Kabanata 28

23 5 2
                                    

Written by WildestRebel

Rated SPG
(Shuta ka! Sige ituloy mo.. sumbong kita sa nanay mo! Hahaha!)

*-*-*

Pagkapasok pa lang namin sa bahay ay agad kong siniil ng halik ang mga labi ni Luke. Isinabit ko ang mga braso ko paikot sa batok niya at ang mga kamay naman niya ay nakapulupot sa aking baywang. Marahas niya akong isinandal sa pader habang patuloy pa rin sa paghalik sa'kin.

Ramdam ko ang tigas ng kanyang dibdib na mas lalong nagpainit sa nararamdaman ko ngayon. Ang init ng kanyang labi na wala yatang balak tumigil.. amoy mint ang kanyang hininga na nakakapagpagana naman sa'kin para makipaglaban sa pakikipaghalikan.. maya't maya naman ang pagkagat niya sa ibabang parte ng aking labi..

"I want you, Steph.." agad akong nanigas sa kinatatayuan ko nang maramdaman ko ang init ng kanyang hininga sa aking tainga. Napaliyad naman ako nang maramdaman ko na bumababa ang halik niya mula sa aking pisngi papunta sa leeg. Ang mga kiliting dulot ng pagdikit ng kanyang labi sa aking balat ay nagbibigay sa'kin ng hindi maipaliwanag na sensasyon.

Gusto ko si Luke.

Gusto ko ang ginagawa niya sa'kin ngayon..

Napaungol ako nang maramdaman na bumababa ang kanyang mga kamay.. huminto ito sa bilugan kong pwet.. pagkatapos ay marahan niya itong pinisil-pisil.. nang magsawa ang mga kamay niya dito ay ipinasok niya ang mga ito sa loob ng aking blouse.. hinanap niya ang hook ng aking bra at mabilis niya naman itong natanggal.

Mukhang mali ang pagkakakilala ko kay Luke..

Parehas lang siguro kami..

Siguro hindi rin siya seryoso sa'kin..

Hindi ko namalayan na napahinto na pala ang aking labi.. masyado na kasing malalim ang mga iniisip ko. Dapat na mag-enjoy lang ako. Sanay naman na ako sa ganito.

Sa ganito lang.

Hinila ko si Luke at agad ko siyang tinulak sa kama dahilan upang siya ay mapangisi. "Luke.." hinubad ko ang suot niyang black shirt.. pagkatapos ay marahan kong kinapa ang kanyang abs.. mas lalo siyang napaungol nang umpisahan ko nang dilaan ang kanyang dibdib pababa sa may pusod.

"Tama nga ako! Mukhang sanay na sanay ka na nga, Steph!" nakapikit siya habang pinapakiradaman ang paglalaro ko sa kanyang katawan.

Napahinto ako nang akmang tatanggalin ko na ang kanyang sinturon. Nanliit ako. Oo, hindi na bago sa'kin ang pakikipagtalik pero nakaramdam ako ng kirot sa puso ko nang marinig ko ito mula sa kanya mismo.

Hindi ko maintindihan kung ano bang problema. Dapat hindi ako naaapektuhan pero bakit ganito..

Unti-unti niyang idinilat ang kanyang mga mata.. Agad siyang napayuko nang makita niya ang di maipaliwanag na ekspresyon sa aking mukha. Umalis ako sa pagkakaibabaw ko mula sa kanya at umayos ako ng pagkakaupo sa tabi niya.

"I'm sorry.. Steph.. hindi ko intensyon na.." napatakip siya sa kanyang mukha gamit ang dalawa niyang palad habang iiling-iling.

Ginulo ko naman ang kanyang buhok pagkatapos ay natawa.. "Shhhh.. ayos lang 'yun, Mr. Hottie." pagputol ko naman sa gusto pa niyang sabihin.

Nagulat ako nang muli niyang isuot ang kanyang shirt pagkatapos ay paulit-ulit na siyang nag-sorry. Ngumiti na lang ako bilang tugon at hinawakan ko ang kanyang mga kamay. "Sorry din, Luke."

