Kabanata 24

28 5 0
                                    

Written by WildestRebel

Buo na ang aking desisyon na 'wag magpakita sa kanila nang magbalik na lamang sa akin ang lahat-lahat ng hinanakit ko sa aking mga magulang. Napaatras ako nang muntikan na nilang mahagip ang aking presensya mula sa pagtingin nila sa direksyon kung nasaan ako. Minabuti kong umupo at magtago sa likod ng isang lamesa na nasa tabi ko lamang.

"Anong ginagawa mo?" pagtatanong naman ng isang crew na takang-taka ang itsura. Pumares sa bilugan nitong mata at blonde na buhok ang kanyang ekspresyon.

"Nagtatago." sumenyas ako na 'wag siyang maingay kasabay ng pagtaboy ko sa kanya gamit ang aking kaliwang kamay.

"Bakit ka nagtatago?" pag-uusisa pa niya at umupo na rin sa tabi ko.

Ang shunga ni ate mo girl. Imbis na magdrama ako ngayon ay may kasama akong babaita na nakikitago na rin kahit hindi naman alam kung bakit ako nagtatago! Dahan-dahan kong sinilip ang kinaroroonan nila mama at papa. Abala sila sa pakikipag-usap sa kapwa nila mga naka-business attire rin.

Naramdaman kong kinalabit niya ako sa bandang likuran ko. "Ano?!" inis kong tanong sa naguguluhan pa rin niyang mukha.

"Bakit nga? Anong meron?" bulong pa niya.

Napabuntong-hininga na lamang ako. Ayoko talagang sabihin ang dahilan lalo na't hindi kami close? Duh?! "May mga kalaban." pagbabanta ko naman na agad nagpababa sa labi niyang nakakurba paitaas.

"Kalaban?" nanlaki lalo ang mata niya habang nagpapanic. Agad siyang sumilip sa direksyon na kanina ko pa tinitignan. Kinuha niya ang kutsilyong mahihinuha kong napakatalas.

"Shuta ka! Bitawan mo yan!" bulyaw ko at agad na inagaw ang kutsilyo mula sa nanginginig pa niyang kamay. "Ganito na lang, nakikita mo yung table na yun?" tinuro ko ang lamesa kung nasaan ang mga magulang ko. "Kunin mo na lang ang mga order nila." dagdag ko pa.

"Eh, bakit ako?" pagtutol naman niya habang pinupunasan ang butil-butil na pawis sa kanyang noo.

Tinulak ko siya at nagbantang igagaya ko siya kay Ursula kung hindi pa siya susunod. Ako talaga ang nakatoka sa lamesang 'yun pero ayoko talaga! Ayoko! Wala siyang nagawa, sumunod na lang siya sa takot na mahampas ng kaldero. Muli siyang lumingon sa'kin at ginantihan ko naman siya ng napakatamis kong ngiti. "Friends na tayo pagkatapos nito!" pangako ko naman sa kanya. Napansin ko kasi na wala masyadong kumakausap kay Rebecca, ayan ang pangalan niya sa pagpapakilala niya sa'kin kanina. Lahat ay iwas sa kanya. Mukha naman siyang mabait at uto-uto kaya bagay lang na maging kaibigan ko siya rito. Masasabi ko rin na siya ay isang modern manang, ang kapal ng salamin niya pero may kulay ang buhok. Maganda naman siya kaya lang manang talaga.

"Steph!" sigaw ni Mr. Saavedra. Mistulang nag-echo ang boses niya na agad nagpagulantang sa'kin. Busy ako sa panonood sa ginagawa ni Rebecca tapos bigla na lang susulpot 'to!

Dahan-dahan kong nilingon si Mr. Saavedra na ilang hakbang na lang pala ang layo mula sa akin. "S-sir!" ngingisi-ngisi ako habang naka-peace sign ang kamay. "Naghahanap ako ng bunot e, madumi na yung sahig." inunahan ko na siya dahil alam ko naman na ang itatanong niya.

"Bunot? E pwede ka ngang manalamin diyan ngayon, Steph!" giit pa niya habang titig na titig pa rin na tila sinusuri ang bawat galaw ko.

"Edi.. naghahanap na lang ng suklay! Kasi dito nga ako mananalamin. Ahehehe!" pagdadahilan ko pa. "Babalik na ako sa trabaho, Sir." aakmang tatayo na ako ng biglang nawalan ako ng balanse. "Ahhhhhhh!" napapikit na lang ako na akmang babagsak na sa sahig nang bigla kong maramdaman na may sumalo sa'kin.

"S-sir.." nahihiya man ay pinilit kong makatayo agad. Hindi pa rin maalis ang titig niya sa akin. May dumi ba ako sa mukha? Baka yung dumi sa sahig, napunta na sa akin. So, kailangan mukha ko na ung i-bunot? Hahahaha!

"Mag-iingat ka sa susunod." agad siyang tumalikod at naglakad na palayo. Sinundan ko lang siya ng tingin habang papalabas na ng pintuan.

"Aww!" mahinang sambit ko naman nang marahan kong sinampal ang aking sarili. "Ano bang nangyayari sayo, Steph?" bulong ko pa.

Bumalik naman ako sa ulirat nang agad na mapansin ang pagbabalik ni Rebecca sa kitchen. "Becca!" seryosong tawag ko sa kanya. "Salamat ha!" niyakap ko siya. Ayoko talaga kasing makita ng mga magulang ko. Nagpapasalamat ako dahil niligtas niya ako ngayon kahit na alam ko naman na magsasalubong din ang mga landas namin baka sa.. mga susunod na araw.

Gulat na gulat naman si Becca. "Ah.. Eh.. ayos lang yun!" agad naman siyang napangiti at yumakap din sa'kin kahit medyo naguguluhan pa.

"Girls!" sigaw ni Mr. Saavedra. "Mabuti naman Steph at hindi lang pala pakikipagbasag-ulo ang pinunta mo rito! Masaya ako at nakikipagkaibigan ka na rin." dagdag pa niya.

Mabait naman talaga ako e! Sadyang ginalit lang ako ng walangyang pusit na 'yun!

Nilingon ko ang kinaroroonan ng mga magulang ko at nakita ko silang nakangiti at nakikipagtawanan sa mga kasama nila. Lumalim ang aking paghinga at bumilis na lamang ang tibok ng puso ko. Naiinis ako. Siguro sobrang saya nila nang pinalayas nila ako sa kasalanang hindi ko naman ginawa! Pinabayaan nila ang kanilang anak na maghirap. Bakit? Wala ba silang katiting na nararamdamang pagmamahal sa'kin? Sabagay, hindi nga naman talaga ako nararapat na bigyan ng kahit kaunting pagmamahal. I don't deserve love, sabi nga ng mga taong nakasalumuha ko.. because I'm Stephanie Ramirez.

Napalingon naman ako nang maramdaman ang mahinang pagtapik sa aking balikat. "Luke." malambing kong tawag sa kanya.

"Magready ka na.. malapit na tayong umuwi." nakangiti siya habang nakahawak pa rin ang kamay sa kanang balikat ko.

Napakagat labi naman ako. "Sa bahay mo?" pagbibiro ko naman.

"Steph!" matawa-tawa siya habang binabanggit ang pangalan ko.

Muli kong nilingon ang direksyon nila mama at papa, nakatayo na sila at mukhang papaalis na.

"May problema ba, Steph?" hinila niya ako papunta sa kanila. Agad akong nagpumiglas na kinagulat naman ni Luke. "Ipapakilala sana kita sa mga magulang ko." giit pa niya.

"Magulang?" nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya. Nagulantang na lamang ako nang ituro niya ang mga ito sa mismong table kung saan naroon ang mga magulang ko. Mga magkakasosyo ata sa negosyo ang mga magulang namin. "No! Dito lang ako! Natatae ako!" nakita ko ang pagiging dismayado ni Luke sa naging reaksyon ko. Siguro iniisip niya na ayokong magpakilala kasi hindi talaga ako seryoso sa kanya. Well, oo totoo. Hindi pa nga ako seryoso sa kanya pero iba ang dahilan ko ngayon!

Halos madapa na ako sa pagmamadali papuntang banyo. Ikinulong ko ang sarili ko sa isang cubicle at nag-iiyak. Sunod-sunod ang pagpatak ng aking mga luha. Napahawak na ako sa aking dibdib habang hihikbi-hikbi.

"Ito na ang huling beses na iiyakan ko kayo!" napapikit na lamang ako at nakaramdam ng sakit sa tiyan. Mabuti na lang at nandito na ako sa banyo. Literal na ilalabas ko na ang sama ng loob ko.

-----------------------------------------------------------

Ano kaya yung kasalanan ni Steph na hindi naman daw niya kasalanan? What?! Ang gulo. Hahahaha! Abangaaaaaaaan!

Happy 800 reads! ♥

Salamat sa pagbabasa! Mwaaaa!

He's Not My Type (On-Going)Where stories live. Discover now