Kabanata 16

27 5 0
                                    

Written by WildestRebel

Halos madapa na ako sa sobrang baku-bako ng daan na 'to. Pakiramdam ko tuloy naglalakad ako sa mukha ni Xander Ford. Hindi na nga ako nakapagsalamin bago umalis ng bahay dahil na-late ako ng gising. Binasa ko na lang yung ulo ko masabing naligo lang.

"Ate, ang ganda mo naman." pagbati ng isang lalaking may mahabang baba.

Nangasim naman ako nang titigan siya.

"Ang pagkakaalam ko, wala akong kapatid na mangga kaya wag mo ako ma-ate-ate!" pagtataray ko naman.

Ramdam ko ang mga tingin na ipinupukaw sa akin. Masama bang mag-mini skirt pag papasok sa school? Ibinaba ko ang tingin ko sa kasuotan ko ngayon. Nakalimutan ko pa lang isarado ang pang-itaas na butones ng puti kong blouse.

Napabuntong-hininga na lamang ako habang nag-aantay ng masasakyan.

Hinila ko pa-ibaba ang maikli kong skirt nang makasakay na ako sa jeep. Kakulay pala nito ang kulay ng mga kuko ko. Dark red.

Anong oras na kaya? Sinilip ko ang kulay itim na relong may disenyong bulaklak na nakalagay sa kaliwang kamay ko.

3:45 A.M.

Shutaness hindi ko pala napalitan ng battery!

Ibinaling ko ang aking atensyon sa cute na estudyanteng kanina pa nakatitig sakin.

Imbis na tignan ko na lang sa phone ko kung anong oras ay biglang nangati ang pempem ko. Hindi kasi ako nakapaghugas kanina kakamadali. Hahahahaha!

"Ahm.. pwede bang malaman kung anong oras na?" pagtatanong ko sa chinitong nasa harapan ko. Kamukha niya si Mccoy ng Hashtags.

Napangiti naman siya dahilan ng lalong pagliit ng kanyang mga mata.

"7:10" maikli niyang sagot.

"Late ka na nga, lalandi ka pa." sabat ng aking konsensya.

Nagpasalamat na lang ako pagkatapos ay binigyan siya ng matipid na ngiti.

Halos tumalon na ako pababa ng jeep dahilan ng pagtaas ng palda ko nang makarating ako sa tapat ng Andres Bonifacio University. Ang lamig. Butas na naman ata yung panty na nakuha ko o nagpanty nga kaya ako? Bahala na.

"Goodmorning Sir!" bati ko naman kay Prof. Agustin, ang pinakamasungit naming professor dito. Kulay puti na ang makapal niyang buhok sa ulo pero ang itim naman ang bigote niya. Nagtitipid daw kasi siya sa tina kaya bigote lang ang iniitiman niya.

"Late ka na naman, Ms. Ramirez!' pasungit niyang sagot habang tinititigan ako mula ulo hanggang paa. "Magsuot ka naman ng disente! Nasa eskwelahan ka!" dagdag pa niya.

"Nasa school pala ako? Hindi ako na-inform." nakakainis ko namang tugon habang nakatingala.

Napabuntong hininga na lang siya. Umatras ako baka mabugahan ako ng apoy. Kitang-kita ko na ang pag-usok ng ilong niya. OMG.

"Umupo ka na nga!" pagalit niyang utos kasabay ng pag-inom niya ng tubig. "May quiz tayo ngayon." dagdag na naman niya.

Rinig na rinig ko ang hinaing ng aking mga kaklase. Bumaho tuloy ang classroom. Hindi ata nagtoothbrush ang mga 'to.

"Steph, pahingi naman ng papel." sabi ni Dexter, gwapo pero playboy kong kaklase. "Papel sa buhay mo." hirit pa niya.

"AYIIIIIIIIIIIIE!" naghiyawan ang buong klase. Kitang-kita ko ang bulok na bagang ni Emily sa bigla niyang pagsigaw.

"May pambili kang condom pero papel, wala?" pagtataray ko habang pumipilas sa aking yellow pad paper.

Muli na namang nagtawanan ang buong klase.

As usual, highest na naman ako. Favorite ko kasi ang history. Hindi ko kasi basta-basta nakakalimutan ang nakaraan. Naks! Nakakuha ako ng 1/10. Lahat kasi sila zero ang nakuha. Ang bobo nila noh?

Nakasimangot na lumabas ng classroom si Mr. Agustin. Hindi ata siya masaya sa naging resulta ng quiz.

Nakapagtatakang hindi pumasok ang mga susunod sanang prof. Nawalan daw ng gasolina sa bandang EDSA yung isa samantalang yung isa naman ay nawalan naman ng kotse sa parehas ding lugar.

Nag-S.O.S at P.A.N.T.S. na lang kami ng mga kaklase ko para hindi masyadong mabagot.

"KRIIIIIIIIIIIING!!" narinig na namin ang bell na nangangahulugang.. UWIAN NA!

Umalingasaw ang amoy ng pulbo sa paligid. Ready na makipagbakbakan ang mga kaklase kong malalandi. Walang papel pero may pulbo. Walang ballpen pero may lipstick. Yan tayo e!

Naglagay ako ng konting lipstick bago lumabas sa classroom. Papunta na ako sa restaurant ni Mr. Saavedra!

"Goodluck, Steph." bulong ko sa sarili ko habang tinatahak ang kahabaan ng hallway.

-----------------------------------------------------------

Hi guys! Thank you sa patuloy niyo pa ring pagsuporta sa "He's Not My Type (HNMT)" may mga nag add pa sa kanilang nga reading lists! Ang saya-saya!

Keep on voting!

Mwaaaaa!

He's Not My Type (On-Going)On viuen les histories. Descobreix ara