"Ihatid na kita bukas sa school?" hindi siya makatingin sa'kin ng diretso at mukhang hindi siya mapakali.

Napangiti naman ako. "Wag na, Luke. Ayokong abalahin ka pa."

Ginulo-gulo niya pa ang kanyang buhok na mistulang inis na inis sa nagawa niya. "Magpahinga ka na, Steph.." pagkatapos ay hinalikan niya ako sa aking noo dahilan para mapanguso ako.. sa kilig! "Kita na lang tayo bukas." dagdag pa niya.

Agad siyang nagtungo sa may pintuan at muli niya akong nilingon.. nginitian pa niya ako bago siya umalis.

Ano bang ginawa ko..

Nagmukha tuloy akong pa-virgin..

Ang tanga-tanga ko! Nahinto pa kung kailan malapit na! Whoooo!

*-*-*

Nagising na lang ako na parang ang bigat ng pakiramdam ko. Hindi ko maiangat ang mga braso ko.. ngayon ko na nararamdaman ang sakit na dulot ng pagbubuhat ng mabibigat na pinggan. Hindi naman sa maarte.. nanibago lang siguro ang katawan ko sa bigat ng naging trabaho ko kahapon.

Nanghihina ako.. at nanlalabo rin ang aking paningin. Bukod sa napagod ako sa restaurant kahapon.. naulanan rin ako pagkalabas ko sa school.. pero sandali lang naman. Sa pagtawid lang ako nabasa, naiwan ko kasi yung payong ko dito sa bahay.

Tapos yung kaldero.. lagi kong dala! Kaloka!

Sinubukan kong tumayo pero agad din naman akong bumagsak sa kama. Mukhang hindi talaga ako makakapasok sa restaurant ngayong araw. Nakakahiya na rin namang humabol pa sa klase. Alas-diez na ng umaga. Duh?! Napahawak ako sa aking noo.. ang init ko pa..

"Ang malas ko talaga!" bulong ko sa sarili ko pagkatapos ay binalot ko na naman ng kulay puting kumot ang aking katawan.

Bigla ko na namang naalala ang nangyari kagabi. Kainis. Sayang talaga. Hahahaha! Next time hindi na ako magpapabebe. Gusto ko rin namang matikman si Luke. Gaaaaaaad!

Pinilit ko na namang tumayo. Kailangan kong makakain para lumakas-lakas naman ako kahit papaano. Halos matumba ako habang naglalakad papunta sa kusina. Tila umiikot ang aking paningin dahilan upang mapasandal muna ako sa pader.

"Shuta." yan na lang ang tanging nasabi ko habang hinihilot-hilot ang ulo ko sa sobrang sakit.

Pakiramdam ko matutumba na naman ako..

Dahan-dahan akong nagtungo sa kusina.. pinilit kong makakain para makainom na kaagad ng gamot. Hinang-hina akong nagbalik sa kwarto ko. Niyakap ko na lang ang aking teddy bear. Bata pa lang ako, ito na ang lagi kong kasama. Hindi ko ata kakayanin na mabuhay ng wala 'to sa tabi ko.

"Snow.. huwag mo ako iiwan ha.." Snow ang pinangalan ko rito dahil sa kulay nito. Okay.. nagdadrama na naman ako kaya napagdesisyunan kong manood na lang ng TV para naman malibang kaya agad akong tumayo para hanapin ang remote. Naka-ilang hakbang pa lang ako nang makaramdam na naman ako ng pagkahilo...

-----------------------------------------------------------

Oops. Nabitin ba kayo kina Luke at Steph? HAHAHAHA! Bahala kayo jan! Bleeeeeh! Wala masyadong kalog moments e. Next chapter na lang siguro? *wink wink*

Salamat sa inyong pagbabasa. Keep on voting! Mwaaaaa!

He's Not My Type (On-Going)Where stories live. Discover now