Kabanata 21

30 5 0
                                    

Written by WildestRebel

Steph's POV

Naramdaman ko ulit sa pangalawang pagkakataon ang labi ni Dr. Higop.

HINALIKAN NIYA NA NAMAN AKO.

SA HARAP NG MARAMING TAO.

OMG.

ENG SHEREP.

Inuntog ko na lamang ang ulo ko sa pader para matigil na ang pag-iisip tungkol sa nangyari kanina.

"Shuta ang sakit." bulong ko naman habang hinihimas ang ulo kong nagkabukol yata.

"Steph." agad kong nilingon si Luke.

Blangko ang ekspresyon ng mukha nito na agad nagpakabog sa aking dibdib.

Hindi ako makagalaw. Paatras na ako nang paatras hanggang sa nakalapat na ang likod ko sa matigas na pader.

May malambot na pader ba?

Isang dangkal na lang ang pagitan namin sa isa't isa nang agad niyang isinandal ang dalawang kamay niya sa pader. Luke, ang hot mo lalo kapag ganyan ka. Mukhang agresibo. Nanigas naman ako sa kinatatayuan ko.

Wag naman sana akong mautot.

"L-Luke.." mautal-utal ako nang banggitin ang pangalan niya.

Hinawakan niya ang labi ko.. tila pinupunasan niya ito.

"Ayan. Wala na yung halik ni Andrei sayo." bulong pa niya sa tainga ko na agad nagpatayo sa aking balahibo.

Balahibo saan?

"Mas masarap ako humalik sa kanya." dagdag pa niya.

Jusko Mr. Hottie, di ko na kinakaya mga pinagsasabi mo!

Nanlaki na lamang ang mga mata ko nang maramdaman ang labi ni Luke. Agad ko rin namang sinuklian ang mga halik niya. Kasi malandi ako. Bakit ba?

Hingal na hingal kami at parehas na naghahabol ng hininga.

"Who's the better kisser, Steph?" nakangiti pa niyang tanong sa'kin.

Napakagat-labi na lang ako. Ang sarap kasing humalik ni Luke. Shuta! Isa pa. Sige na? hihihihi!

"Ahem."

Naku!

Si Mr. Saavedra!

"Steph, nandito ka para magtrabaho, hindi para makipaglandian. Hindi ito bar na pwede kang makipagharutan kahit saan." matigas na sabi niya sa akin. "At ikaw rin, Luke." dagdag pa niya pagkatapos ay napatitig naman kay Mr. Hottie.

Nakakuyom ang dalawa niyang kamao.

Nakakatakot siyang magalit.

"P-pasensya na s-sir.." mautal-utal ako. Hindi ako makatitig sa kanya ng diretso.

Napabuntong-hininga na lamang siya. "Balik sa trabaho!"

Nakayuko akong naglakad palabas ng kitchen..

"Ouch!" sigaw ko nang mabangga ko ang isang kulay libag na taong.. pader.

Nakapameywang siya at bakas sa kanyang chakang mukha ang matinding galit.

"Galit ka na niyan?" pang-aasar ko sa kanya habang nakataas ang dalawang kilay. Di ako marunong ng isa lang e.

Nag-inhale ang gaga after five minutes pa siya nag-exhale. Shuta hingal na hingal tuloy siya.

He's Not My Type (On-Going)Where stories live. Discover now