Kabanata 11

34 6 3
                                    

Written by WildestRebel

9:25 P.M.

"Oras na para lumandi!" sigaw ko na mistulang makikipagsagupaan sa PNR.

Naalala ko kasi noon, sasakay akong maganda sa tren tapos bababa rin akong maganda. Duh?!

Pero amoy mandirigma.

"Hi babe. SOP tayo." isesend ko na sana nang magbago ang isip ko.

"Hi Mr. Hottie! Nakakamiss yung ngiti mo." nagbago na naman ang isip ko kaya muli ko na naman itong binura.

"Pwede bang pahawak ulit ng matigas mong dibdib?" umiling-iling ako habang binubura ang masagwa kong mensahe.

"Kulang yung kinain ko kanina. Nagugutom pa ako.. parang gusto kitang kainin." baka naman isipin niya cannibal ako.

*delete delete delete*

Mga 30 minutes rin akong nag-isip ng isang pamatay na banat. Sigurado akong mapapasakin siya sa sasabihin kong 'to.
.
.
.
.
.
"Hi ;)" dali-dali kong pinindot ang send.

Shutaness. Sa "Hi" lang pala babagsak. Nagsunog pa ako ng braincells!

"Paano nangyari yun? Wala ka namang brain?" pag-iintriga ng hinayupak kong konsensya.

Napabuntong-hininga na lamang ako.

Message not sent

What???

Nanlaki ang mga mata ko sa nabasa ko. Muntikan pa akong lumabas na naka-panty lang. Alam niyo naman diba natutulog akong nakapanty minsan nga wala e. Hahahaha!

Dali-dali akong tumakbo papunta sa tindahan para magpaload.

"Ate. 15 pesos sa Smart." sabi ko sa tinderang masasabi kong pinaglihi sa pagong pero mukha namang matsing.

Kanina ko pa sinabi kung anong number ko pero ang shugal ni atiii magload. Kaloka!

"Ate, mag-transform ka na. Bilis!" utos ko naman.

"Huh?! (Huuuuuuh..) " mabagal niyang tanong.

"NINJA TURTLES TEH!" imberna ko namang sagot.

"Okaaaaay. Wait." pagsang-ayon niya.

Miyembro 'ata talaga ng Ninja Turtles ang gaga.

"Lagyan mo na ako ng load!" pagsabat ko sa pag-iipon niya ng chakra.

"Tapos na!" sabi niya naman habang nakapikit pa.

G na G.

Umalis na ako. Hindi ko na tuloy nasaksihan ang pagbabagong anyo ng itinakdang pagong.

Nakangiti kong kinuha ang cellphone ko at agad-agad ni-resend ang text ko kanina.

Naramdaman ko na nag vibrate ang phone ko.

"Si Jollibaby ba 'to? :)" reply niya.

Nakornihan ako na kinilig sa Jollibaby. Gusto ko tuloy dumede kay McDODO.

"Uhm. Oo. ;)" matipid ko namang sagot.

"Btw, I'm Luke. :)" dagdag niya.

"I'm Steph but you can call me your Jollibaby." paglalandi ko naman.

"Can you be my Mcdodo so that I can Dodo you?" pero agad ko itong binura.

Ano daw?

"Hahaha! Libre ka ba bukas? :)"

Alam ko na kung saan mapupunta 'to. Makikita ko na ang abs ni Luke. Sherep.

"Oo naman. Basta dun sa lugar na mag-eenjoy tayo ha?" tinodo ko na ang paglalandi.

"Sure. Itetext kita bukas kung saan. I love you, Jollibaby." anya.

Kinilig ako ng very very light.

Pero parang ang bilis. Author, magdahan-dahan ka naman. Napaghahalataang bet mo si Mr. Hottie!

(Oo. Kaya akin na lang siya, Steph. Parang awa mo na. -Author)

"I love you too, Luke." reply ko naman.

Message not sent.

MESSAGE NOT SENT.

na naman?

Shuta di ko pala na-unli.

Kinain pa ng smart yung natitirang load. Nangutang kasi ako 'nun for emergency.

Kung babalik pa ako sa labas para sa load baka makatulog na si Luke sa sobrang bagal ni Ateng Pagong.

Pero malay ninyo nakapag-transform na pala siya at naging Ninja Turtle, ang itinakdang pagong na magpapabagsak kay Supremo.

Imagine. Ninja Turtle na naka-bra. Only in the Philippines.

"Kailangan maganda ka bukas, Steph." bulong ko sa sarili habang nag-uunat na sa higaan.

Maligo na kaya ako? Excited much. HAHAHAHA!

Pinikit ko na ang mga mata ko.

Pero bakit nakikita ko si Mr. Saavedra na nagsasayaw ng Spaghetti?

Marahil naiisip ko siya kasi nga magkikita na kami sa Lunes. Ano naman kung magkikita na naman kami? Wala namang espesyal tungkol sa kanya.

Pinilit ko na lamang isipin na pinag-aagawan ako ni Mr. Hottie at Dr. Higop. Kanino nga ba ako sasama? Ang hirap mamili.

Sana mapaginipan ko sila na naka-brief lang. Yung butas ha.

"Goodnight, Steph." sambit ko habang ipinipikit na ulit ang mga mata.

-----------------------------------------------------------

Ano kayang mangyayari sa date nila Steph at Luke? Abangaaaaan. Hahahaha!

Maraming salamat sa patuloy na pagbabasa!

Vote and Comment na lang hihihi!

Mwaaa!

He's Not My Type (On-Going)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora