Kabanata 34

22 4 0
                                    

Written by WildestRebel

Ilang araw nang ganito. Ganito na halos lahat sila ay ilag lumapit sa'kin. Tanging sina Becca at Luke lang talaga ang masasabi kong nagmamalasakit.. natural kasi ang pakikitungo nila at walang bahid ng kaplastikan. Simula 'nung araw na iyon, araw kung saan hinusgahan ako ng mga taong hindi naman talaga ako lubusang kilala.. At dahil 'dun.. napagtanto kong kailangan kong maging matatag.

I believe.. sarili ko lang din naman ang nakakakilala kung ano ang tunay na ako.. ako lang ang nakakaalam na ako si.. DARNA! Charot. May gawin ka man o wala, may masasabi pa rin naman sila sa'yo kaya dapat ay magpakatotoo na lang tayo sa ating mga sarili dahil hindi naman mahalaga ang sasabihin pa ng iba basta ba sa ikasasaya ng ating mga puso. And I....  THANK YOU! (Sige author, manuod ka pa ng Ms. Q & A sa It's Showtime)

"Steph, sama ka sa'kin mamaya?" pag-anyaya ni Luke na kanina pa pala nandito sa tabi ko. Hindi ko namalayan sa lalim ba naman ng iniisip ko.

Napangiti ako pagkatapos ay pinagmasdan ang maamo niyang mukha. "Saan ba?" tanong ko naman.

Tinitigan din niya ako. Mas naging kapansin-pansin ang mga mata ni Luke na nabagayan ng mahahaba nitong pilikmata. Ang gwapo. Parang hindi totoong tao. Gusto ko nang seryosohin ang lalaking 'to. "Basta. Mag-eenjoy ka." giit pa niya.

Nagkibit-balikat na lamang ako at agad na tumango. Hindi ko na lalayuan si Luke, gusto ko na lagi siyang nasa tabi ko. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang nararamdaman ko para sa kanya pero.. wala namang masama kung bibigyan ko siya ng chance? Baka maglevel-up pa ang relasyong namamagitan sa'ming dalawa.

Pakiramdam ko naman, seryoso siya sa nararamdaman niya at sa mga pinapakita niya sa'kin. Paano kung masaktan ako kapag minahal ko siya?

Hindi mo masasabing nagmamahal ka na kung hindi ka naman nasasaktan.

Pinagmasdan ko si Luke na busy na ngayon sa pagluluto. Ang haba pala ng mga daliri niya.. mukhang mapapakinabangan ko ang mga 'to. Ooops. Agad kong nasampal ang aking bibig sa kadumihang ng utak ko.

"Baka matunaw na si Luke niyan, huh?!" nagparinig na naman si Verna, ang pusit na may sungay. Nakatingin ito sa gawi ni Luke na ngayon ay pawis na pawis na.

Napaismid ako habang titinga-tingala. "Didilaan ko siya para lalo siyang matunaw." nanlaki ang mga mata ni Verna sa narinig, hindi siya makapaniwala sa kabastusan ng aking bibig.

Ngayon naman ay diretso siyang nakatitig sa'king mga mata habang magkasalubong ang dalawang kilay. "Bitch!" nanginginig pa ang kanyang panga. Konti na lang ay lalabasan na ito ng usok sa ilong.

"Whatever" sagot ko naman sa kanya pagkatapos ay tinalikuran ang nanggagalaiting pusit. Napalingon ako sa likod ko. Hinihintay ko na hilain niya ako sa braso, kagaya ng lagi niyang ginagawa. Na-gets niya naman ang nais kong mangyari. Napapadyak-padyak ito sa inis pagkatapos ay padabog na lumabas ng kitchen.

Ayoko naman talagang makipag-away o gumawa ng eksena pero kung ako ang sinimulan mo, hindi kita uurungan.

Umagaw ng pansin ko si Becca na palinga-linga sa paligid. Parang may masama itong gagawin. Ayun nga, maya-maya ay kumuha siya ng isang slice ng keso at mabilis niyang kinain ito. Napasapo naman ako sa noo nang masaksihan ang pagiging patay gutom ni Becca. Pinaglihi yata 'to sa daga. Yung tatanga-tangang daga.

Lumapit ako sa kanya na agad ikinagulat ng ekspresyon niya. "Becca." bulong ko sa kanya.

"Wala akong ginagawang masama." tinaas pa niya ang dalawang kamay.

Umiling-iling naman ako. "Wag mo nang uulitin 'yun, wag kang kukuha ng kapirasong keso." Tumango-tango naman siya bilang pagsang-ayon. "Sa susunod, isang buo na ang kunin mo." dagdag ko pa dahilan para mapahalakhak kaming dalawa.

"Pero seryoso, masama 'yun." pinandilatan ko na siya ng mata para matakot naman siya kahit papaano.

Nagkibit-balikat na lang si Becca. "Sige. Sinabi mo e."

"Ahem."

Ayokong lumingon. Alam ko naman kung kaninong boses 'yun.

"Good afternoon, Sir." pagbati ni Becca. Kinalabit pa niya ako at pilit na inihaharap kay Mr. Saavedra.

Dahan-dahan kong hinarap si Sir habang nakayuko. "Good afternoon po." inisip ko na hindi dapat ako mahiya dahil lang sa iniisip niya. Hindi ko kailangan ng opinyon ng kung sinu-sinong wala naman talagang alam sa pagkatao ko. Inangat ko ang ulo ko sa direksyon niya at napatitig sa mga mata niyang hindi makatingin sa'kin ng diretso.

Napaiwas naman siya ng tingin sa gawi namin ni Becca. "Madaming customers, asikasuhin ninyo muna." utos pa niya pagkatapos ay nagtungo na kay Luke para kausapin ito. Hindi ko alam kung anong pinag-uusapan nila at wala na akong pakialam kung ano pa man 'yun. Baka nagtatanong lang ng lyrics ng Despacito. Napapatingin pa si Luke sa direksyon ko kaya hindi maiwasan na isipin ko na ako yung pinag-uusapan nila. Baka gusto nila akong pasayawin ng Despacito? Arrgh! Bahala na! Spaghetti lang ang alam ko.

Napabuntong-hininga na lang ako. Iniisip ko baka naman sinasabi ni Mr. Saavedra yung paratang niya sa'kin. Nakakahiya naman kay Luke, baka isipin niya totoo pagkatapos ay layuan niya ako.

*-*-*-*

Magsasara na ang resto. Busy kami ngayon sa paglilinis at pag-aayos ng mga gamit. Sana gamit na lang 'yung pagkatao ni Verna para pwedeng ayusin. Panay ang sulyap niya kay Luke habang naglalampaso sa sahig. Hayyyy Verna, tigilan mo na ang pag-iilusyon na mapapasayo si Luke dahil akin na siya. Duh?!

"Steph, saglit na lang 'to. Aalis na rin tayo." kinindatan pa ako ni Luke. Excited na ako kung ano pa yan. Go!

Siniko naman ako ni Becca. "Uyy ano yan?! Pwede ba akong sumama?"

Inirapan ko siya at binigyan ng Hindi-Kami-Nagsasama-Ng-Daga look.

"Tara na Steph?" hinawakan ni Luke ang kamay ko pagkatapos ay hinila niya ako palabas ng resto. Kapwa kami hingal na hingal sa pagtakbo nang marating namin ang parking lot.

Pakiramdam ko may mga matang nakatingin sa'min. Lumakas ang kalabog ng aking dibdib at nagsitaasan ang aking balahibo.

Balahibo saan?

(Ano 'to author? Bakit nagiging horror?)

*-*-*-*

Ano ba, Steph? Multo lang 'yun. Wag kang matakot. Charr!

Guys! Pasensya na natagalan na naman ang pag-update. Hahaha!

Salamat sa pagbabasa! Vote na rin yayy! Mwaaa!

He's Not My Type (On-Going)Where stories live. Discover now