Kabanata 12

24 6 3
                                    

Written by WildestRebel

Boom Panes Boom Boom Panes Panes (repeat 3x)
Boom Panes Boom Boom Panes Boom!

Nagising na lang ako sa lakas ng ringtone ko. Nakalimutan ko palang magtoothbrush kagabi kaya tuloy pati laway ko amoy Boom Panes.

Mr Hottie is calling..

Nagtoothbrush muna ako bago sagutin ang tawag baka kasi sa ospital na kami magdate mamaya kung matutuluyan siya dahil sa hininga ko.

"As if namang maamoy niya yan." pagsabat na naman ng aking konsensya.

Wala kang pake.

"Goodmorning Luke." bati ko naman na medyo garalgal pa ang boses.

"Goodmorning! Nagising ko ba ang Jollibaby ko?" malambing naman niyang tanong.

"Hindi. Hindi ako natulog Luke." tugon ko.

Natawa naman siya sa sagot ko. Ang sarap pakinggan ng tawa niya. Dalhin ko kaya siya sa comedy bar? hihihihi!

"Ibigay mo sakin ang address mo. Sunduin kita mamaya." nakakakilig naman ang boses nito.

Baka naman akyat bahay 'to? Ibibigay ko ba ang address ko? Kinabahan ako sa mga pinag-iisip ko.

Huminga ako ng malalim habang nakatirik ang mga mata.

Ibibigay ko ba?

Syempre! Malandi ako e. HAHAHA!

"Itetext ko na lang sayo, Luke." sagot ko naman.

"Alright. Pupunta ako diyan. 10:30." Paninigurado naman niya.

"Okay, Mr. Hottie. See you later!" kinikilig-kilig naman ako habang nagpapaalam.

"I love you, Jollibaby."

Pwede ko din namang sabihin na mahal ko rin siya kahit hindi pa naman, diba? Yan ang problema ngayon sa mga tao, sinasabing mahal ka niya kahit hindi naman pala.

"I love you too, Luke."

Mahal ko na ba siya? Infatuation lang siguro 'to.

Agad-agad akong nagtext kay Mr. Hottie para ibigay ang address ko. Hindi naman siguro siya miyembro ng akyat bahay gang. Ang alam ko lang, balak niyang nakawin ang puso ko.

9:30 A.M.

May isang oras pa para mag-ayos. Nangitim ang maputing tiles ng banyo sa dami ng libag na natanggal sa katawan ko. Kaya pala sinasabi ng mga kapitbahay na marumi akong babae. Ngayon.. alam ko na kung bakit.

Minadali ko pa ang pag-aayos sa sarili ko. Ano kayang isusuot ko? Binuksan ko ang aking pinakamamahal na cabinet.

Hinila ko ang isang simpleng dress na kulay blue. Sleeveless ito pero mukhang elegante. Sinuot ko rin ang paborito kong silver neclace at sapatos.

Inumpisahan ko na ring ayusin ang aking mukha. Kumuha ako ng martilyo at pako. Chos! Hahahaha! Konting foundation lang at red lipstick. Pak na pak na!

Napansin kong may nalaglag sa ibaba ng cabinet ko. Nahulog siguro ito 'nung kinuha ko yung dress.

Family Picture.

Sinipa ko na lang ito papasok sa ilalim ng cabinet. Wala naman na akong pamilya. Kinalimutan ko na sila simula nang iniwan nila ako.

Nanginig ang ekspresyon ng mukha ko habang pinipigilan ang pagpatak ng luha.

*BEEP BEEP BEEP*

Naks! May dalang kotse si Mr. Hottie.

Agad akong sumilip sa bintana. Nakita ko si Luke na may dalang busina. Shuta! Busina lang pala ang bitbit ng gago.

Natawa na lang ako at dali-daling lumabas ng bahay.

"Mr. Hottie!" masigla ko namang bati sa kanya.

"Jollibaby!" sigaw niya habang nakangiti.

"Ang lakas ng trip mo! Bakit may dala kang busina?" pagtataka ko naman.

"Tumakbo kasi ako e baka may ma-hit and run." pagbibiro naman niya.

Napahalakhak naman ako na hindi binubuksan ang bibig. Paano yun? Ewan ko rin.

Binigyan niya ako ng mala-anghel na ngiti. Shocks. Ang gwapo niya talaga.

Kinukurot ang puso ko sa tuwing nakikita ko ang maganda niyang ngiti. Napapaisip ako kung ito nga ba ay totoo.

"Pinapatawa lang kita, Steph. Tara dun sa kotse ko." dagdag pa niya.

Napabuntong-hininga naman ako sa mga naisip ko at agad na tumango.

Ang ganda ng kotse niya. Mamahalin. Bakit pa niya kailangang maging crew kung mayaman naman pala siya?

Tinitigan ko ang mamahaling sasakyan na nasa harapan ko ngayon. Niyakap ito ng kulay itim na kulay, mukhang elegante. Kung hindi ako nagkakamali.. isa itong Bugatti Veyron. Bakit ko alam? Hinulaan ko lang, bakit ba?

Pinagbuksan ako ni Luke ng pinto habang inaalalayan ako papasok sa kotse niya. Kinindatan niya ako habang tumatakbo papunta sa kabila.

Napailing na lang ako sa dami ng katanungang pumapasok sa isipan ko. Iniisip ko kung anong size ng paa niya sana malaki para ano. ahem?

Bumalik na lamang ako sa ulirat nang maramdaman ko ang pagdampi ng kamay ni Luke sa kabilang braso ko. Napatitig ako sa labi niya.. at sa kabuuan ng mukha niya.

"Ayan. Ayos na." pagngiti niya habang sinisigurado niyang maayos ang pagkakalagay niya ng seatbelt sakin.

Binigyan ko naman siya ng matipid na ngiti. Nanigas ako sa kinauupuan ko habang natitig pa rin sa kanya.

"Salamat, Mr. Hottie." bulong ko sa kanya.

"Dadalhin kita sa lugar na kung saan mag-eenjoy tayong dalawa." pilyong sabi niya.

Nanigas ang utong ko sa narinig ko.

Yayyy! Mukhang magugustuhan ko ang mga susunod na mangyayari. Hihihihi.

-----------------------------------------------------------
Saan kaya dadalhin ni Mr. Hottie ang malanding si Steph? Hmmm!

Nakakainggit naman si Steph, sana ako rin! HAHAHAHA! I love you, Luke!

Keep on voting guys! I-follow niyo na rin ako. I-follow ng walis tambo or sinturon?

Maraming salamat! Mwaaaa!

He's Not My Type (On-Going)Where stories live. Discover now