Kabanata 2

75 6 0
                                    

Written by: WildestRebel

Ayaw nang pumatak ng mga luha ko. Marahil kasalanan ito ni Xander Ford pero ano kayang brand ng BB cream ang gamit niya at hindi pa rin mawala-wala ang baku-bako sa mukha niya.

"Ms. Ramirez, mag-isip ka kasi ng something na nakakaiyak para tuloy-tuloy ang pag-arte." pang-aasar ni Mr. Saavedra habang mabagal na pinapalakpak ang dalawang palad.

"Masyado bang obvious na nag-iinarte lang ako, Sir? Edi hindi pala ako papasa sa audition niyan... oops..." paghinto ko sa pahamak kong bibig.

Pinikit ko ang aking mga mata para ipakita sa kanya ang mahaba kong pilikmata. Hindi. Ang totoo niyan nag-iipon talaga ako ng chakra dahil magka-Kage Bunshin technique x2 x2 x2 ako.

"Sir, kailangan ko talaga ng trabaho." nakita ko ang kislap sa kanyang mga mata pagkatapos kong banggitin ang pangangailangan ko.

Bakit kaya umilaw ang mata ni boss baka naman siya si Cyclops.

"Oh sya. Sige na. Tanggap ka na. Bibigyan kita ng isang linggo para magpakitang gilas. Kapag hindi ko nagustugan, magpasensyahan na lang tayo. Tatanggalin kita, Ms. Ramirez." Seryoso niyang pahayag habang nakakunot ang noo.

Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa at pinatugtog ang "Spaghetti" ng Sexbomb. Madalas ko itong sayawin noong nasa elementarya pa lamang ako.

Spaghetting pababa pababa nang pababa..

Humataw ako ng bonggang-bongga kasabay ng kanta.

"Ms. Ramirez, anong ginagawa mo?" natatawang sabi ni Mr. Saavedra.

"Nagsasayaw po." bobo ko namang sagot.

"Ibang pagpapakitang gilas ang nais kong makita sayo. Para kang bulateng nilagyan ng asin, itigil mo na 'yan!" pa-irita niyang sinabi.

"Eto naman. Pinapatawa lang kita, Sir." sagot ko naman habang inaayos ang sarili ko sa pagkakaupo.

Matagal niya akong tinitigan. Parang nalulunod na ako sa tagal nang kanyang pagkakatitig.

Bumilis ang tibok ng puso ko.

Dahil naka-sampung basong kape ako bago pumunta dito kaya siguro magha-hyperventilate na ako ngayon. O baka dahil sa.. Hindi! Hindi ko siya type ha!

"Salamat.. Salamat Ms. Ramirez. Maaari ka nang umalis. Ibibigay ng sekretarya ko ang mga requirements mo at kung kailan ka magsisimula. Goodluck!" sabay iwas nang pagkakatitig.

"Salamat din po!" habang kinukuha ang bag at akma nang tatayo sa kinauupuan.

"Wag mo na ulit sasayawin yun. Kapamilya kasi ako. Muntikan na kitang hindi tanggapin." Huling hirit pa niya.

Natawa na lang ako sa sinabi niya at kumaway na bago umalis.

Nandito ako ngayon sa bakery ni Aling Tinay. Nagmumuni-muni habang nilalantakan ang kapirasong pianono.

"Ang weird naman ng magiging boss ko. Pero cute naman siya! Kaso di siya yung pangkama lang e." bulong ko sa sarili ko.

"HOY! HINDI KA PA NAGBABAYAD!" sigaw ni Aling Tinay na nakapagbalik sa akin sa ulirat.

"Eto naman. Nakalimutan lang!" sagot ko naman habang sinisipsip ang kakaunting coke sa plastik.

"Nakalimutan magbayad pero ang paglalandi niya hindi makalimutan." bulong ni Aling Tinay na rinig na rinig naman.

Napabuntong-hininga na lamang ako sa aking narinig.

Bakit kaya puro pianono lang ang tindang tinapay ni Aling Tinay? Isang palaisipan pa rin iyon sa buong baranggay.

"Spaghetti kayo diyan!" pag-aalok ng aleng naka-ponytail.

Bwisit na babaita ito! Nagbalik na naman tuloy sa aking ala-ala ang ginawa kong kahihiyan kanina. Balak ko pa namang sayawin rin yung "Itaktak mo" buti na lang napigilan ko yung sarili ko at baka sa kangkungan na ako pulutin!

-----------------------------------------------------------

Bakit kaya ayaw ni Mr. Saavedra sa Spaghetti ng Sexbomb? Dahil kaya mahilig siya sa palabok o pancit malabon?

HAHAHAHAHA! Ano sa tingin ninyo?

Salamat sa pagbabasa! Labyu guysss

He's Not My Type (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon