Kabanata 14

34 6 0
                                    

Written by WildestRebel

Andrew's POV

Mukhang may magpapakalasing na naman at iiyak sa harapan ko pagkalipas ng isang buwan. Nagkamali na naman ng piniling babae si Luke. Ang daming matinong babae diyan, si Ms. Ramirez pa talaga? Kung ako ang tatanungin, wala namang espesyal sa babaeng yun.

"Mr. Saavedra, kanina ka pa po nakatulala? Naghihintay po ba kayo ng butiki?" pagbasag naman ni Janeth, ang bobita kong sekretarya.

"Oo, kanina pa kita hinihintay." sarkastiko ko namang sagot.

Nakangisi siya sa sinabi ko. Lalo tuloy siyang nagmukhang butiki.

Ibinigay niya sakin ang isang black folder na may bakat pa ng kanyang lipstick.

"Sir, nandiyan na po lahat ng kailangan ninyo." pagtukoy niya sa laman ng folder.

"Siguraduhin mo lang na tama lahat ng ito. Isang buwan na sweldo mo ang ikakaltas ko sa dami ng ink na sinasayang mo!" inis kong tugon kasabay ng isang malalim na paghinga.

Hihikain ata ako kay Janeth.

"Anong kabaliwan 'to? Hinalikan mo ba 'to?" tanong ko na tumutukoy sa bakat ng pulang lipstick.

Kitang-kita sa pagmumukha niya ang kawalangyaan.

"Naupuan ko yan kanina sir, regla ata yan. Tumagos." sagot naman niya habang nakangisi.

Binato ko ang folder sa pagmumukha niya pero nanatili pa rin siyang nakangisi. Nakakatakot na siya. Baka hindi na siya si Janeth at may masamang espiritu na ang sumanib sa kanya.

Palapit na siya nang palapit sa akin. Halos maihi na ako sa salawal este naka-slacks ako huy.

"WAAAAA!!" panggugulat naman niya.

"AHHHHHH!" Napasigaw ako sa takot at sa baho ng hininga niya kaya itinulak ko siya palabas ng pintuan.

Kitang-kita ko pa rin magmula dito sa loob ng opisina ko ang presensya niya sa labas.

BINUKSAN NA NAMAN NIYA ANG PINTUAN!

I NEED AN EXORCIST!

Ang lalim ng tingin niya sakin habang nakangisi pa rin. Hindi maipaliwanag ang itsura niya basta parang butiking natatae.

"Sir, napunasan ko na po yung folder." sabay abot na naman niya ng folder sakin.

"Bumili ka muna ng napkin mo sa labas pagkatapos ay magsimba ka!" utos ko naman sa kanya habang tinutulak siya ulit palabas.

Napabuntong-hininga na lamang ako sa mga hindi maipaliwanag na pangyayari.

Jumbo Hotdog kaya mo ba 'to? Kaya mo ba 'to? Kaya mo ba 'to? Jumbo Hotdog kaya mo ba 'to? Hindi kami bato para magpatalo.. Jumbo Hotdog kaya mo ba 'to?

Napalingon na lang ako sa lamesa kung saan nakalagay ang cellphone ko. Wala kayong pake sa ringtone ko.

Tumatawag si Luke.

"Hello bro!" bati ko naman.

"Hello Bro, naihatid ko na si Steph pauwi. Punta ako diyan sa restaurant mo." excited naman niyang sabi.

Ano naman kayang sasabihin nito?

"Sige bro! See you!" pagpapaalam ko naman.

"Alright!" sagot niya at pagkatapos ay ibinaba ko na ang phone.

Paikot-ikot ako sa loob ng opisina habang nag-iisip kung anong katarantaduhan ang sasabihin ni Luke sakin.

Maya-maya..

Nahilo na ako. Kaya naupo muna ako sa upuan. Malamang.

Unti-unting nagbukas ang pintuan. Hinanda ko na ang rosaryo ko. Pangontra kung si Janeth man ito.

"Bro!" Nakangiting bati ni Luke.

Nakahinga ako ng maluwag nang makita si Luke.

"Bro! Ano ba yang mahalagang sasabihin mo?" tanong ko sa kanya habang sumisenyas na umupo muna siya.

"Kung pwede sana.." napataas ang kilay ko sa sasabihin niya. "dito rin ako magtrabaho." dagdag pa niya.

Napahalakhak naman ako sa sinabi niya.

"Kasi dito magttrabaho si Steph? Ganun ba?" napakibit balikat na lang ako.

"Oo bro!" nakangiti naman niyang sabi habang nagmamakaawa.

"Bakit kasi hindi ka na lang bumalik at humingi ng tawad sa mga magulang mo?" paghirit ko pa.

Mayaman sina Luke. Marami silang business dito at sa labas ng Pilipinas. Malalaking kompanya rin ang pagmamay-ari nila. May ginawang kalokohan kasi itong si Luke kaya sa sobrang galit ng dad niya, pinalayas siya sa kanila kasabay ng pagputol ng ATM at credit cards niya.

"Ayoko." pagmamatigas niya.

Napakamot na lamang ako sa ulo sa sagot niya.

"Sige bro. Bahala ka!" nakangiti ko namang sabi sa kanya.

Wala naman akong magagawa!

"Salamat Andrew!" kasabay ng pagtapik niya sa balikat ko.

"See you tomorrow!" masayang-masaya ang tono ng boses niya.

Mukhang tinamaan na nga talaga kay Ms. Ramirez! Kumaway naman ako habang papalabas na siya sa opisina ko.

Nakapagsimba na kaya si Janeth? Ayokong lumabas baka makita ko na lang siyang nakasabit sa kisame. Espiritu pala ng butiki ang sumapi. Yayks!

----------------------------------------------------------

Mukhang magiging masaya ang unang araw ni Steph sa trabaho ha? Makakasama niya kasi si Mr. Hottie ko. Aww!

Salamat sa pagsubaybay sa walang kwentang kwento na ito guyss! Mahal ko na talaga kayo. Mwaa!

Keep on voting!

love love love

He's Not My Type (On-Going)Where stories live. Discover now