Kabanata 31

21 5 0
                                    

Written by WildestRebel

Steph's POV

"Quiet! Shhhhhh! Maupo kayo!" pagsaway ni Prof. Agustin kina Julian at Gelo, ang mga kaklase kong pinaglihi yata sa taong may almuranas. Paano ba naman kasi hindi matahimik sa kinauupuan akala mo sasakit yung pwet tuwing uupo. Kaloka! Mag-iisang linggo na nang mawalan ako ng trabaho. Pinagkakasya ko na lang 'tong mga naipon ko at suma-sideline ako sa pagbebenta ng ano.. wag kayong mag-isip ng masama. Duh?! Nagbebenta lang naman ako ng mga ballpen at papel. Dito rin sa klase namin, burara kasi yung mga kaklase ko.. araw-araw nawawalan ng ballpen kaya bumibili din sila sa'kin everyday. Ang hindi nila alam, ako lang din yung kumukuha ng mga ballpen nila. Charot!

Bagot na bagot akong nakatingin sa direksyon ng aming pinakamamahal na professor. Tuloy-tuloy pa rin siya sa pagsasalita kahit alam mong kumakalam na ang kanyang sikmura.. "Our heroes are the fried.. este pride of our.." siguro pagkatapos ng klase ay didiretso ito sa canteen para bumili ng fried heroes este noodles na madalas niyang bilhin tuwing naaabutan ko nga siyang nagtatanghalian. Nilibot ko ang aking paningin at kitang-kita ko ang mga kaklase kong may mga laway at muta pa. Shuta college na, dugyot pa rin.

"Goodbye everyone." pagpaalam ni Prof. Whaaaat? Tapos na ang klase parang wala naman akong na-absorb sa mga pinagsasabi niya. Yung 'fried' lang yung natandaan ko. Sana lang talaga lumabas 'yun sa exam. "Goodbye, Mr. Agustin." sabay-sabay na pagpapaalam naman ng klase.

Muling bumalik sa loob ng classroom si Sir. "Ms. Ramirez, someone is looking for you." nakangiti siya habang kinakaway ang kamay niya na tila sinasabing bilisan-mo-na-diyan. Nauna pang sumilip ang mga kaklase ko at sabay-sabay silang naghiyawan. "Ayieeeeeeee!" tinulak ko ang mga kaklase kong babae paalis sa pintuan. Pulang-pula ang mga mukha nila na akala mo tinadyakan ng sampung kabayo. "Ang gwapo naman niyan, Steph!" dagdag pa ni Eva, ang sumusunod sa yapak ko pagdating sa kalandian. Unti-unti kong inangat ang paningin ko para makita ang lalaking naka-slacks at kulay white na polo.

"Mr. Saavedra?!!"

Nagulantang talaga ako nang makita si Sir. Nilingon ko pa ang mga kaklase ko na naghugis puso na ang mga mata. "Tsupi!" pagtaboy ko sa kanila dahilan upang mapakamot sa batok si Mr. Saavedra.

"Ahem." ayan na siya tumitikhim na naman. "Ms. Ramirez, hindi na kita tatanggalin sa trabaho pero promise me na pagbubutihin mo pa lalo para wala nang masabi pa sila mom. Okay?" hindi siya makatingin sa'kin ng diretso. Ano bang nakain nito? Dahil sa awa? Kinumbinse ba siya ni Luke? Nakonsensya ba siya? Bahala na! Basta ang mahalaga magkakatrabaho na naman ako.

Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko. Napatalon ako at napayakap kay Mr. Saavedra. "Maraming salamat, Sir!" hindi ko naman talaga intensyon na lumandi. Walang ibig sabihin 'to. Masyado lang akong natuwa! Dahan-dahan akong bumitaw nang mapansin na hindi gumagalaw si Sir. "Ah.. Eh! Nadala lang Sir!" giit ko pagkatapos ay itinaas ang dalawang daliri para mag-peace sign.

Inayos niya ang kanyang polo. Medyo nagusot. Sorry naman! "Sige Steph, kita na lang tayo mamaya." ngumiti siya na agad nakapagpalambot sa mga tuhod ko.

Gutom na siguro ako.

Nang makaalis si Mr. Saavedra ay agad akong pinalibutan ng mga chismosa kong kaklase.

"Steph, boyfriend mo na ba yun? Kung hindi pa, ipakilala mo naman ako."

"Sino yun Steph? Mukhang bigtime!"

"Ang gwapooooooooo!"

Inirapan ko na lang sila pagkatapos ay bumalik na sa upuan ko.

"Damot mo, Steph!" sigaw pa 'nung isa pagkatapos ay bumalik na rin sila sa kinauupuan nila dahil paparating na ang susunod naming prof.

Lumipas ang ilang oras at lutang pa rin ang utak ko. Iniisip ko kung bakit biglang nagbago na lamang ang desisyon ni Mr. Saavedra. Pinaglalaban ba niya ako sa nanay niya?

Napangiti naman ako sa naisip dahilan para kotongan ko ang aking sarili nang magising sa katotohanan na hindi ako gusto ni Mr. Saavedra. Well, the feeling is mutual. Duh?!

"Iniisip niya yung cute na guy na pumunta rito kanina." bulyaw ni Eva tapos ay sinundan na ito ng sunod-sunod na tawanan mula sa aking mga kaklase. Nakisali na rin si Ma'am Flores sa pang-aalaska. "Steph, wag mo na muna siyang isipin." at muli na naman silang nagtawanan.

Shuta naman nakakahiya! Huhuhuhu! "Hindi ko iniisip kung ipinaglalaban nga ba niya ako sa nanay niya, noh!" sigaw ko pa dahilan para lalong mag-ingay ang buong klase. Agad akong napatakip sa aking pahamak na bibig. Shit.

"Mahal ka 'nun Steph." dagdag pa ni Ma'am Flores habang nagpipigil ng tawa. Okay, uwi na ako. Ayoko na!

Hindi na nakapagklase ng maayos si Ma'am. Bumaho kasi ang classroom sa sunod-sunod na paghalakhak ng mga kaklase kong walang toothbrush. "Class dismissed." napabuntong-hininga naman ako. Sana absent yung susunod na prof, nagugutom na ako. Alam kong hindi ako magandang ehemplo, maganda lang ako. Agree?

"Wala daw si Mr. Manalaysay! Uwian na!" sabay-sabay na nag-ayos ang mga kaklase ko. Maaga pa. Kakain na muna ako ng lunch bago pumasok sa trabaho.

"Ang saya-saya ni Steph ohh! Mapupuntahan niya na kasi agad si kuyang gwapooo!" sigaw na naman ni Eva.

Bakit pa kasi pumunta dito ayan tuloy naaasar ako ng buong klase. Bakit ba ako naaasar? Kasi hindi ko type si Mr. Saavedra? Siguro nga.

-----------------------------------------------------------

Yehey! Binalik ni Mr. Saavedra si Steph! Bakit kaya? Hahahaha!

Salamat sa pagbabasa at pagboto! Mwaaaaa!

He's Not My Type (On-Going)Where stories live. Discover now