Kabanata 10

49 6 0
                                    

Written by WildestRebel

Steph's POV

Nakita ko kanina si Mr. Saavedra, yung may-ari ng restaurant na papasok sa clinic ni Dr. Higop. Bakit kaya siya nandun? Baka magpapa-medical kasi balak mag-apply sa iba? Imposible. Eh baka dahil masakit ang pantog niya. Malay ninyo hindi siya umiihi. Engkanto lang? Yayks!

Nagmamaganda na naman ako ngayon dito sa Jollibee. Dahil sa Jollibee? Bida ang.. Malandi! Chos! HAHAHA!

"Can I have.." english kunwari rich kid.. sabay titig sa mga mata ng hot na crew..

"you." dagdag ko pa.

Shocks! Ang gwapo ng ngiti niya. Ang ganda ng ngipin. Walang tartar. Kumakain ata ng toothbrush.

"Oo naman." anya sabay kindat.

"ANO BANG GINAGAWA NIYO DIYAN! GUTOM NA KAMI RITO OH!" sigaw ng isang babaeng boses lumot habang papadyak-padyak na mistulang nagdadabog.

"Itigil mo yan. Lumilindol." bulong ko naman.

Hinanap ko kung saan nanggaling ang kakaibang boses.

Tumingin ako sa baba. Akala ko kasi nasa ilalim ng lupa.

Tapos sa likod..

Shuta! Ang haba na ng pila!

"1 pc. Spicy Chickenjoy with large fries, yung strawberry flavored. Pa-upgrade sa strawberry float yung drink." sunod-sunod kong order habang nakangiti pa rin. Talent ko yun. Talent ng malalandi.

Pagkatapos ay iniabot na niya sakin ang order ko. Napansin kong may numerong nakalagay sa tissue. Yieeeeeee! Number ni Mr. Hottie. Pagkatapos kong kainin 'tong inorder ko, ikaw naman ang kakainin ko. Rawr!

"HAY SALAMAT NATAPOS RIN!" sigaw na naman ni Manang Lumot.

Inirapan ko lang siya kasabay ng mahinang pag-utot. Mamatay ka sa utot kong silent but deadly.

"PUTA! ANG BAHO!" sigaw niya na rinig na rinig ko kahit medyo malayo na mula sa babaita.

Hays.

Ano kayang lasa nitong strawberry fries?

Isa lang ang masasabi ko. Eng sherep ng strawberry float. HAHAHAHA!

Seryoso. Mesherep din naman pero mas mesherep pa rin ako. Duh?!

Pagkatapos kong kumain. Nilagay ko sa bag ang tissue na may number ni Mr. Hottie.

"Aalis ka na? Mamimiss kita."

Tumingala ako para tignan kung sino ang nagsalita.

Ang gwapo talaga niya lalo na kapag nakangiti. Hawig siya ni Enzo Pineda. Pansin na pansin ang jawline niya at ang bango ng hininga niya. Amoy strawberry. What?

"Edi dito na lang ako. Hiring ba kayo dito ngayon?" pagbibiro ko naman.

"Saan mo ba balak mag-apply? Dito o sa puso ko?" nakangiti naman niyang tanong.

Pabiro ko siyang hinampas sa may bandang dibdib. Sinadya ko talaga yun. Hehehehehe!

Ang tigas bes. Siguro marami rin siyang abs. Yummy.

"Ingatan mo yung sarili mo o iingatan kita?" paghirit pa niya habang nagpapaalam na.

Iingatan kita.

Wait. Nauutot ako.

Tulala pa rin ako habang nag-aantay ng masasakyan pauwi.

"Ate, baka pwede naman pong makahingi ng pangkain?" pagmamakaawa ng isang batang pulubi.

Nginitian ko siya at isinama sa tindahan ng streetfoods.

"Sige. Pumili ka na diyan, ako na bahalang magbayad." Sabi ko naman sa kanya habang hinahanap ang wallet sa bag.

"Maraming salamat, Ate!" nakangiti siya habang pumipili ng kakainin.

Ang sarap talaga sa pakiramdam na makatulong sa kapwa.

Nagpaalam na ako sa kanya at sumakay na sa jeep. Kakaunti lamang ang pasahero. Tatlong lalaking naka-itim na jacket.

Maya-maya..

"HOL---" anya ng isang lalaki.

"Para po!" pagputol ko sa sasabihin niya.

"DAP..." dagdag pa niya.

Mabuti na lang at nakarating na ako sa bababaan ko bago pa sila magdeklara ng holdap.

Wala pa naman sakin ang bato. Hindi ako magiging si.. DARNA!

Nilingon ko sila at nakitang sabay-sabay nagkakamot ng ulo.

Bumagsak naman ako sa kama, pagpasok ko sa bahay. Oh diba, yung kwarto ko nasa baba. Yung salas, nasa taas. Wala kayong pake.

"Mr. Hottie.." bulong ko sa hangin.

Hinanap ko kaagad ang tissue na nailagay ko sa bag. Pagkatapos ay agad-agad inilagay sa cellphone ang number na nakasulat.

"Contact Saved"

-----------------------------------------------------------

Bet ko si Mr. Hottie para kay Steph. HAHAHAHA!

Sino ba mas bet nyo? Mr. Saavedra? Dr. Higop? o Mr. Hottie? I-comment na yan!

Keep on voting!

Thank you! :)

He's Not My Type (On-Going)Onde histórias criam vida. Descubra agora