Kabanata 35

14 3 0
                                    

Written by WildestRebel

Nagkibit-balikat na lamang ako nang wala namang makitang kakaiba sa paligid.

"Saan mo ba ako dadalhin?" tanong ko kay Luke habang hinihila pababa ang kulay itim kong paldang ngayon ay hapit na hapit na.

Nakangiti niyang ikinabit sa'kin ang seatbelt. "Sa favorite place ko." Diretso na ngayon ang kanyang paningin sa dinaraanan ng sasakyan. "Alam mo naman kung saan 'yun, di'ba?" bigla siyang napangisi.

Oo, alam ko kung saan. Yung secret hideout nilang magpipinsan. Ano namang espesyal dun? Oo, tahimik at maaliwalas ang lugar. Pero sa gabi? Serial killer ba itong si Luke? O sumasamba siya sa demonyo at balak niya akong ialay dito? Hindi naman na ako tatanggapin pa ni Satanas, hindi na raw ako mapapaso 'dun kasi sobrang hot ko na rito. Charot!

"Wag kang kabahan." napalingon siya sa direksyon ko nang mapansin na ang lalim ng iniisip ko pagkatapos ay binalik na ulit ang kanyang paningin sa daan. "Magugustuhan mo 'yun." dagdag pa niya.

Binalot nang katahimikan ang paligid. Napasulyap ako ngayon kay Luke na seryosong-seryoso sa pagmamaneho. Hindi ako sanay na makita siyang ganyan, walang emosyon ang mababakas sa maamo niyang mukha tila may malalim na iniisip. Nang mapansin naman niyang nakatitig ako sa kanya ay agad siyang napangiti. "Nakatitig ka na naman." pang-aasar pa niya.

"Bakit? Si Verna lang ba ang pwedeng tumitig sa'yo?" napaismid ako ngayon sa natatawa nang si Luke. "Malansa pa naman kung tumingin ang pusit." dagdag ko pa dahilan para siya ay mapailing.

"Hanggang titig lang naman siya, Steph." Hininto niya ang sasakyan nang makarating na kami sa lugar. Kinuha niya ang kamay ko at inilagay sa dibdib niya. "Hindi naman niya ako mahahawakan nang ganito." Napangisi na naman si Mr. Hottie. Hindi ko na 'to kinakaya! Tiyak na nanggagalaiti na ngayon sa selos si Author. Hahahahaha!

Napakagat naman ako sa labi pagkatapos ay pinisil-pisil ang dibdib niya.

"Pilya!" bulong pa niya pagkatapos ay marahang tinanggal ang seatbelt ko. "Sana magustuhan mo." dagdag pa niya pagkatapos ay pinagbuksan ako nang pintuan at inalalayan ako palabas. Masyadong sweet itong si Luke, ideal boyfriend.

Pinagbuksan ka lang ng pinto, ideal boyfriend na? Shuta malandi!  -Author

Naglatag si Luke sa damuhan ng isang malaking tela na kulay puti. OMG. Diyan ba kami gagawa ng milagro? "Tara dito, Steph." sinenyasan niya ako na umupo sa tabi niya.

Agad naman akong tumabi kay Luke. "Ano ba kasi---" hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko, nanlaki ang mga mata ko sa makukulay na fireworks na sunod-sunod ang pagpapaliwanag sa kalangitan. Ang ganda. Ngayon na lamang ako ulit nakakita nang ganito.

Inakbayan ako ni Luke pagkatapos ay napatitig siya sa'kin. "Nagustuhan mo ba?" tanong niya.

Napangiti ako at halos maluha-luha na. "Oo, Mr. Hottie! Ang gandaaaaaa!" sigaw ko pa habang nakatingala pa rin sa kalangitan.

Hinawakan niya ako sa pisngi at unti-unting naglapit ang mga mukha namin sa isa't isa. Muli ko na namang naramdaman ang mainit na labi ni Luke. Natakot ako nang makita ang kislap sa mga mata niya. Alam kong gusto niya nang seryosohin ang relasyon naming dalawa. Hindi ko alam kung handa ba ako, natatakot akong baka masaktan ko lamang siya. Ang isang kagaya ni Luke Buenavidez ay hindi nararapat sa isang tulad ko.

*-*-*

Minulat ko ang aking mga mata. Nasisilaw ang aking paningin sa liwanag na pumapasok sa bintana ng mumunti kong kwarto. Oo, hinatid ako ni Luke dito kagabi at walang milagro ang nangyari. Nakakapanghinayang. Nakakapanlumo. Bakit wala?

Agad akong bumangon at napaupo sa gilid ng kama. "Paano kung makita na naman ako ng mga magulang ni Mr. Saavedra?" bulong ko sa aking nangangambang sarili. Nalalapit na raw kasi ang pagbabalik ng nanay niyang pinaglihi sa sama ng loob.

Itinaas ko ang kulay rosas kong kumot at dali-daling hinanap ang phone ko pero di ko makita.

Shuta!

Tumingin na rin ako sa ilalim ng kama, baka nahulog lang pero.. wala pa rin! Nasaan na kaya jusko may mga nude pictures pa naman ako 'dun. Joke!

Halos malaglag na ang puso ko sa kaba nang mapagtantong hawak-hawak ko lang pala 'to. Hindi ko namalayan. Dala na din siguro ng sobrang kabangagan.

Bumungad sa'kin ang picture namin ni Luke, ginawa ko kasing wallpaper e. Naalala ko tuloy yung pagpisil ko ng utong niya kagabi. Ang sarap sa pakiramdam. Hoy! Di ako manyak!

"Nagustuhan mo ba?" tanong niya kagabi nang magputukan na ang mga inihanda niyang fireworks.

Hindi ko nasabi sa kanya na mas gusto kong iba ang paputukin niya. Oops! Pero seryoso, naginhawaan ako sa napanood kong nagagagandahang fireworks kagabi. Pakiramdam ko panandaliang nawala ang mga iniisip ko at nagpapasalamat ako kay Luke dahil 'dun.

May unknown number pala na tumawag sa'kin. 30 minutes ago. Sino kaya 'to? Bagong stalker? 'Di na nakapagtataka. Ibblock ko na sana ang number nang tumawag na naman 'to. Sasagutin ko ba?

"Hello?"

"Steph?"

Pamilyar ang boses na 'yun. Hindi ako makapagsalita. Tila nanuyo ang aking lalamunan, hindi ko maintindihan.

"Steph? Are you alright?"

Ang lakas naman ng loob ng babaeng 'to na tumawag pa sa'kin. Saan naman kaya niya nakuha ang number ko? Nakakalungkot. Nakakagalit. Hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko nang mapagtanto ko kung sino ang kausap ko sa kabilang linya.

"Nakikilala mo pa ba ako, Steph?" puno ng pag-aalala ang boses niya.

Pag-aalala? Nakakatawa.

"Tiffany."

Maikli kong sagot pagkatapos ay binabaan ko na siya.

Si Tiffany Ramirez, ang dahilan ng lahat ng pinagdadaanan ko ngayon. Ang dahilan kung bakit galit na galit sa'kin ang mga magulang ko. Ang dahilan ng pagkamuhi ko.. na sukang-suka na ako sa pamilya ko. Sa 'naging' pamilya ko.

Siya lang naman ang nag-iisa kong kapatid. Nakakatawa man isipin na may kapatid pala ako.

Wala na akong pamilya ngayon, kinaya ko na wala sila noon. Hindi ko na sila kailangan ngayon.

Tumatawag na naman siya. Kaya tuluyang ko nang na-blocked ang number niya sa'kin. Maya-maya may tumatawag na naman.

Sigurado akong siya na naman 'to.

Shuta ang dami naman niyang number. Sige, ako na lang ang magpapalit ng numero. Ayoko nang magkaroon pa ng communication sa kanila.

Tama na.

Janella Salvador as Tiffany Ramirez

-----------------------------------------------------------

OMG! Ang kapal ng mukha 'nung Tiffany na tumawag pa kay Steph! Anong kaguluhan na naman ba ang hatid ng babaeng 'to? Abangaaaaaan~

Sorry ang tagal ko na namang mag-update huhuhu!

Salamat sa pagbabasa! Mwaaaa!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 12, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

He's Not My Type (On-Going)Where stories live. Discover now