NH Chapter: 31

77.8K 1.6K 113
                                    

Maagang umalis nang Grandeur Condominium, sina Matt at Brae para sunduin ang dalagang si Venus sa staff house. Napag-usapan kasi ng magkasintahan na ipacheck-up ang sanggol sa sinapupunan ng dalaga para makatiyak na nasa maayos itong kalagayan.

Kahit naguguluhan si Matt sa desisyon ng kanyang kasintahan na alalahanin pa sitwasyon ni Venus, ay ipinaubaya na lang niya ito kay Brae dahil mukang may plano ang kanyang nobya sa sitwasyon ngayon na kanilang kinakaharap.

"Love, sigurado ka ba sa gagawin natin?" Nag-aalalang usal ni Matt habang nakatuon ang atensyon sa kalasada.

"Yes Love, makikita natin kung talaga bang nagsasabi ng totoo si Venus." Ani Brae dahil malakas talaga ang kutob niya, na nagsisinungaling ang dalaga sa pagbubuntis nito.

"I hope your plan works, Love. I don't want to take a risk lalo na sa condition mo ngayon." Saad ni Matt saka mabilis na nilingon ang kanyang kasintahan.

"Sana nga." Wika ni Brae habang hawak ang malayang kamay ni Matt na nakahawak sa gear shift.

Makalipas ang kalahating oras, ay nakarating na ang magkasintahan sa Staff House. Bago pa man makaparada ang kanilang sasakyan doon, ay napansin na agad nila si Venus na naghihintay sa labas nang tinutuluyan nito.

"Hi Sweetie." Masayang bati nito sa binata nang maibaba ni Matt ang bintana ng kanyang sasakyan.

"Get in Venus, baka malate pa tayo sa appointment natin." Walang ganang saad nito, na mataman lang tinitingnan ang dalaga.

"Hindi mo man lang ba ako pagbubuksan ng pinto?" May himig na pagtatampong turan ni Venus habang nakabusangot.

Mabilis namang binalingan ni Matt ang kanyang kasintahan at nakita niya na tumango lang ito, tanda nang pagsang-ayon sa kagustuhan ni Venus. Bago tuluyang makababa ay huminga muna nang malalim si Matt saka mabilis na hinalikan sa labi ang kanyang kasintahan.

Nanlilisik ang mga matang nakita naman ito ni Venus saka humalukipkip ang mga braso. "Matagal pa ba 'yan? Nangangalay na ako rito oh— Pa-kiss-kiss pang nalalaman." Inis na turan nito kaya't mabilis na lumabas ng sasakyan ang binata.

"Get in." Walang ganang usal ni Matt sakabago tuluyang binuksan ang backseat door.

Hindi naman gumalaw si Venus sa kanyang kinatatayuan at patuloy lang sa pagbusangot ang mukha nito habang nakalukipkip ang mga braso.

"What now? Are you going in or not?" Iritableng usal ng binata dahil sa kawalan nang pasensya sa inaasta ngayon ni Venus.

"Ayoko sa likod, gusto ko sa passenger seat." Nag-iinarteng wika nito dahilan para mapabulyaw si Matt.

"I don't have a fūcking time for you mental distress, Venus. Pumasok ka na sa loob or else lalayasan ka nami—"

Hindi na natapos ni Matt ang kanyang sasabihin nang biglang sumabat si Brae, "Love sige na, ako na lang ang uupo sa likod." Anito saka tinanggal ang kanyang seatbelt.

"No Love, hayaan mo na siya sa likod." Matigas na anas ni Matt bago matalim ang mga matang tiningnan si Venus.

"Sige na Love, ayos lang po ako sa likod." Maawtoridad na saad lang ni Brae saka binuksan ang pintuan ng sasakyan.

Naked Heart ✔️ (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon