado. Nakasuot ito ng kulay puting hinabing tela, na animo'y isang anghel dahil sa suot nitong pakpak. Dahan-dahan itong naglakad sa gitna ng stage habang gumigiling-giling ang bewang.

Para namang natulala si Brae sa dating ng pagsayaw ng babae.

Nakita niya kung paano ito gumiling nang husto na animo'y nang-aakit. Napansin naman niya ang mga parokyano na hindi magpakali sa kinauupuan ng mga ito, dahil sa sobrang kasabikan. Kasabikan, na parang mga buwaya na hayok na hayok na makatikim ng laman o 'di naman kaya'y mga bampira na sabik na sabik na makasimsim ng purong dugo.

Nanlaki ang mga mata ni Brae, nang mapansing unti-unting hinuhubad ng babaeng nagsasayaw ang mga saplot nito sa katawan. Sinimulan nitong tanggalin ang kanyang puti saplot pang-itaas, at inihagis iyon sa kaliwang bahagi nang entablado kung saan nasalo ito ng isang parokyano.

"Wooohhhoooo!" Malakas na sigaw nito na kahit malakas ang tugtugin ay maririnig mo pa rin ang baritonong timbre ng boses nito.

Ang sumunod naman ay ang suot nitong puting guwantes, na dahan-dahang pinadausdos sa kanyang kaliwang paa paakyat sa pagitan ng kanyang mga hita, saka inihagis sa kanang bahagi ng entablado. Nasalo naman agad ito ng isang matipunong lalaki at ipinaikot-ikot din ito sa ere, ngunit hindi masyado maaninag ni Brae ang mukha nito, dahil sa madilim na parteng iyon ng club.

Naked Heart ✔️ (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon