Kabanata 33

14 3 0
                                    

Written by WildestRebel

Steph's POV

Tila tumatusok sa'king balat ang talim ng mga tingin na binibigay ng mga kapwa ko empleyado nang makapasok na kami ni Mr. Saavedra sa loob ng resto. Lalung-lalo na si Verna na pwede nang panghiwa ng bakal yung titig, shuta akala mo naman kinaganda.

"STEPH!!!" sinalubong ako ni Luke ng isang mahigpit na yakap na ikinagulat naman ni Mr. Saavedra. Ako yung niyakap, siya yung nagulat. Ano Sir, balat mo 'to?

Niyakap ko rin nang mahigpit si Luke dahilan para sumimangot at mag-walk out si Verna. "Mr. Hottie ko.." bulong ko naman sa tainga niya habang yakap-yakap pa rin siya.

"Ahem." ani Mr. Saavedra.

Agad naman kaming kumalas sa pagkakayakap at sabay na napatingin sa gawi niya. "Pasensya na, Sir." giit ko habang napapakamot sa ulo. Nahawa na yata ako kay Becca.

Ipinasok niya ang kanyang mga kamay sa bulsa ng kanyang slacks pagkatapos ay napabuntong-hininga. "Luke, iwan mo muna kami ni Steph. May kailangan pa kaming pag-usapan." nagkibit-balikat na lang si Luke pagkatapos ay nagtungo na sa kitchen.

Hinila ako ni Mr. Saavedra sa isang sulok ng resto, dito sa may mga supplies ng kung anu-ano. Medyo tahimik rito kaya makakapag-usap kami nang maayos. Agad siyang napatingin sa kamay niyang nakahawak pa rin sa mga kamay ko. Napansin kong bahagya siyang namula nang bitawan niya ito. May kung anong kuryente rin akong naramdaman sa pagdikit ng aming mga balat kaya nang bitawan niya ito ay nakahinga ako nang maluwag.

"Steph." pagsisimula pa niya. Hindi siya makatitig sa mga mata ko. Ano bang problema nito? "Gusto ko lang sabihin sayo na.." bumilis yung tibok ng puso ko, hindi ko alam kung bakit pero..

"Kailangan mong magseryoso sa trabaho." napaismid naman ako dahilan para bumalik sa pagiging seryoso ang mukha niya.

"Seryoso naman ako, Sir! Nagkasakit pa nga ako sa dami ba namang plato yung nahugasan ko." giit ko.

Napatawa naman siya pagkatapos ay umiling-iling. "Hindi yun, Steph.."

Hindi ko na siya pinatapos. "Di na kami mag-aaway dito ni Verna, dun na lang kami sa may kanto kung sakali."

Nakapameywang na siya dahilan para takpan ko ang bibig ko sa kakasalita. "Hindi pwede ang naglalandian dito, Steph. Pag trabaho, trabaho. Alam kong malandi ka kaya sinasabi ko 'to sayo."

Aray. Walang preno naman yung pagkakasabi ni Mr. Saavedra na malandi ako. Oo na! Malandi na!

"So.. bawal ko na landiin si Luke, Sir?" tanong ko naman habang ngumunguso pa.

Tinitigan niya ako sa mga mata. "Ayokong saktan mo ang dalawang taong mahalaga sa'kin. Si kuya at si Luke, parehas mong binibilog ang mga ulo nila!" square ba ang ulo nila para bilugin ko?

"Ano bang gusto mo, Steph?" galit na galit na ang mukha niya. Pakiramdam ko nanliliit ako ngayon. "Pera? Pera lang ang habol mo sa kanila kasi alam mo na mayaman kami. Tama ba?" pagkatapos 'nun ay binalot ng katahimikan ang paligid. Hindi ako makapagsalita..

Pakiramdam ko may tumutusok-tusok sa puso ko..

Malandi ako pero hindi ako mukhang pera..

He's Not My Type (On-Going)Where stories live. Discover now