Kabanata 15

43 5 2
                                    

Written by WildestRebel

Steph's POV

Hindi na naman ako makatulog. Marami kasing mga katanungan ang bumabagabag sa utak ko.

Baka may utak? alam ko na ang sasabihin mo, konsensya.. kaya shut up na lang. Tsupi!

Una sa lahat, nagtataka ako kung bakit pare-parehas kaming naka-kulay blue nila Luke at Mr. Saavedra. May ibig bang sabihin yun?

"Lahat na lang binibigyan ng kahulugan. Ano ka? Feng Shui expert? Feng Shuitaness." Sabat ng aking konsensya.

Pangalawa, kung mayaman nga ang pamilya ni Luke.. bakit pa niya kailangang magtiis na magtrabaho bilang crew?

Ang misteryoso nga naman niya talaga. Parang may nakatago sa magaganda niyang ngiti. Sure akong hindi tartar yun, kasi wala siya nun. Duh?!

Pangatlo, ano kayang sasabihin ni Mr. Hottie ko kay Mr. Saavedra. Narinig ko kasing pupuntahan siya nito sa resto.

"Baka naman pag-uusapan lang nila ang lyrics ng Spaghetti." pagpapagaan ko naman sa mga iniisip ko.

Napabuntong hininga na lamang ako sa mga walang kwenta kong kasagutan sa wala rin namang kwentang mga katanungan.

10:52 P.M.

Sinulyupan ko ang orasang may disenyong Hello Kitty. Nakuha ko ito sa exchange gift na naganap noong Christmas Party namin last year. Sabi ko na kung sino mang nakabunot sakin, kahit ano basta Garfield. Yung prof pala namin ang nakabunot sakin, wala daw siyang makitang Garfield kaya si Hello Kitty na lang tutal parehas naman silang pusa. Kaloka!

Napapikit na lamang ako at ibunuka ang dalawa kong hita para pahanginan ang aking pempem.

Kailangan ko na matulog. Ang aga ng pasok ko sa school bukas. Alas-Siete ng umaga hanggang Alas-Dos ng hapon pagkatapos ay diretso na ako sa restaurant para magtrabaho hanggang Alas-Diez ng gabi.

Hindi na bago sakin ang mabuhay na halos walang pahinga. Halos limang taon na rin naman akong kumakayod para sa sarili ko. Wala na akong inaasahan. "Mag-isa" na lamang ako.

Napatulala na lamang ako sa agiw na nakasabit sa isang sulok ng aking kwarto. Minsan, iniisip ko na mas okay na maging gagamba na lamang.

.. kasi kahit kailan hindi pa hinusgahan ang isang gagamba.

Patulo na ang luha ko nang mapagtanto kong ubos na nga pala ang tissue.

"Oops. Wala na." bulong ko sa sarili na dahilan kung bakit kusang bumalik sa mga mata ko ang luhang nagbabadya na sanang pumatak.

Ang dami kong talent, diba?

Naramdaman kong nag-vibrate ang phone ko.

"Goodnight, Jollibaby! <3 " napangiti naman ako sa message na nabasa ko.

Naalala ko tuloy ang lambot ng kamay niya. Hinawakan niya na lang kasi bigla yung kamay ko kanina pagkatapos ay bigla siyang bumulong..

"Tara, Steph." hinila niya ako sa may gilid ng bangin.

Nagpanic ako. Nanginig ang aking kalamnan. Akala ko tatalon kami nang biglang sinabi niya, "Picturan mo ako dito, Steph. Gagawin ko lang profile picture."

Shutaness overload. Buwis buhay, ilang likes kaya ang makukuha ng famewhore na 'to.

Hindi pa rin ako makatulog kaya minabuti ko na lang na tignan ang facebook ko.

200 new friend request

100 unread messages

450 notifications

Wala pang isang araw 'nung huli kong buksan ang account ko pero ganito na agad ang tumambad sa akin. Sanay naman na ako. Kapag maganda talaga, ganito e. Chos!

Tinignan ko ang mga nagfriend request.

Luke Buenavidez

OMG. MR. HOTTIE?

Yung picture nga sa gilid ng bangin ang una kong napansin pagkatapos ay pinindot ko ito para i-view ang profile niya.

Shocks! Puro labas utong mga picture niya at may abs nga. Nagdownload ako ng isa at ginawa ko itong wallpaper.

Nag-scroll ako sa timeline niya at nakita ko ang sandamukal na babaeng walang tulog kung lumandi. Katulad ko. HAHAHAHA!

10K likes  1.1K comments  500 shares

Nanlaki ang mata ko nang makita ang profile picture niya na kakaupload niya lang 30 minutes ago.

Famous.

Pinindot ko na ang "Confirm". Download muna ng picture niya bago confirm. Edi wow! Hihihihi!

"Goodnight, Luke ;)" muntik ko na makalimutang magreply. Itinabi ko na ang phone ko pagkatapos.

"Lord, kayo na po bahala sa akin bukas." bulong ko. Maya-maya nga ay dinalaw na ako ng antok.

-----------------------------------------------------------

Goodluck Steph! Pagbutihin mo ang paglalandi mo bukas!

Maraming Salamat sa patuloy na pagbabasa! Yayyy! 410 reads na. Ang saya-saya!

Keep on voting!

Mwaaaa!

He's Not My Type (On-Going)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant