Bakit niya papatayin ang walang laban na tao? Wala namang nakaka-away si Belle sa school dahil mabait naman siya.

Sobrang bait na kaibigan ni Belle, Maaasahan mo kahit saan, Kahit na may problema ka. Siya yung laging nagco-comfort sa 'kin kapag may problema ako.

Pero sa isang iglap nawala nalang siya na hindi namin alam kung ano'ng nangyari. Hindi ko rin naman napansin si Belle na umakyat sa taas dahil nga naka-idlip ako kanina.

Nagpa-alam ba si Belle? kung nagpa-alam siya bakit hindi ko yun narinig? Kasi yung nagpa-alam sila Steve at Marlo narinig ko naman kahit naka-idlip ako. Siguro nga mahina ang boses ni Belle kaya hindi ko napansin. At malakas naman ang boses ni Steve kaya ko siguro narinig.

Sinabi ko sa kanila ang mga napansin ko sa silid nila Lei. Sinabi ko rin na hindi maaaring makapasok ang killer sa bintana dahil nga hindi niya yun mabubuksan.

Medyo na-curious ako kung paano ang pagpatay kay Belle.

Ang sakit sa pakiramdam na nabawasan kami, Ang sakit sa pakiramdam na nakikita ko mga kaklase kong humahagulgol sa harap ni Belle na walang awang pinatay.

Nakita ko nalang na biglang dumating sila Collen at Kelly. Nung una hindi naniniwala si Kelly na wala na si Belle pero no'ng tinignan niya halos humagulgol na rin ito ng makita ang kaibigan namin na wala ng buhay.

Inisip ko ba kung sasabihin namin ito o ililihim. Naisip kong ilihim nalang muna kaysa sa sabihin sa mga kapit-bahay dito dahil hindi naman namin sila kilala kaya naisipan kong ilagay nalang muna ang bangkay ni Belle dito mismo kung saan siya pinatay sa Silid nila ni Lei.

Inutusan ko naman si Marlo na dalhin na si Lei sa kanilang silid ni Shan upang makapag-pahinga na rin sa nangyari. Ang sakit tignan na humahagulgol si Lei, Ngayon ko lang kasi siya nakitang ganon. Sa tingin matagal pa bago maka-move on si Lei sa nangyari pero alam kong matapang si Lei at kayang-kaya niya ang bumangon muli at kunan ng hustisya ang pagkamatay ng mahal niyang si Belle.

At dahil puro hikbi nalang ang naririnig ko sinimulan ko na ang utusan ang mga kaklase ko para mapa-bilis ang aming paglilinis at pag-aayos ng pagpatay kay Belle.

Agad naman nila sinunod ang aking utos dahil alam naman nilang tama yun at agree sila sa aking sinabi.

Kasama ko naman si Kelly na bumaba upang bigyan si Lei ng pagkain dahil hinang-hina na yung lalaking yun. Ang sakit lang na may makikita akong kaklase kong nasasaktan.

Bumaba na kami ni Kelly. Inumpisahan niya'ng initin nalang ang aming ulam kanina na Sinigang, Dahil sayang naman kung magluluto pa ulit si Kelly na aming chef.

                                   ***

Pagkatapos naming initin at mag-saing. Kumuha na kami ng tray para lalagyanan ng pagkain ni Lei. Sana naman kumain siya para kahit pa'no ay lumakas siya. Ayaw pa naman ni Belle ng hindi siya kumakain kaya sana naman kahit mga limang subo lang ng kanin kumain siya. 

Nagsimula na kaming umakyat ni Kelly para maibigay na ang pagkain na ito kay Lei. Pagka-akyat namin malinis na din at okay na ang pinapagawa ko sa kanila. Ang natira nalang sa silid nila Lei ay si Collen at Shan na hinahaplos ang kama ni Belle at umiiyak. Pimabayaan nalang muna namin sila ni Kelly.

Halos lahat naman ay nasa silid nila Marlo at nagco-comfort kay Lei na hindi pa rin tumitigil sa pag-iyak. Ang mga iba naman ay inaayos ang magiging tulugan ni Lei.

Sinabi sa 'kin ni Marlo na sa lapag nalang daw siya matutulog at si Lei nalang daw muna ang matutulog sa higaan niya dahil mas kailangan ni Lei magpahinga. Aba mabait naman din pala itong si Marlo basta para sa kaibigan gagawin ang lahat.

Binigay na namin ang pagkain kay Lei na ayaw parin tumigil umiyak, Sinabihan ko na siyang kumain ngunit wala akong narinig na kahit anong sagot galing sa kaniya kundi ang pag-iyak niya lamang.

"Kapag hindi ka kumain mas lalo kang manghihina, Lei. Alam mo namang ayaw ni Belle ma nagugutom ka 'diba? Ano iiyak ka nalang diyan? Kumain ka, Lei. Tulungan mo naman sarili mo, para din kay Belle yan. Kumain kana, Please lang, Lei." Seryosong sambit ko na biglang napatahimik ang lahat.

Hikbi nalang ang narinig ko kay Lei at sinimulan na din niya'ng kumain. Pag seryoso ako dun lang sila makikinig at siguro naiintindihan naman ako ni Lei kaya tumigil na siya sa pag-iyak.

A/N: Hey guys! nung nakaraan Rank#150 lang tayo ngayon Rank #131 na! Tumataas na rank natin guys! Maraming salamat po sa lahat-lahat ng support niyo kung wala kayo di tayo aabot sa Rank na yan kaya Thank you talaga guys! I love you allll!!!

The Revenge of the Dead Girl Où les histoires vivent. Découvrez maintenant