Kabanata 13

25 6 0
                                    

Written by WildestRebel

Binaling ko na lamang ang aking atensyon sa mga nadadaanan naming mga puno at sa magagandang bulaklak.

Hindi na ako pamilyar sa lugar na 'to. Saan niya kaya ako dadalhin? damuhan lang ba ang afford niya? Shutaness pero keri na rin.

Nag-unat ako habang pinapakiramdaman ang lambot ng kinauupuan ko nang mapansin kong tinitignan niya ako.

"Baka mabangga tayo niyan?" pagbasag ko sa katahimikan.

Alam kong malandi ako pero ayokong mamatay dahil sa kaharutan.

"Nag-iingat naman ako lalo ngayong kasama kita. Diba sinabi ko sayo na iingatan kita." nakangiti siya habang diretso pa rin ang tingin sa dinaraanan namin.

Nangati ang kili-kili ko sa mga sinabi niya. May tumutubo atang buhok ng kalandian.

"Sige.. ingatan mo ako.. gawin mo na lahat ng gusto mong gawin sakin, Luke.." pang-aakit ko naman.

Natawa naman siya sa mga sinabi ko kaya nagkaroon ako ng chance na masilip ang tonsils niya.

Ang gwapo rin pala ng tonsils niya, may mukha.

"Nandito na tayo." lumabas siya ng kotse at pinagbuksan ako ng pinto pagkatapos ay may kinuha rin siyang mga ka-ek-ekan sa likod.

At last. Nakasinghot rin ako ng sariwang hangin. Kanina pa ako nauutot. Hindi na siguro maaamoy ni Luke ang utot kong silent but deadly.

Nangisay ako sa damuhan nang maamoy ko ang sarili kong utot. Mas okay na 'to kaysa si Luke ang makaamoy, isinakripsyo ko na ang sarili kong buhay.

"What happened, Steph?" nag-aalalang tanong ni Mr. Hottie.

"Nadulas lang ako Luke, nakaapak 'ata ako ng palaka." nangingiwi ko namang sagot.

Tinulungan niya naman ako sa pagtayo dahilan ng pagkakalapit pa namin lalo. Ang lagkit ng mga titig niya. Habang hawak-hawak pa rin niya ang magkabilang braso ko, ramdam ko ang lalim ng kanyang paghinga.

Unti-unti nang nagkakalapit ang aming mga labi.. nang biglang..

"ACHING!" napatalikod ako bigla sa aking pagbahing. Shuta ka Luke, naligo ka ba?

Napatawa naman siya at napakamot ng ulo sa nangyari.

"Mr. Hottie, tulungan na kita." sabi ko habang kinukuha ang mga pagkain sa likod ng sasakyan.

"Thanks, Jollibaby." sagot naman niya habang inaayos ang paglalagyan ng mga pagkain.

Hindi naman niya sinabi na may picnic palang magaganap. Edi sana bumili ako ng pianono sa tindahan ni Aling Tinay para matikman niya ang pinagmamalaki ng aming barangay.

Hotdogs, egg sandwich, fried chicken, fried rice, potato chips, chocolate cake and softdrinks ang mga nakalatag ngayon sa aking harapan.

Iba pa rin talaga kapag simple lang ang date at ang lakas talaga ng dating ng lalaking ma-effort.

Sinubo ko ang hotdog ni Luke este hotdog. Pagkatapos ay dinakot ko naman ang ano.. fried chicken. Sunod-sunod ang pagkain ko nang mapansin kong nakatitig lang sakin si Mr. Hottie. Siguro na-turn off na siya sa lakas kong kumain.

"Luke, kainin mo na ako ayy kumain ka na dali. Hahaha!" pagbibiro ko naman.

Napatawa naman siya sa pagiging pilya ko. Kumuha siya ng chocolate cake pagkatapos ay tumabi sa akin.

"Say ahhh" He said while opening his mouth.

Sinusubuan niya ako. Pero Luke, iba ang gusto kong isubo.

"Ginagawa mo naman akong baby, Luke." sabi ko naman habang pinupunasan ang labi ko sa kumalat na tsokolate.

"Bakit? Ikaw naman ang Jollibaby ko e." pangungulit niya habang nakatitig sakin.

Nagtawanan kami habang naglalandian.. nang biglang..

"Luke!"

Napalingon kaming dalawa kung saan nagmula ang boses na aming narinig.

"Andrew!" Sigaw naman niya habang winawagayway ang kamay sa hangin.

Nanlaki naman ang mga mata ko nang makita si.. Mr. Saavedra. Anong ginagawa niya rito? Bakit sila magkakilala?

Lumapit si Mr. Saavedra at halatang nagulat rin nang makita ako.

"Ms. Ramirez?" nagtataka niyang tanong.

"Magkakilala na pala kayo ni Andrew. Pinsan ko yan and he is also my bestfriend." sabi naman ni Luke habang tinatapik ang balikat ni Mr. Saavedra.

"Oo, Luke. Magsisimula na akong magtrabaho sa restaurant niya." nagtataka ko namang sagot.

What? Magpinsan sila?

"Kami-kami lang ang nakakaalam ng lugar na 'to. Madalas namin itong puntahan tuwing masaya o may problema." dagdag naman ni Luke.

Dismayado ang mukha ni Mr. Saavedra. Siguro ayaw niya na may ibang taong makaalam ng lugar na ito.

"Luke, mukhang nakakaabala ako sa date ninyo?" sabi niya habang nakatitig sakin.

Ano na namang problema mo sakin? Galit ata kasi hindi inalok ng pagkain.

"Kain ka, Mr. Saavedra." nakangiti ko namang pag-anyaya.

"Hindi na. Thank you. Nagmamadali rin naman ako. Actually, kanina pa ako nandito kaya I have to go dahil may meeting pa ako." pagtanggi naman niya.

"Oh sige bro. Mag-iingat ka! Puntahan na lang kita mamaya. May sasabihin ako sayo." nakangiti si Luke habang nagpapaalam kay Mr. Saavedra.

"Kayo rin, bro!" binigyan niya kami ng matipid na ngiti at nagtungo na sa kanyang sasakyan. Hindi namin ito napansin kasi medyo malayo ito sa pinagbabaan namin.

Ang hindi ko lang maintindihan e parang di ako mapakali kaninang nandito siya. Baka dahil magiging boss ko siya at naiilang lang ako. Baka?

"Steph." narinig ko ang boses ni Luke na nakapagbalik sakin sa ulirat. Marahil kanina pa ako nakatulala sa direksyon ni Mr. Saavedra.

Nginitian niya ako habang nakatitig sa aking mga mata.. wait.. naa-aching na naman ako. Shuta di ata talaga naligo. Huhuhuhuhu!

-----------------------------------------------------------

Whaaaaat? Pinsan ni Mr. Saavedra si Mr. Hottie.

Ano na kaya ang mga susunod na mangyayari? May mangyayari ba? Ewan ko rin. Hahahahaha! Abangaaaaan!

Salamat sa pagbabasa at pagboto!

Mwaaaaaaa!

He's Not My Type (On-Going)Where stories live. Discover now