Kabanata 3

93 6 5
                                    

Written by WildestRebel

Andrew's POV

"Mr. Saavedra, nakuha ko na po ang background information ni Ms. Stephanie Ramirez." Anya ng aking sekretarya habang pupungay-pungay ang mga mata.

"Saan mo naman nakuha ito. Relevant ba ang source mo?" Nagtataka ko namang sagot.

"Sa Facebook, Sir. May mga experience na pala siya!" proud niyang sabi sabay abot ng mga papeles sa kamay ko.

Inikot ko ang aking paningin para hanapin ang basurahan. Mas gusto kong itapon 'tong boba kong sekretarya kaysa sa mga basurang hawak ko ngayon.

"Works at The Krusty Krab. Kasalukuyan pala siyang nagttrabaho 'dun. Parang nadaanan ko yun sa kanto banda sa amin." Tuloy-tuloy niyang pahayag habang nanlalaki pa ang mga mata.

"Kaya pala ang lansa ng amoy mo, galing ka pa lang Bikini Bottom." inis kong tugon.

"Sir, nagtrabaho din siya sa Edi Sa Puso Mo. Alam mo ba Sir kung saan yun?" dugtong pa niya.

"Nandun yun sa labas. Lumabas ka na sa opisina ko at baka ako pa ang kumaladkad sayo!" habang nag-uunat na aakmang kakaladkarin siya.

"Sige sir. Babalik din ako agad. Hahanapin ko lang sa google map kung saan 'yun!" malandi niyang sagot habang tumatakbo palabas ng pinto.

Napailing na lang ako sa kabobohan ng aking sekretarya. Napagkamalan ko lang naman siyang matalino sa kapal ng kanyang salamin kaya 'yun tinanggap ko agad. Biruin mo ang kapal ng antipara pero peke lang pala. Singkwenta lang daw iyon sa Carriedo.

Muli kong binaling ang aking atensyon sa mga basurang hawak ko. Napatitig ako sa mukha ni Ms. Ramirez na na-iprint ng bobita kong sekretarya sa isang buong short bond paper. Marahil ito nga ang profile picture niya. Naka-jeje cap ito at may nakasulat na Boszxh Maldituh 2012 haaay mukhang inedit pa sa pizzup. Hindi siguro nakita ni Bobita na 2012 pa active ang account na 'to.

"Sayang ang ink." bulong ko sa sarili ko habang akmang itatapon na ang mga papeles.

Ewan ko ba kung anong pumasok sa utak ko dahil kinuha ko ang picture at itinago sa ibabang parte ng aking mamahaling drawer.

Spaghetting pababa.. pababa nang pababa..

Paulit-ulit na tumatakbo sa utak ko ang linyang ng kantang iyon. This can't be happening! Bakit?

Una, Solid kapamilya ako. Hindi dahil galit ako sa GMA kundi dahil Channel 2 lang ang hagip ng signal namin noon sa probinsya.

Pangalawa, instant pancit canton lang ang afford namin noon kaya mas gusto ko 'yun kaysa sa lasa ng spaghetti.

Pangatlo, binasted ako ni Rochelle Pangilinan 'nung high school.

"Mr. Saavedra." pagputol ni Ms. Janeth Asuncion, ang bobita kong sekretarya sa mga naiisip ko tungkol sa spaghetti.

"Yes?" inis kong tanong.

"Hindi ko mahanap yung Edi Sa Puso Mo." malungkot niyang sagot.

"Umuwi ka na baka nasa kanto ninyo lang yun. Hanapin mo!" sarkastiko kong utos habang minamasahe ang kilay ko sa pagkakakunot nito.

"Eh.. Sir. 4:59 palang. Wala pang alas singko." sabay talikod at labas ng pinto.

Gigil talaga ako ng babaeng 'yun! Pinatay ko na si Janeth este ang mga ilaw sa opisina habang napapakanta sa Spaghetti ng Sexbomb.

5:01 pm

Wala na nga si Janeth. On-time talaga siyang umalis sa opisina. Bigla ko na namang naalala si Ms. Ramirez. Mukhang isang boba na naman ang naidagdag ko sa mga empleyado. Maganda naman siya at sexy pero hindi pwede. Hindi ko siya pwedeng magustuhan dahil kapamilya siya at ako'y kapuso. Ang lalim!

-----------------------------------------------------------

Puro kengkoy pala yung mga nailagay kong character. Hmmmm! Makaisip nga ng iba HAHAHAHA!

Mukhang dahil kay Steph ay mapapalitan na ang instant pancit canton sa puso ni Andrew. Eh anong papalit? Si Steph mismo o ang Spaghetti? Abangaaaaaaan.

Comment naman kayo diyan!

HAHAHAHAHA!

He's Not My Type (On-Going)Where stories live. Discover now