Simula

95 9 0
                                    

Written by WildestRebel

"Ang ikli naman ng suot niyan!"

"Naku malandi talaga yan, Mare!"

"Kung saan-saan nga nagpupunta yan sa gabi. Makati talaga yan!"

"Tignan mo nga ang pula ng labi! Ang kapal ng make-up!"

Natigil na lang ang kanilang pagchichismisan nang tawagin si Aling Berna ng kanyang anak.

"Nay! Ubos na yung gatas ni baby. Baka pwede ka namang umutang sa tindahan." anya ng anak na may karga-kargang sanggol na wala pang isang taon habang hawak-hawak ang balakang na mistulang sinusuportahan ang likod sa bumubukol na naman niyang tiyan.

Pambihira! Rinig na rinig ko ang pagchichismisan ng dalawa naming babaeng mukhang baklang patay na kapitbahay. Napabuntong-hininga na lamang ako sa aking mga narinig.

"Ang agang chismisan naman. Maligo muna kayo, mamaya na yan." bulong ko sa sarili habang ibinababa ang mini skirt na mistulang hinihigop na ng aking pwet.

Totoo nga. Totoong malandi ako. Sa balingkinitan kong katawan, malapad na balakang at naglalakihang bewbs aba sino ba namang lalaki ang hindi mahuhumaling? pero sino nga rin bang lalaki ang seseryoso sa ganitong itsura diba?

"Hi miss!" nakangiting bati ng lalaking nakasabit sa truck.

Napaisip na lamang ako sa itsura ng lalaki. Nakalabas ang dalawang front teeth nito na mistulang kumakaway sa akin.

"Wow pati ngipin kumakaway na rin sa kagandahan ko!" nakangiti kong binulong sa hangin.

Halos madapa na ako sa kakaisip kung paano nga ba lumagpas sa bibig ang ngipin ng lalaki at kung nagttoothbrush nga ba ito. Kung ginagamit ba nila itong can opener o panghuli ng isda. Panghuli ng isda? Hahahaha!

Pawisan na ang lola niyo nang dumating sa aking inaaplyang trabaho. Nag-aapply akong crew sa isang fastfood restaurant. Part time lamang yun dahil ako ay kasalukuyang pumapasok sa kolehiyo.

"Goodmorning! I'm Stephanie Ramirez. I'm here for my final interview." pagpapakilala ko naman sa isang babaeng kamukha ni Ms. Minchin.

"Nasaan kaya si Princess Sarah?" bulong ko sa aking sarili.

"Ano yun, ma'am? Please wait for a while. I'll just inform the boss" sambit ng sekretaryang may makapal na salamin.

"Ah Eh.. (ih oh uh) Thank you!.. Ms. Minchin"

Hindi na narinig ng masungit na empleyado ang pangungutya ko.

"Ms. Stephanie Ramirez" tawag sa akin ng sekretarya.

Halos mangatog ang tuhod at malaglag ang panty ko sa kaba. Di tuloy ako makalakad ng maayos. Mukha akong tumira ng flakka ng mga sandaling iyon.

Umayos ako ng pagtayo habang pinapagpag ang balakubak sa balikat ko. Hindi kasi ako nakapag Head & Shoulders. Lodi ko si Sandara Park at gusto kong magpa-anak kay Mario Maurer kaya ayun ang shampoo ko. Napaisip rin ako kung nakapagsuot nga ba ako ng panty.

"Shuta nagpanty ba ako? de bale na nga di na lang ako bubukaka" sambit ko sa kawalan.

"Ms. Stephanie Ramirez?" pasungit na sabi ng sekretarya.

Paika-ika akong naglakad patungo sa pintuan habang kinakapa ang pwet kung nakapagsuot nga ba ako ng panty.

-----------------------------------------------------------

Hi guys? HAHAHAHA! may magbabasa kaya nito?

Nagpanty kaya si Steph o baka naman nakabrief siya? abangan sa susunod na kabanata.

Pasensya na po kung korni. First time ko rin kasing gumawa kaya medyo madugo. ehem.

He's Not My Type (On-Going)Where stories live. Discover now