"Ewan ko..Basta sasama na lang ako sa inyo." - Ako



Eksaktong alas-sais, nakatambay na kami sa labas ng Mall. Dumating ang isang van. Kumaway si Jacky at huminto ang van. Ilang sandali lang lumabas ang 5 lalaki.


"Oh my God! Mga Adonis...pili na tayo girls.." Kilig na sinabi ni Mel.


Kilig na kilig ang apat. Samantalang ako..wala lang!


Pinakilala kami sa ka-date ni Jacky..tapos sa 4 na kasama nito.



"Mukhang mga galante ang kasama ng manliligaw ni Jacky.." Bulong sa akin ni Rizzy.



"Oo nga, napansin ko rin." - Ako



Isinama nila kami sa isang Seafood Restaurant. Sa tabi ng Seafood Restaurant merong Hotel tapos merong malawak na swimming pool.



"Girls, order what you want..enjoy the food." Sabi ng manliligaw ni Jacky.



Umorder din kami ng pagkain. Pero hindi namin nakasamang kumain ang 5 lalaki. Nagsimula akong kabahan. Samantala, ang mga kasama ko kain ng kain.


Palingon lingon kami kung saan ang 5 lalaki . At nakita namin sila na pumunta sa malapit na swimming pool. Nagswimming lang naman sila. Kumakaway kaway pa ang manliligaw ni Jacky at sumigaw " EAT ALL YOU CAN. AKO BAHALA!"



"Wow, galante pala ang manliligaw mo Jacky." Sabi ni Rizzy.



Abot tenga din ang ngiti ni Jacky.



Natapos na kaming kumain..wala parin ang mga boys. Tuloy tuloy parin silang nagsuswimming.



Hanggang..



"Girls, hindi pa ba tayo uuwi ? Mag-aalas-nuebe na." Sabi ko.



"Naku, Jacky saan na ang manliligaw mo? Sino magbabayad nito?" biglang nasabi ni Jing.



"Saan na ba ang hinayupak na 'yon? biglang nawala eh."

- Jacky



"Naku, Jacky patay tayo pagwalang magbabayad nito." Nagsimulang lumaki ang butas ng ilong ko..

My Baby cost 10 MILLION Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon