To Love Again - cHappy eleven

3.3K 66 4
                                    

To Love Again – cHappy eleven

LAUREN’s pov

Dahil maaga ako, madaling araw pa lang gising na ko. Naghanda ako ng pack lunch ko. Dinamihan ko na kasi alam kong gugutumin ako tapos pinaghandaan ko rin si Nikko. Routine ko na kasi na bago pumasok  dinadaanan ko siya. Pag-uwi ko, dadaanan ko ulit siya. Syempre, wala naman nag-aalaga sakanya. Ako lang talaga. Wala kaming kamag-anak dito. Lahat nasa probinsya at wala silang pakielam saming dalawa. Not a big deal though. Nakasanayan na kasi namin.

“Kumain ka ah, alis na ko.” hinalikan ko siya sa noo.

“Ok, ingat.” Naghihikab niyang sabi.

Nagmamadali akong pumunta ng school. Alam kong nagsisimula na ‘yung opening ceremony para sa Sportsfes. Pero ‘di ako dumiretso dun, sa Phase II ng field ako pumunta dahil dun ako naka-assign para sa shift ko as a volunteer.

“Hi! Ako si Ate Rose. Name?” tanong nung Red Cross volunteer pagdating ko. Bata pa siya, mga nasa 20’s. Marami din sila ditong mga member ng Red Cross. Nandito na rin ‘yung mga iilan na nagvolunteer na estudyante.

“Lauren po. Nice to meet you po, Ate Rose.” She smiled at iginiya niya ko sa isang table. Una, pinaregister niya ko. Time-in at Time-out. Tapos may sinulat siya dun sa parang sticker. Pangalan ko yata ‘yung sinulat niya. Ididikit niya na sana pero napatigil siya.

“Oo nga pala, ‘di pa pala kita nabibigyan ng t-shirt." She chuckled. "Wait lang ah, kukunin ko lang.”

Pagbalik niya, pinagbihis niya ko ng t-shirt na sinasabi niya. Red shirt siya na may nakalagay na “I’m a volunteer” sa harap tapos sa baba ‘yung logo ng CA.  Sa manggas, may logo ng Red Cross.

Dinikit ko ‘yung sticker na may nakalagay ng pangalan ko sa taas ng dibdib ko, left side. ‘Buti na lang at naka-jogging pants ako.

“Nakakatuwa naman ‘yung school niyo.” Nakangiting sabi ni Kuya Jorge. Isa ring Red Cross volunteer. Chika-chika muna kami dito habang nag-aantay ng mga pasyente.

“Bakit po?”

“Wala lang. Karaniwang Monday ang umpisa ng Sportsfes pero dito, ngayong Tuesday ang simula. Kakaiba uh.”

“Ah opo hehe. May sariling pamahiin kasi ‘yung Principal namin eh.”

“Talaga? Haha!” opo, malakas po kasi topak ng Principal naming trying hard mag tagalog.

Kanina pa nagsimula ang mga games. Maya-maya, isa-isa ng nagsidatingan ang mga estudyante. May mga nahilo, napilayan, nasugatan, at pinakamarami na siguro ‘yung na-dehydrate. May mga tent dito na sadyang itinayo para sa mga pasyente.

“Anong nararamdaman mo?” tanong ko dun sa lalaking nasa harap ko at nakahiga sa isa sa mga bed dito. Kinuha ko 'yung pangsukat ng blood pressure para macheck siya.

“N-nahihilo po...”

“Ok uhmm... Anong pangalan mo?” nagsimula kong pisilin ‘yung pump. Buti na lang digital ‘yung gamit ko para mapabilis.

Nakita ko naman namula ‘yung lalaki. “K-keith po...”

“Ahh...” ngumiti ako. Nakita kong namula siya lalo. Eh? 

“Relax ka lang ha. Titignan natin kung high/low blood ka. Or normal ka. Anong year ka na?” tinuon ko ‘yung attention ko sa dial.

“F-first year po.”

Tumango-tango ako at inalis sa tenga ko ‘yung stethoscope. “Mababa ang blood pressure mo. Dito ka lang at magpahinga.” Kumuha ko ng malamig na bottled water at pinahawak sakanya. “Makakatulong ‘yan. May nararamdaman ka pa bang iba?”

To Love Again [TSCM series 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon