"Ms. Scarlet meron nang admission Si Zhane, Si Mr. Corpuz ang nag-abot...let's start now"
Wala nang nagawa sila Scarlet kundi ang tumahimik. Buti nalang kinuhanan ako ng admission ni Drei kung hindi tiyak na mapapalabas ako ng di oras, makakamiss nanaman ako ng lessons.
Nakita kung nakatingin ng masama sila Zelda sakin, alam kung may binabalak silang masama, kailangan kong mag-ingat..
Tinignan ko si Drei, seryoso siyang nakikinig sa teacher namin ngayon...oo nga pala tapos na ang pagiging slave ko sakanya.
"Drei..thanks pala kinuhanan mo ako ng admission ah"
Hindi niya ako sinagot, tumingin lang siya sakin walang expression ang mukha.
Bumalik nalang ako sa pakikinig sa discussion ni Ma'am.
--
BREAKTIME
@School Canteen
Nakakagutom mga subjects ko ngayon hayst..Andito ako ngayon sa canteen mag-isa kung kumakain, Si Celine kasi dumiretso sa drama club nila may meeting daw, Si Drei naman hindi ko alam kung nasaan nawala nalang parang bula kanina.
"Check it out girls! Look who's here"
lumingon ako para malaman kung sino yung nagsalita Si Scarlet pala...
Nakita kong papalapit sila Zelda sakin, natatakot ako sa pwedeng mangyari ngayon. God Lord Papa Jesus ikaw na ang bahala sakin. I trust in you
"Ow! your alone?!? so poor!" masungit na sabi ni Zelda at hinawi pa niya ang buhok ko.
Tumayo ako para umalis hindi ko na kasi ma take ang mga ugali ng mga ito.
Maglalakad na sana ako palayo sakanila ng hinawakan ni Zelda ang kamay ko.
"Where are you going ugly duckling were not done yet"
"Please Zelda ayoko ng gulo...please paalisin mo na ako" naiiyak kung sabi sakanya, nakakahiya lahat ng mga tao dito sa canteen nakatingin sa amin.
"You don't want war, but sorry darling I want war" nakangiti na sabi ni Zelda
Natatakot na talaga ako, sobrang takot hindi ko na mapigilang umiyak.
"So Loser" pang-aasar sakin ni Scarlet
Tinulak ako ni Zelda kaya naman napaupo ako, ang lakas ng pagkakatulak niya sakin. Yung eye glasses ko natanggal pilit ko itong inaabot pero tinapakan ito hindi ko alam kung sino malabo kasi ang paningin ko. Ang lakas ng hiyawan ng mga tao dito sa canteen, hindi ko na alam ang nangyayari hindi ako makatayo kasi nanginginig na ako sa takot.
Naramdaman ko na may kung anong binubuhos at binabato sa akin. Iyak na lang ako ng iyak kasi bakit nila kailangang gawin sakin ito? wala naman akong masamang ginagawa sakanila naging mabuti naman akong classmate pero bakit nila kailangan gawin sakin ito?
Alam kung toyo, patis, suka, softdrinks, juice ang mga binubuhos nila sakin naaamoy ko kasi at may kung anong pagkain ang mga binabato nila. humahagulgul ako sa iyak, habang sila Zelda, Scarlet at iba pang estudyante sa canteen tuwang tuwa sa mga ginagawa nila sakin.
Napahinto sila sa mga pambubuhos at pambabato ng may isang babaeng sumigaw
"What do you think you are doing guys!" galit na sigaw nito
Yung boses na yun parang familiar
"Excuse me?? hindi mo ba nakikita nag-eenjoy kami dito" sabi ni Zelda
"So! nag-eenjoy kayo habang may nasasaktan kayong tao?" galit na sabi nung babae, familiar talaga sakin ang boses ng babae ito.
"Mind your own business Girl, by the way nice dress, nice shoes and of course nice hair..are you new student here?" -Zelda
"No I am not student here but my brother he is, I don't like to stay here in school like this because of the attitude you have guys!"
Ano daw!?! brother teka lang Si Karmie ba ito?
"Who is your brother?" curious na tanong ni Scarlet
"Xian Drei Corpuz, why?"
Kaya pala familiar yung boses Si Karmie pala...anong ginagawa niya dito? baka mamaya mapahamak pa siya eh.
"Oh...by the way I am Zelda your future sister-in-law"
"Excuse me??stop dreaming! my brother??? I don't think so!! what a nice joke" natatawa na sabi ni Karmie
"No I am not joking" seryosong sabi ni Zelda
"Stop kidding me, I am going now with Ate Zhane, I think she's better to my kuya Drei....NOT YOU!"
Tinulungan akong tumayo ni Karmie...Inalalayan niya akong umalis malayo kanila Zelda sa mga taong nanakit sakin.
Hindi ko alam kung paano mag-rereact sa sinabi ni Karmie na sa tingin niya mas better ako sa kuya niya, shock pa rin kasi ako sa mga nangyari kanina sa canteen.
To be continued....
~
A/N: Hello Guys :) Sorry po ngayon lang ako sinipag mag-update ng Campus Nerd Story sana po magustuhan niyo
Free to COMMENT and VOTE :)
I want to dedicate this chapter to @yowvea :)
KAMU SEDANG MEMBACA
Campus Nerd Story
HumorCampus Nerd Story ~RLovesPurple ~This is my first story <3
Nerd 09 Part 1
Mulai dari awal
